CHAPTER 18

7K 191 15
                                    

HUMINGA NG MALALIM si Steffan bago naunang naglakad kaya sumunod na ako sa kaniya.

Nilapitan namin sina Kuya Isaac. "Bridget."

Humalik ako sa pisngi ni Kuya Isaac at sa mga kaibigan nila.

"Buti pa 'to si Bridget sweet." Sabi ni Derek.

Natawa ako, umupo ako sa tabi ni Steffan. Napapagitnaan ako ni Kuya Isaac at siya.

"Don't kiss other men." Bulong ni Steffan.

Napatingin ako sa kaniya, sobrang lapit ng mukha namin.

"They're your friend." Mahinang sagot ko.

Narinig ko na lang may umubo, napatingin ako kay Kuya Isaac na nakatingin pala sa amin. Para akong namutla.

"K–kuya..."

Matiim akong tinignan ni Kuya sa mga mata. "Don't get too close."

"Why?" Nagtataka na tanong ko.

Ngumisi siya. "I don't want to beat a friend." Diin nito sa dulo.

Para akong nawalan ng gana dahil sa narinig ko.

Tumayo ako. "Where are you going, Bridget?" Tanong ni Kuya.

"Kuya huwag ka mo na ako paghigpitan. Matanda na ako, hindi na ako bata." Mahinang saad ko.

Tinignan niya ako ng masama. "Know your place."

Sinamaan ko din siya ng tingin. "Isusumbong naman kita kay Mommy." Panghihimutok na saad ko.

"Huwag kayo mag-away." Suway na saad ni Levi na kakalapit lang sa amin.

Para akong naiiyak dahil sa inis. Tinignan ko si Steffan na nakatingin sa akin. "Ihatid mo ako." Sabi ko.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Kuya.

Tinignan ko naman siya. "Don't care asshole!"

Nanlaki ang mata ni Kuya Isaac dahil sa sinabi ko. "Bridget!"

Hinayaan ko lang siya at hinila na lang si Steffan palabas.

Pagkarating namin kung saan nakaparada ang sasakyan niya ay sumakay kaagad ako.

Sumakay na din ito. Pinaharap niya ako sa kaniya. "Are you okay?"

Napabugtong hininga ako. "Nakakasakal lang yung paghihigpit ni Kuya sa akin." Sabi ko.

Hinawakan niya ako sa mukha at hinalikan sa labi, napapikit naman ako pero hindi ako sumagot sa halik niya.

Humiwalay na ito kaya niyakap ko siya. "Sana umuwi na sina Mommy para hindi na ako ganituhin ni Kuya."

Hinaplos niya ako sa buhok. "Pinoprotektahan ka lang ng kuya mo. Intindihin mo na lang siya, bebe." Sabi nito.

Tinignan ko siya, hinahaplos niya pa din ang buhok ko. "Hindi na ako bata, kaya ko na ang sarili ko."

"Alam mo naiintindihan ko ang kuya mo, dahil nung nalaman ko na boyfriend ni Serenity si Winston ay dalawang beses itong nabugbog."

Nagulat ako dahil doon. "Bakit?" Nagtataka na tanong ko.

"It's against the rule." Sabi niya.

"Inuunahan ko na si Winston dahil alam ko sasabihin niya din 'to sayo, dahil siya naranasan na niya. Ako mararanasan ko pa lang."

"Mararanasan mo pa lang?" Nagtataka na tanong ko.

Tumango siya. "Yeah. Oras na nalaman ng kuya mo na nilalandi kita."

Napalunok ako. "Itigil mo na, baka mabugbog ka." Sabi ko.

Umiling siya at ngumiti. "No. Ngayon pa ba na nalalandi na kita dahil wala ka ng boyfriend."

"Steffan..."

Dinampian niya ako ng halik sa labi. "It's okay bebe. I'll take the punishment. I'm ready."

Para akong kinabahan dahil sa sinabi ni Steffan.

Pleasing Steffan ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon