CHAPTER 25 ⚠️

9.3K 176 29
                                    

STEFFAN

PAGKAHATID ko kay Bridget ay dumeretso ako sa bahay ko.

Huminga ako ng malalim bago pumasok. "Are you ready?" Seryosong tanong kaagad ni Issac pagkapasok ko.

"Yeah."

Nilapitan ako ni Reid at Thirdy. "Sorry bud." Mahinang saad nila.

Hinawakan nila ako sa parehong kamay at naglakad kami papalabas ng bahay ko.

Lumagpas kami sa pinakadulong bahagi ng empire village at pumasok kami sa underground.

Wala ng mga bahay dito. Hindi namin hinahayaan dahil nandito ang underground para sa punishment.

Pinaupo nila ako at itinali sa kamay. "What now?" Tanong ko.

"Lashes or dos por dos wood? Easy punishment, right bud?" Matigas na tanong ni Isaac.

Nagkibit balikat lang ako. "Any of two."

"Both?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot. "Okay then." Saad niya.

Pinatayo nila ako. "50 lashes and 50 for dos por dos wood." Sabi ni Isaac.

"Seryoso ba 'to? Baka naman patay na to pag umabot sa hospital." Saad ni Reid.

"Hindi siya mamamtay. May kasunod pa na punishment pag pinakasalan niya ang kapatid ko." Sabi ni Issac

Gulat na tinignan ako ni Reid at Thirdy. "Seryoso?"

"Hindi ko pa girlfriend." Sagot ko.

"Papunta pa lang." Dagdag ko.

"You can start now, Reid."

Unang hampas ni Reid ay pasimple akong napadaing, ilan beses pa ay umabot na sa 50 napaluhod ako.

Nararamdamn ko na yung hapdi ng likod ko.

"Thirdy now." Saad ni Isaac.

"Ipagpahinga muna natin siya." Sabi ni Thirdy.

"Now, para matapos na kaagad." Giit ni Isaac.

"Sorry payne." Saad ni Thirdy at ipinalo yung dos por dos sa katawan ko.

Lalo akong napadaing sa sakit, umabos ng ilan oras ay parang pumipikit na ang mata ko dahil sa pagod at sakit.

"Tapos na?" Pagod na tanong ko.

"Oo." Sagot ni Thirdy.

"Dalhin niyo siya sa bahay niya, kukunin ko lang yung mga gamit ko sa bahay. Pag dinala natin siya sa hospital baka magtaka sila." Sabi ni Isaac.

Sa sobrang pagod hindi ko na alam kung ano ang nangyari, basta na lang pumikit ang mga mata ko.

Pleasing Steffan ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon