CHAPTER 35

7.1K 166 5
                                    

MATAPOS ng pagtatalo namin ni Steffan ay hindi siya nagpakita at nagparamdam

Hindi ko alam kung pagtatalo ba ang nangyari 'non.

Napabugtong hininga na lang ako. "Bakit ang tahimik mo ngayon?"

Napatingin ako kay Mommy na umupo sa tabi ko, nasa garden kasi ako ngayon.

"Wala naman po." Sagot ko.

"May problema ba?"

Napabugtong hininga ulit ako. "Si Steffan po kasi."

Tinignan niya ako. "Nagdadate ba kayo?" Gulat na tanong niya.

"Opo."

Ngumiti siya. "That's good, mabait ang batang 'yon."

'Baliw lang po siya, Mommy.' Sabi ko sa isip ko

"Hindi po kasi nagpapakita." Sabi ko.

"May ginagawa siguro 'yon. Madaming business ang mga Payne." Sabi ni Mommy.

"Siguro po." 'Yon na lang ang nasabi ko.

"Graduation mo na this week, ano ang gusto mo?"

Umiling ako. "Wala po, mommy. Gusto ko lang magstay dito sa bahay pagkatapos ng graduation ko."

"Si Steffan wala ba siyang plano?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko po alam sa baliw na 'yon." Sabi ko.

Natawa siya. "I should talk to her mom." Sabi nito bago umalis.

Naisipan ko lumabas ng bahay pero natigilan ako kung sino ang nakatayo sa harapan ng gate.

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ko.

"Bebe."

Hindi ko siya pinansin basta lang ako naglakad.

"Bebe pansinin mo naman ako." Sabi ni Steffan.

Tumigil ako at humarap ako sa kaniya. "Buti nagpakita ka?"

"Ginalit mo kasi ako." Dahilan niya.

Napairap ako. "Nakakainis pagiging baliw mo." Bato ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "It's my collection, bebe."

Kinurot ko siya ng mahina sa braso. "Baliw!"

"Oo nga! Akin na 'yon." Sabi niya.

Hindi na ako nagsalita baka magaway na naman kami dahil sa dahilan na 'yon.

"Galit ka din ba?" Tanong niya.

"Oo dahil sa kabaliwan mo taglay." Sagot ko.

Natawa siya. "I miss you, bebe."

"I miss you too." Mahinang saad ko.

"Kung hindi mo sana ako kakausapin magnanakaw na naman ako e." Sabi niya.

Pinalo ko naman siya ngayon. "Heh!"

"Seryoso bebe, natatandaan mo ba noong hindi mo ako pinapansin? Anong nangyari?"

Humiwalay ako sa kaniya. "Kinuha mo ang mga panty ko."

"Exactly!" Sabi niya.

Napailing na lang ako. "Baliw!"

Niyakap na naman niya ako. "Nakadalawa ka na." Sabi ko.

"Bawal ba? Namiss kita e."

"May sinabi ba ako?" Masungit na tanong ko.

Hinigpitan niya yung pagkakayakap sa akin. "In the next few days papayagan mo ba ako ayain ka?"

Tinignan ko siya kahit nakayakap pa din siya. "Nang ano?"

"Nothing, nevermind." Sabi nito.

Humiwalay ako ng yakap sa kaniya pero niyakap na naman niya ako, pang-apat na beses na 'to.

"Pumasok na tayo sa bahay, ako 'to nahihirapan." Sabi ko.

Pumasok kami sa loob ng bahay at pinaupo ko siya sa sofa, umupo din ako katabi siya pero humiga siya at umunan sa hita ko.

"Bebe."

Napatingin ako sa kaniya. "Hm?"

"I love you." Ngumiti lang ako bilang sagot.

'I love you' Bulong ko sa isip ko.

Pleasing Steffan ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon