CHAPTEE 29

6.4K 166 8
                                    

"SMILE KA NA." Saad ko.

"Ewan." Masungit na saad niya.

Nakasimangot pa din kasi siya.

"Magpagaling ka kasi." Saad ko.

"Nagpapagaling naman."

Tumalikod siya ng higa kaya hinayaan ko siya.

"Hindi 'man ako yayakapin." Masama na loob na saad niya.

Pasimple akong natawa pero dahan-dahan ko siya niyakap. "Sorry na."

"Kiss ko, baka matuwa ako."

Natawa ako ng tuluyan dahil sa sinabi niya. Hinalikan ko siya sa pisngi dahil nakatalikod pa din siya.

Lumipat ako ng pwesto dahilan para magkaharap kami. "Hindi na ba nagtatampo ang steffan ko?"

"Steffan mo?" Mahinang tanong niya.

Napansin ko na namula yung tenga niya. Ang cute!

Pinisil ko siya sa pisngi. "Nagtatampo ka pa ba o hindi na?"

Umiling siya. "Hindi na." Saad niya.

Nagsumiksik siya at umunan sa dibdib ko, hinayaan ko siya baka kailangan niya ng lambing.

"Matulog ka na." Saad ko.

Umayos naman siya ng higa, tinignan ko siya. Nakapikit na siya.

Mamimiss ko siya siguradong sigurado.

Lumipas ang dalawang oras ay napagisipan ko na tawagan si Kuya Isaac. Tumayo na ako at pumunta sa balcony ng kwarto ni Steffan.

Ilan sandali lang ay sinagot na niya. "Why?" Kaagad na tanong niya.

"I'll take the next punishment of Steffan, Kuya."

"Are you crazy?" Gulat na tanong niya.

"No, I'm serious kuya. Ayoko ulit na makita na ganito si Steffan."

"Fine. Hindi naman mabigat magiging punishment mo."

"What it is?" Tanong ko.

"Manage the company of Dad for one week, magbabakasyon kami ng asawa at anak ko. Ayoko naman istorbohin si Dad."

Napakurap ako. "Ayon lang? Walang sampalan?"

Natawa siya sa kabilang linya. "Hindi naman kita sasaktan dahil kapatid kita. Hindi na namin siya ipapunishment kung ikaw ang magmamanage."

"Kuya alam mo naman kung ano ang tinapos ko di'ba?"

"Do you want in Mondragon Medical Center? I will inform Marcus."

"Carl Marcus?" Tanong ko.

"Yes."

Pagkakaalam ko ay siya ngayon ang may-ari ng Mondragon Medical Center.

"I'll manage the company, para hindi mo na ipasa kay Dad."

Natawa siya. "Good."

"Basta yung usapan kuya."

"Yes. Good night, matulog ka na." Saad nito bago ibinaba.

Tahimik na nahiga ako sa tabi ni Steffan at pumikit na.

KINABUKASAN ay maaga ako nagising para ipagluto si Steffan.

Naisipan ko din na ngayon ko gagawin yung binabalak ko, Nakokonsensiya ako.

Naglagay ako bacon, egg at fried rice sa plato. Naglagay din ako ng coffee sa tray.

Dahan-dahan na binuhat ko yung tray at pumunta sa kwarto ni Steffan, mukhang gising na siya.

Inilagay ko na siya may kama. "Kain ka na." Saad ko.

Umupo na siya at kumain, itinapat niya sa akin yung kutsara na may kanin at bacon.

Ibinuka ko naman yung bibig ko at tinanggap yung pagkain.

Pagkalipas ng 15 minutes ay natapos na siya kumain, lumapit ako sa kaniya.

"Steffan."

Nagangat siya ng tingin. "Bakit bebe?"

Huminga ako ng malalim. "Tigilan na natin 'to." Para akong nabilaukan sa sariling sinabi ko.

Ngumiti siya pero hindi abot sa mga mata. "A–anong pinagsasabi mo, bebe?"

"Itigin na natin 'to."

Umiling siya at tumawa. "Hindi bebe."

"Steffan please."

"Bakit? Hindi pa ba ako sapat para sayo?" Mapait na tanong niya.

"May mga bagay na hindi na muna kailangan ituloy."

"Ayoko bebe." Sabi nito at basta na lang ako niyakap ng mahigpit.

"Steffan please intindihin mo." Saad ko.

Humiwalay ako ng yakap sa kaniya. "Hindi ko maintindihan!" Galit na saad niya.

"Hindi ka ba masaya sa akin?" Tanong niya.

Masaya, masayang masaya ako.

Hindi ko siya sinagot.

"Bebe, sagutin mo ako!"

Huminga ako ng malalim. "Sa akin na lang yung dahilan."

Bigla siyang sumeryoso. "Hindi ako papayag, Bridget!"

"Steffan, buo na ang desisyon ko."

Umiling siya. "Hindi mo 'to pwedeng gawin."

Tinitigan ko siya, lumapit ako lalo at basta ko na lang siya hinalikan sa labi. "I'm sorry, Steffan."

Nang dahil sa akin nangyari sayo 'to, sorry kung gagawin ko 'to.

Nanigas ako bigla ng makita ko siya umiyak, humiwalay na kasi ako sa kaniya.

"Steffan..."

"Bebe please don't do this to me." Pakiusap niya.

"I'm sorry, steffan." Hindi ko gustong saktan ka pero nakokonsensiya ako sa nangyari sayo.

Pleasing Steffan ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon