Yesterday, my day went as usual. Hindi ko mapigilang mairita sa presensya ni Janela pero wala rin naman akong magawa.
Hindi ko na lang pinapatulan ang pagiging papansin niya. Hindi ko alam kung bakit hindi niya mahalata na halos karamihan sa mga kaklase namin ay naiinis sa kaniya, o baka naman aware siya pero acting unbothered at natutuwa talaga siya deep inside na may naiinis sa kaniya.
"Ate?" My brother, Jacob, knocked on the door.
"Yes?"
"Breakfast is ready," he said.
"Okay. I'm done preparing. Bababa na rin ako," sagot ko.
Naglagay lang ako nang kaunting tint sa labi ko para hindi ako magmukhang maputla. Wala naman akong masyadong inilalagay sa mukha ko dahil ayos naman na siya. Hindi na kailangang ayusin ng kilay ko dahil natural na makapal na siya.
Sinipat ko muli ng huling beses ang aking sarili sa salamin. Nang makuntento sa itsura ay kinuha ko na ang tote bag ko saka bumaba at dumako sa dining table. Naroon na sila at ako na lang ang hinihintay.
Kakauwi lang nila Mommy kagabi.
"Good morning!" I greeted them and kissed my parents’ cheeks.
"Good morning. Maupo ka na at mag-almusal," sabi ni mommy saka ngumiti. "I have something for you. Nasa kuwarto pa namin ng daddy mo pero ipapadala ko na lang sa isang kasambahay mamaya."
"What is it?"
Sanay na ako na palagi silang may pasalubong kapag umuuwi sila galing ibang bansa. I just don't like it that they're spending too much just because we have a lot of money.
Ang dami ko nang bags, shoes, clothes, and jewelries. Hindi ko naman nagagamit lahat pero binibilihan pa rin nila ako nang binibilihan.
Ganoon din sila kay Jacob.
"Hermès bag," she answered.
"Thanks, mommy," sagot ko na lang.
Tahimik lang ang almusal namin pagkatapos kaming kumustahin ni daddy sa pag-aaral.
Jacob is already a first year college student taking Engineering. Varsity siya kaya naman half lang ang tuition na binabayaran sa kaniya.
I want to be a scholar, too. Pero naisip kong kaya naman naming magbayad ng tuition at maraming nangangailangan ng slot kaya hindi ko na pinilit.
Nauna lang si Jacob saglit pero nagpaalam na rin ako kina Mommy na papasok na nang matapos akong kumain. I drove to my school in less than ten minutes dahil hindi naman talaga siya sobrang layo sa amin.
After parking my car, I had one last look in my mirror just to make sure that I looked fine. I combed my hair and fixed it neatly pagkatapos ay lumabas na ako ng kotse.
Binati ko ang guard bago ako pumasok.
I walked leisurely towards my room's building. I was so busy roaming my eyes around that I didn't notice that I was close enough to bump into someone.
"Ingat naman, Eiris," ani ng taong muntik ko nang mabunggo.
"Zander?" Nagsalubong ang kilay ko.
"The one and only, babe!" Ngumiti pa siya nang malawak, animo’y isang clown.
He looks cute when he does that.
I rolled my eyes at him. "Bakit parang ngayon na lang ulit kita nakita rito?"
"Sa laki ba naman ng university na 'to, magkikita pa ba tayo?" natatawa niyang sabi. "Miss mo lang ako, eh."
"Yuck!"
BINABASA MO ANG
Chasing the Old Flame✓
RomanceDaneiris Ilana Sanchez, a college student, is usually referred to as an ideal daughter. A constant honor student, a model, and an artist. People assumed she could do anything, which put her under a lot of strain. She was afraid of failing due to her...