Pinagkalat ni Janela sa buong klase namin ang nangyari. She even made up some stories.
Macie, one of our mean classmates, believed her. Of course, pinalabas nila na masama ang ugali ko kahit wala naman akong ginagawang masama.
I just made her taste her own medicine. She can be rude to other people and act like everyone likes her, where in fact, most of the students here don't.
Hindi puwedeng palagi na lang siya aasta na kaya niya ang lahat ng tao.
Our classmates didn't believe her. Kilala rin naman nila ako at alam naman nila ang ugali ni Janela. They know she's just adding some bad things to the whole story.
Totoo namang masama ang ugali niya.
I just let her do what she wants to do. Our classmates know what kind of person I am.
Kung makarinig man sila ng masamang kuwento tungkol sa akin, paniwalaan na lang nila. It's too tiring to explain yourself to other people because at the end of the day, they'll still believe what they want to believe, and your explanation will end up as a make up story of excuses.
Napapansin ko ang pabalik-balik na pagdaan nina Isaiah, Zander, Mark, at iba pa nilang kaklase sa tapat ng building namin.
"Girls, restroom ako," paalam ko sa dalawa. "Sama kayo?"
Parehas silang umiling dahil abala sa mga phone nila. Nagkibit na lang ako ng balikat at lumabas na ng room. Diniretso ko lang ang hallway dahil sa dulo ang restroom.
Umihi lang ako tapos naghugas na ng kamay habang tinitingnan ang sarili sa malaking salamin. Hindi na ako nagpatuyo ng kamay sa hand dryer dahil sabi sa mga study na nabasa ko, possible na mas makapagkalat pa iyon ng germ sa kamay kaya pinunasan ko na lang ng tissue.
Lumabas na ako nang makasabay ko si Zander dahil galing siya sa male restroom.
"Uy, Eiris! Saan ka?" tanong niya sa akin.
“Wala, babalik na sa room namin.”
"Tara sa cafeteria, libre kita."
S’yempre dahil libre, pumayag na ako dahil vacant time ko pa naman.
“Pero daan muna tayo sa room namin, naiwan ko wallet ko,” aniya.
"Doon tayo sa inyo?" tanong ko pa kahit narinig ko naman.
"Oo nga. Bingi ka ba?" natatawa niyang tanong. Pinitik niya ako sa noo at niya akong hinawakan sa kamay. "Tara na!”
"Hoy!" Hinampas ko ang braso niya saka tinuro ang kamay niya. "Galing kang restroom. Huwag mo akong hawakan!"
Tumawa siya saka bumitiw. "Oo nga pala!"
"Kadiri!" Kinilabutan ako.
Mabuti na lang at nagbaon naman ako ng alcohol bago pumunta sa restroom kanina. Nag-alcohol ulit ako habang sumusunod ako sa kaniya.
Nang makarating sa klase nila. Agad na nagtinginan sa amin ang mga kaklase niya. Kinantyawan kami ng ilan niyang kaklase, karamihan pa naman sa kanila ay lalaki.
Ang awkward naman nito. Bakit nga ba ako sumama?
S’yempre hindi na ako sumama papasok sa loob at hinayaan na lang siya. Nakita ko pa sina Mark at Isaiah na magkatabi habang seryosong nag-uusap.
"Omg! What are you doing here, Eiris?"
Narinig ko ang histerikal na boses ni Janela mula sa likod kaya agad akong napatingin sa kaniya. Ang eskandalosa talaga ng boses ng taong 'to kahit kailan.
“I'm with Zander, hinihintay ko lang ulit lumabas,” sagot ko kahit hindi naman talaga kailangan.
“Baka naman nagpapapansin ka sa kung sino rito?” Ngumisi pa siya.
"Tsk. Babalik na ako," sabi ko at akma na sana akong tatalikod nang tawagin ako ni Zander.
"Cafeteria na tayo, Ris,” aya niya.
Hindi na ako sumagot.
“Sama ako!” sigaw ni Isaiah saka tumayo mula sa upuan niya kasunod si Mark.
"Bam!” tawag ni Janela.
Napaangat ang isa kong kilay dahil mukhang si Isaiah ang tinatawag niyang bam.
Bam? Be always mine? Cringe.
He looked at her and raised an eyebrow. “Ikaw pala, Jane. Bakit?”
“Can we talk?”
Hindi ko alam kung bakit ako napako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa dalawa. Ganoond din naman sina Zander at Mark.
Mukhang matagal na silang magkakilala, hindi pa man nakakalipat si Isaiah rito.
"Let's just talk some other time," Isaiah replied and joined us.
Sumunod na rin si Mark at naiwan na nga roon si Janela na wala na rin namang sinabi at pinanood na lang kaming umalis, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Kayo magbayad ng kakainin n'yo, ah! Si Eiris lang sagot ko," sabi ni Zander.
"Kaunti na lang, iisipin kong ikaw talaga ang may crush Eiris at hindi si Eiris ang may crush sa 'yo," ani Mark.
Ngumiwi naman ako. Tinahak na namin ang daan papuntang cafeteria. Nang makarating, sinabi kong egg sandwich lang ang gusto ko. Naiwan ako sa isang table kasama si Mark at Isaiah. Kapwa kami mga tahimik.
"So, you like Zander?" Isaiah asked suddenly, which made me look at him.
"Ako ba?" Sabay turo ko sa sarili ko.
"Baka si Mark," he answered sarcastically.
I rolled my eyes. "Well, yes. But that was a long time ago. Kaibigan na lang ang tingin ko sa kaniya.”
Tumango na lamang siya at hindi na ulit nagsalita.
Tumikhim ako. "You know Janela?" Ako naman ang nagtanong.
He simply nodded. "She's my best friend."
That surprised me pero hindi na rin ako nagsalita at tumango na lang din. Dumating si Zander dala ang mga pagkain namin. Nagsimula na kaming kumain habang nagkekwentuhan. Syempre bumibida si Zander at tawa lang ako nang tawa sa kaniya. Muntik ko nang mabuga ang kinakain ko nang biglang may mahinang batok akong natanggap mula sa likuran.
"Nandito ka lang palang gaga ka! Kanina ka pa namin hinahanap!" sigaw ni Grace.
"Bakit kailangan mong mambatok?" Ngumuso ako.
"Huwag kang ngumuso. Para kang bata!” asik niya.
Tinatawanan lang kami ni Ericka.
"Tara na nga!" aya ko sa kanila. "Thanks sa sandwich, Zander," paalam ko at tumayo na.
Hindi na ako tumingin pa sa dalawang naiwan dahil naiilang akong tumingin kay Isaiah.
Tahimik lang kaming tatlo habang naglalakad pabalik sa building namin pero ramdam ko ang mga tingin ng kasama ko sa akin.
Tumikhim si Ericka. "Mind to share why you're with your new crush?"
I already said to them that I have a crush on Isaiah. There's no doubt that I do. Unang beses ko pa lang siyang makita, nakuha niya na agad ang interest ko at alam ko sa sarili kong crush ko na nga siya.
"Sumama lang naman siya sa amin," sagot ko.
"I think he likes you too," said Grace. "Remember his stare at you when he said hi? Girl, it's something magical!"
Ano 'to? Fini-feed nila ang utak ko para mag-imagine na gusto rin ako ng gusto ko?
"Oa mo," natatawa kong sagot.
But I do still remember the way he looked at me that time, it's like he's trying to know me well just by looking at me.
The deeper he looks, the deeper he digs.
BINABASA MO ANG
Chasing the Old Flame✓
RomanceDaneiris Ilana Sanchez, a college student, is usually referred to as an ideal daughter. A constant honor student, a model, and an artist. People assumed she could do anything, which put her under a lot of strain. She was afraid of failing due to her...