pangarap kong bituin

18 1 0
                                    

Kay hirap man abutin
Mga pangarap na nag mimistulang bituin
Kay hirap man umahon
Sa dagok ng kahapon

Pero ako'y patuloy na babangon
Haharapin anumang hamon
Kahit walang kasiguraduhan
Sa mundong ating ginagalawan

Pilit mang hilahin pababa
Ako'y hinding hindi magigiba
Patuloy na mangangarap
Kahit di tanaw ang hinaharap

Pangarap kong bituin
Ika'y makakamtan rin
Paglaruan man ni tadhana
Ako'y patuloy na aasa

Na sa bukas makalawa
Aking ring matatamasa
Ang parangap na hinahangad
Makakamtan din ng aking palad

Mga Tula Ni MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon