Isa, dalawa tatlo bakit ba ganito?
Bakit ba ganito ang mundong ito?
Kung makapanghusga akala mo naman perpekto
Kung makapanglait daig pa ang hindi edukadoMali ba dahil ganito ako?
O kayo ang mali dahil hinusgahan niyo na ako
Mali ba dahil nagagalit ako
O kayo ang mali dahil nasasaktan din ako
Saan, Bakit, Ano ito ang mga katanongan ko
Saan ba ako , lulugar sa inyong respeto?
Bakit ba, bakit ba ganyan kayo?
Ano ba ang nagawa ko?
Kasalanan ko ba ito?Saan ko to sisimulan?
Sisimulan ko , na kayo'y pakiusapan
At tatapusin sa isang kahilingan
Wag naman sana tayong magbubulagbulagan
Na sa mundong ating ginaglawan
Tao tayo nakakagawa tayo ng mali at kasalanan
Kaya tama na wag niyo sana akong husgahan
Dahil kasabay ng pagbuhos ng ulan
Di rin mapigilan na ako ay masaktan
Kasi di naman ako bato para di matamaanApat, lima , anim
Nakakasakit na kayo sa damdamin
Hanggang kailan ko ba to bibilangin
Bakit di niyo muna ako kilalanin
Bago niyo ako husgahan at maliitin
Baka diyan pipilitin ko kayong intindihinBakit ba parang suntok sa buwan
Suntok sa buwan na aking makamtan
Respeto lang naman ang aking kailangan
Dito sa mundong aking kinanabibilangan
Kasi sa isang pagkakamali mo lang kaya kang husgahan
Na para bang wala kanang nagawang kabutihanGanito nalang ba talaga to
Hindi na ba talaga magbabago
Manghuhusga nalang ba talaga kayo
Sa maling nakikita niyo
At kung di niyo kayang respetuhin bilang ako
Respetohin niyo ako bilang tao
Matoto kayong manghusga ng totoo
At hindi sa maling na nakikita sa mata niyong perpekto
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Makata
PoetryIto ay mga koleksyon ng aking mga nakatha simula ng akoy matotong Gumawa ng tula .... Isang taos pusong pasasalamat sa mga makakabasa ng aking nakatha Mjleejieun Adrocan_M (11-26-20)