Halaga

121 2 1
                                    

Sa aking pag- iisa
Sa bawat patak ng luha
Lungkot na aking nadarama
Bakit walang nakakita

Sa bawat ngiti ng aking labi
Likod nito'y kirot at hapdi
Sa bawat kislap ng aking mata
Saya nito'y  paubos na

Sa bawat sakit na nararamdaman
Sarili lang ang nakakaalam
Sa bawat hikbi na napapakawalan
Tila lahat ay bingi at hindi napapakinggan

Sa sandaling ako'y nag iisa
Sa bawat sulok na aking nakikita
Bakit hindi mapigilang kumawala
Bawat patak ng aking luha

Sa dami daming kakilala
Ni isa walang nakakita
Sa tunay kong halaga
Tila ako lang ay nakikilala
Sa panahong kailangan na

Marahil nandiyan lang kayo
Nakikitang masaya ako
Ngunit nagkakamali kayo
Katumbas ng mga ngiti ko
Lungkot nito'y tinatago

Minsay hanapin niyo naman ang halaga ko
Di iyong tepong hiningi ko pa sa inyo
Di iyong nakikita niyo
Kapag wala na ako
Dahil pagod na ako
Sa kakahanap ng halaga ko sa mundo

Mga Tula Ni MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon