Paano mo nasabi?

66 2 0
                                    

Paano mo nasabi na kaya mo na
Kaya mo na wala siya
Kung sa bawat pagdinig ng pangalan niya
Ay naiiyak kana
Paano mo nasabi na limot mo na siya
Kung sa bawat pagpikit ng iyong mata
Siya ang iyong nakikita
Paano mo nasabi na kaya mong palitan siya
Kung sa inyong nakaraay di kapa nakalaya
Paano mo nasabi na madaling limutin ang inyong pinagsamahan
Kung parati mo itong binabalikan
Kaya wag mong sabihin na kaya mo
Kung siya parin ang nasa itong puso
Kaya wag mong sabihin na wala na
Kung siya parin simula pa ng una
Huwag mong sabihin limot mo na ang nakaraan
Kung ala ala'y kay hirap palitan
Kaya wag mong sabihin ang mga katagang iyan
Kung meron kapang nararamdaman
Kasi kung di mo man iyan masabi ngayon 
Huwag mag- alala darating din ang panahon

Mga Tula Ni MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon