Ilang ulit nabang lumuha
Ilang tula na ba ng nagawa
Ilang buwan paba ang palilipasin
Upang ikay tuluyan ng limutin
Wala na ba talaga akong puwang sa puso mo
Di na ba talaga maibabalik ang ngiti sa labi mo
Tuluyan naba talagang kitang palalayain
Kahit ni minsa'y di ka naman nagiging akinHanggang dito nalang ba talaga tayo
Lilimutin ko na ba ang kuwentong minsan tayo ang bumuo
Pagpasensyahan mo nalang ako
Kung labis kong minahal ang isang tulad mo
Na dapat sa umpisa di ko ginusto
Dahil tayo lang ay pinagtagpo
Pero hanggang duloHanggang dito nalang ako
Hahayaang ika'y lumayo
Kahit puso'y ikaw parin ang gusto
Baka sakaling mapagtanto mo
Na meron isang tulad ko
nagmamahal sayo
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Makata
PoesíaIto ay mga koleksyon ng aking mga nakatha simula ng akoy matotong Gumawa ng tula .... Isang taos pusong pasasalamat sa mga makakabasa ng aking nakatha Mjleejieun Adrocan_M (11-26-20)