"What kind of guy do you look for?"
Tanong ni Prince sa bestfriend nyang si Georgia, na abalang nagta type sa laptop nito para sa ginagawang bagong nobela.
"Guso ko... Yung lalaking willing tumugtog at turuan akong maggitara. Hindi sa gusto ko talga yung lalaking expert sa gitara pero turn on talaga sa akin yung lalaking naggigitara, kahit siguro hindi siya marunong pero basta may interes siya sa music, ok na yun para sa akin. Yun bang game siyang sabayan ako sa pagiging self-proclaimed singer ko. Tapos kapag tuturuan niya ako, gusto ko may pasensya siya sa akin, pareho kasing kaliwa yung kamay ko pagdating sa gitara eh. At kung hopeless na talaga ako para matuto, gusto ko gugugulin na lang namin yung natitirang oras sa pagkanta ng kung ano anong kanta. Yung tipong hinaharanahan ko siya at hinaharanahan niya din ako sa pamamagitan nun. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki."
Nakangiting bumaling pa ng tingin sa kanya si Georgia.
"Marunong akong mag gitara at kumanta."
Napasimangot kaagad si Georgia. "Eh, ano naman ngayon kung marunong ka? di kita type nuh! Duh! Excuse me..." Umirap pa ito sa kanya.
"Hoy! Tuturuan lang naman kita, di ako nag aapply maging dream boy mo, suplada nito."
"Tse! Ayoko pa rin sayo! Gusto ko yung lalaking hindi aangal sa pagiging bookworm ko. Hindi sa gusto ko talaga yung lalaking bookworm din kagaya ko pero turn on talaga sa akin yung lalaking hindi ooppose sa pagbabasa ko. Yun bang hindi siya magagalit kapag nagbabasa ako. Mahilig kasi talaga akong magbasa at minsan, nagsusulat din ako. Gusto ko yung lalaking hindi kill joy sa hobby kong ito. Gusto ko supportive siya sa akin. Ayaw ko ng lalaking negative tungkol sa mga pinagpapantasyahan kong fictional characters at happy ending. Ok na sa akin kahit hindi niya ako sabayang magbasa, hindi ko siya pipilitin. Ang gusto ko lang talaga eh hindi niya ko pagbabawalan sa hilig ko. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki."
"Ganun ako eh! Kaya nga nagustuhan mo ako diba? Hehe."
"Hoy! Prince Saji, ikaw ang nagpumilit at nagsiksik ng sarili mo sakin para lang tanggapin kitang bestfriend, hindi ako. Gets mo ha?"
Nakataas ang kilay nyang singhal sa makulit na binata.
"Sungit naman nito.. siguro may regla ka ano? kaya nagsusungit kana naman sakin.. Araay!"
Biglang binatukan nyang katabi. "Wag mokong stressen. Panira ka ng araw eh! hmp."
"Sige, hindi na nga.. Bilis talaga ng kamay nito."
Hinimas himas ni Prince ang nasaktang bahagi ng kanyang ulo. Para namang walang narinig si Georgia na patuloy lang sa ginagawa nito.
"Hmm.. Anupa bang gusto ko sa isang lalaki... Ah.. Yung lalaking payag maging vain kasama ako. Hindi sa gusto ko talaga yung lalaking super vain pero turn on talaga sa akin yung lalaking hindi mahihiyang magpapicture kasama ako. Mahilig kasi talaga akong kumuha ng pictures eh lalo na kung may event o kahit wala lang, kumukuha pa rin ako. Gusto ko kasing epreserve yung memory ng araw na yan sa pamamagitan ng picture. Kasi sa picture, hindi mo siya mababago pagdating ng panahon eh. Kumbaga, isa yang proof na nangyari din pala yang mga bagay na yan. Gusto ko yung lalaking payag maging vain basta ako ang kasama. Gusto ko ipreserve yung memories, hindi lang sa pamamagitan ng pag-aalala sa aming mga puso kundi sa pamamagitan na rin ng pictures. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki."
Hindi na lang umimik pa si Prince, pasulyap sulyap na lang ito ngayon kay Georgia.
"Saka, yung lalaking walang pakialam sa pagiging baboy ko. Maliit lang yung katawan ko pero seryosong usapan? Ang lakas lakas kung lumamon lalo na pag gutom ako. Ako yung tipong payat pero malakas kumain. Wala eh. Mahilig akong kumain. Gusto ko sana yung lalaking hindi ako ikakahiya dahil sa pagiging matakaw ko. Gusto ko yung lalaking masasabayan ako sa talent kong to. Yun bang proud siyang sumabay ng kain sa akin kasi mahal niya ako at wala siyang pakialam kung mas malaki pa yung lamon ko kaysa sa kanya. If ever tataba ako, gusto ko yung lalaking mamahalin pa rin ako sa kabila ng size ko. Gusto ko yung lalaking kapag kasama ko sa pagkain eh hindi ako makakaramdam ng insecurity kasi alam kong okay lang sa kanya na ganun ako. Oo. Gusto ko ng ganung lalaki."
YOU ARE READING
Broken Dreams🗡Assassin Series13✔💯
Romance⚔King Nexus Larkin⚔ A heartless secret assassin agent in the Hainsha Organization. Hindi siya naniniwala sa love, para sa kanya.. sayang lang ang oras at effort. Hanggang sa nakilala niya si Georgia Guthrie. He claimed her like she was the one who a...