⚔9

39 11 0
                                    

"King!." Sigaw ni Keros matapos hagisan ng katana ang lalaking akmang babaril kay King na tila wala sa sarili habang nakikipaglaban.

"Huh! Thanks Boss K."

Nasabi na lang nya habang nakikipagtagisan ng laban sa apat na kalalakihang puro armado ng matataas na kalibre ng baril.

"Fuck! Man, focus!" Singhal ni Keros "Aeris! We need a back up here! King is not in good condition."

"Oh yeah! Copy that!"

Nawala na sa linya si Aeris. Ilang minuto lang nagsisulputan ng ibang agents.

"Prince! Take King out of here!"

Si Keros ng makitang tumatakbo palapit sa kanila ang mga kasamahan.

Kaagad namang kinaladkad ni Prince si King palayo sa lugar na yun.

"What are you doing idiot?"

Isang malakas na suntok sa sikmura ang pinakawalan ni King sa pinsan na agad napabitaw sa pagkakahawak sa kanyang braso.

"Gago ka, ba't moko sinuntok ha?"

Sinugod nya si King para sana suntukin din ito ng makita nya si Brent sa likuran ng pinsan. Sumenyas ito para patigilin sya saka nito niyakap ang isang braso sa leeg ni King sabay turok ng injection sa braso nito.

"Gotcha!" Nakangising binitawan nito si King pabagsak sa lapag. "Stupid love can kill you."

"Diba, too much love can kill you? Yun, yun eh!" kunot noong sabi ni Prince.

"Mangmang saktan kita dyan eh! Parehas lang yun!.. Reaction mo, kabanas... Tara na nga, tapon na natin to kay Aeris. Marami pang kalaban sa loob."

Hinawakan ni Brent ang kanang paa ni King sabay hinila na ito. Napapailing na hinawakan naman nyang kaliwang paa nito sabay hila rin dito.

"Sigurado pag nagkamalay ng gunggong na ito, ha-huntingin nya tayong dalawa hahhaa."

"Kaya ibayong pagtatago ang kelangang gawin natin mula ngayon Prince."

"Yeah, Right.." Sinulyapan nya pang pinsan na walang malay. Napangisi na lang sya sa ginawang kalokohan nila ni Brent.

Habang abala ang mga kasamahang assassin agents ni King sa pakikipaglaban, wala pa rin syang malay sa loob ng van kasama si Aeris na abala naman sa harap ng apat na laptop nitong nakapalibot sa mesa nito. Tumagal ng dalawa pang oras ang bakbakan bago isa isa ng lumalabas ng kakahuyan ang mga kasamahan nya. Nagkanya kanyang sakay ang mga ito sa tatlong nakaparadang van dun.

"Mga kupal, kita kita na lang tayo sa bahay, nakahanda ng karaoke at chibog dun.." Boses ni Keros sa mga earphones nila.

"Eat all you can ba yan, Boss K.?" Tanong kaagad ni Pyre.

"Eh, Boss K. Libre ba naman yan?" Si Griffin na abalang nakikipag text sa cellphone nito.

"Malamang libre! Tanga naman nito, sya nag imbita eh! kaya siguradong libre yan." Nabatukan pa ni Eruto si Griffin na gumanti naman ng sipa sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba Eruto? Nung huling yaya ni Boss K. satin tayo ang nagbayad ng malaking bill na yun, langya! parang naholdap lang ako nung araw na yun." Iiling iling pang sabat ni Prick.

"Oo nga! Nabugbog pako ni Misis, dahil nakalimutan kong itapon ang receipt nung disco bar na yun.. Tsk! Napagbintangan pakong nag table ng pokpok, bweset." Napahampas pa sa kanyang mesa si Aeris ng maalala ang pangyayaring yun.

"Buti nga di ako sinumbong nitong si Blaire kay Tamara eh, naku kapag nagkataon putol ang maliligayang gabi ko." Sabi naman ni Zylven sabay tapik sa balikat ni Blaire. "Thanks! Bro."

Broken Dreams🗡Assassin Series13✔💯Where stories live. Discover now