⚔7

42 11 0
                                    

"Sabi ng boyfriend ko, ako daw yung girlfriend na sweet. Siguro nga. Vocal kasi ako sa feelings ko para sa kanya eh. Sinasabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano siya kagwapo sa paningin ko, kung gaano ako kaswerte kasi siya ang boyfriend ko at kung gaano siya kahalaga sa buhay ko."

Napataas kaagad ang kilay ni Prince sa narinig. Pasimple nyang sinulyapan si Georgia na abala sa pagkain ng paborito nitong bake cheese macaroni.  Hinayaan nya lang itong magsalita.. Ibinaling nyang tingin sa kabilang parte ng park kung saan naman nakaupo ang magkaibigang sina Mia at Sm.

"Minsan nga kahit sa gitna ng seryosong usapan naming dalawa eh sinasabi ko sa kanya yung mga bagay na yun. Gusto ko kasi kahit papano, manggaling mismo sa akin at marinig ng mismo niyang tenga yung mga salitang yun. Alam ko namang nakakaumay na yung salitang i love you, masyadong mainstream kumbaga pero di ko nakitaan yung boyfriend ko na nauumay na siya, na nagsasawa na siya. Nakakatuwa kasi appreciate niya lahat ng ginagawa ko eh, lahat ng pagpapacute ko sa kanya, yun bang minsan ambaduy baduy ko na at medyo korni na yung pinagsasabi ko eh mahal na mahal niya pa rin daw ako, tanggap niya pa rin daw ako kahit na nilalanggam na siya ng sobra dahil sa mga sweet talks ko. If I know, kinikilig lang yun. Sweet na sweet ako sa salita, oo pero sa gawa, minsan ko lang pinapakita yun. Eh ewan ko ba basta minsan ko lang pinapakita yun sa kanya. Pag minsan naglalakad kami sa park o di kaya tuwing uwian galing school, eh bigla bigla ko na lang hinahalikan yung pisngi niya. At nagtatakbo na ako pagkatapos kasi ayokong makita niya yung mukha ko pero fail kasi naaabutan niya pa rin ako at kitang kita niya pamumula ng pisngi ko."

"Di halatang, patay na patay ka sa pinsan ko ah.. Sige lang namnamin mong sayang hatid nya sa buhay mo.. Pero, sinasabi ko sayo ha! Wag masyado magpakalunod baka dina kita makayang sagipin sa pagkakataong ito, Georgia."

Umangat ang paa ni Georgia para sana sipain sya, pero ni hindi man lang lumapat ang paa nito sa kanya dahil mabilis syang nakailag.

" Kainis ka! Sinisira mong hopes & dreams ko... Serious muna tayo ngayon pwede! Gusto kong ishare sayo ang happiness ko eh!"

"Okay, sige.. Push mo lang yan Georgia, basta masaya ka! Masaya na rin ako para sayo."

Nag thumbs up pa si Prince para ibalik ang magandang mood ng kaibigan.

"Pero sa totoo lang Prince, mas sweet siya kaysa sa akin. Ako nga yung mas vocal sa feelings, pero siya naman yung sobrang showy sa pagmamahal niya sa akin. Kitang kita ko yung mga yun dahil sa mga ginagawa niya. Maliit lang siguro na bagay yun para sa iba pero para sa akin sobrang laki na nun. Minsan kapag magkausap kami, bigla bigla na lang yan na hindi nagsasalita, tinititigan lang niya ako tapos tinatanong ko siya kung bakit, eh sabi lang niya, ang ganda ko daw titigan."

"Hahaha at naniwala ka naman sa sinabi ni King? Eh, dika naman maganda. Ampanget mo kaya."

"Tse! Inggit ka lang, kasi ako may lovelife na samantalang ikaw.. pasulyap sulyap kapa rin kay Mia hanggang ngayon."

"Dadating din ang tamang panahon samin."

Seryosong sabi ni Prince. Na ang tingin ay sa babaeng lihim na itinatangi.

"Ikaw, bahala kana nga sa buhay mo. Mabalik tayo kay King may labs ko. Tapos eto pa, minsan kapag pauwi na kami galing lakad tapos ihahatid niya ako, bigla bigla na lang niya akong binubuhat tapos sisigaw na yan bigla na mahal na mahal daw niya ako at wala siyang pakialam kung may mabulabog mang natutulog, tapos aside din daw sa future baby namin eh, wala na daw siyang ibang bubuhatin ng ganon kundi ako lang. Ang sweet nya no?"

"Oo nga ang sweet.. Nakakaumay na nga sa kasweetan eh."

"Uy... Naiinggit na yan  samin, ayaw lang umamin hahaha."

Broken Dreams🗡Assassin Series13✔💯Where stories live. Discover now