Hailey P.O.V
" Pwede kaya akong mag apply sa mga kumpanya kahit hindi pako graduate?"tanong ko kay Charlotte habang nagbabasa. Nasa labas kami ngayon Naka tambay nandito din si Aiko abala sa pagtipa ng gitara.
"Bakit hindi Best nakatapos ka naman ng third year college. Pwede ka ng makahanap agad ng trabaho nun. Isa pa mataas yung grado mo. Kahit sa call center ay pasok Kana best." Bakit ayaw mong subukan na dun na lang mag apply.
"Alam mo naman best na mahina ako sa puyatan pano kung ma schedule ako sa pang gabi?" Eh hindi naman pwedeng mamili ng schedule dun?"
Tama ka best" ako man mahina din sa puyatan".
Saka accountancy ang kurso natin. Pano kung subukan ko munang mag apply sa posisyong malapit sa pinag aralan natin. Sagot ko habang naghahanap ng trabaho online.
"Sabagay ito best May opening sa Chua Corporation" sabay abot niya sakin ng cellphone.
Binasa ko yung nasa screen. " Mukhang okay nga to best diba malaking kumpanya ang Chua Corporation?"
Oo best ang pagkakaalam ko halos ata lahat ng negosyo ay mayroon ang kumpanya nayan.
Nabasa mo ba nangangailangan yung Chua Corporation ng mga bagong staff.
"Hindi maganda magtrabaho dyan." Sabat ni Aiko na nakikinig pala sa usapan namin.
Bakit mo naman nasabi yan Aiko?" Nagtatakang tanong ko.
"Nakapagtrabaho nako dyan dati. Ang sama ng ugali ng Amo. Masyadong controlling sa lahat ng bagay. Lahat gustong pakialaman". Pagkukuwento nito habang pinapatunog yung hawak na gitara.
"Talaga? Eh di kilala mo yung May-ari? Curious na tanong ko.
Nagkibit balikat siya. Medyo "kaya kung ako sayo sa iba ka na lang mag apply wag na dyan.
Muli kong binasa yung nasa screen. Sayang naman kung hindi ko muna susubukan.
"Teka nga. Bakit napapadalas na din ang pagtambay mo dito sa labas? Narinig kong tanong ni Charlotte kay Aiko.
"Wala naman kasi akong gagawin sa loob kaya naki tambay na din ako. Sagot ni Aiko.
"Walang gagawin sabihin mo kaya katumambay para makasama mo si Hailey." Pang iinis ni Charlotte.
Isinandal ni Aiko yung gitara sa katabi niyang puno. Bakit masama ba? Close naman kami ni Hailey. Saka wala naman magagalit, di ba? Dagdag nitong sabi.
"Sa kanya walang magagalit " Pero sayo meron .
Halos sabay sabay kaming tumingin sa likuran.
Muntikan nako mahulog sa kinauupuan ko nang makita kung sino yun.
Si Ms. Chinita! Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa magandang mukha n'ya. Ang sexy pala n'ya. Parang magkasing height lang kami na 5.8 mala pia Wurtzbach. Bagay na bagay din sa kanya ang suot na black Bodycon dress. Kahit nakakainis siya aaminin ko na talagang nagagandahan ako sa kanya.
Tumingin siya sa akin na halatang nakilala n'ya agad ako. Pero sandali lang iyon at muling binalik niya ang tingin kay Aiko.
"Ate? What are you doing here? Gulat na tanong ni Aiko kay Ms.chinita.
"I'm just here to talk to you don't worry" I'm not here to take you back. Well not yet. Seryosong sagot ni Ms.chinita.
"Hindi ako naniniwala Ate?mataray na sagot ni Aiko.
"Sandali nga " Ano bang nangyayari? Sino ba kayo? Sabat ko sa usapan nila.
Tumingin tuloy sa akin si Ms.chinita na halatang hindi natutuwa sa pagsabat ko sa usapan nila. Kitang kita ko sa tingin niya na tila ba gusto n'ya nakong sunugin ng buhay.
YOU ARE READING
🆂🆃🅰🆈 🆆🅸🆃🅷 🅼🅴 🅶🆇🅶
Short Story"Sobrang drama ng buhay ko pero ng dumating siya lahat yun." Nagbago.