Kabanata dalawa

247 45 0
                                    

Allison P.O.V

"SIGURADO ka bang ito yung lugar?" Tanong ko sa assistant kong si holly.

"Yes ma'am. Malapit na dito yung address na sinabi n'ong private investigator" sagot nito.

Napailing na lang ako ng mapagmasdan mabuti ang dinaraanan. Maari nang ituring na eskinita ang lugar dahil hindi na halos makaraan ang sasakyan  namin dahil sa sikip ng daanan. Dumagdag pa ang maraming batang Naka kalat at nag lalaro.

"Ilang kanto na lang po ma'am mula dito yung building May ka sikipan nga lang yung kalye pero kasya naman tong sasakyan natin,"

"Huwag na tayong tumuloy" biglang pagbago ng isip ko.

"Ma'am? Akala ko po ba, gusto n'yong makausap si Ms. Aiko?

"Huwag muna ngayon . Bumalik na tayo sa opisina" Ang gusto ko ay mas handa nako kapag kinausap kona ang kapatid kong si Aiko.

Kung kaya niya mag tiis sa ganoong lugar, siguradong mahihirapan akong kumbinsihin siyang bumalik ng mansyon. Apat na buwan na siyang hindi umuuwi mula ng maglayas siya. Lalo na at magaling siyang magtago kaya na tagalan kaming mahanap siya.

Gustong ipadala ng aming Ama na si Don Antonio si Aiko sa ibang bansa para duon mag aral at magpatakbo ng kumpanya. Naisip ni Dad na doon siya ipadala para mabawasan ang pagiging matigas ang ulo nito at mabantayan ni grandma at grandpa . Dahil laging May business trip si dad ay ako ang naatasan  na  maghanap sa kanya at pauwiin.

Pabalik na ang kotse namin kung saan kami dumaan kanina. "Nang biglang May ingay akong narinig.

"Ano nangyari ? Bumangga ba tayo? Nakakunot ang noo kong tanong sa driver.

"May babae po yatang kumakalampag ng sasakyan natin. Ayaw Pong umalis ", kamot batok na sabi nito.

'ikaw na tumingin , Holly. Utos ko na agad naman nitong sinunod.

_ _ _
3days later...

"Ano na ang plano n'yo ma'am?" Tanong ni Holly sakin.

Napabuntong hininga ako bago magsalita. Kagabi ay kinausap ko si dad sinabi kona sa kanya kung nasan si Aiko at gusto niya na gumawa ako  nang hakbang para makausap niya si Aiko at mapauwi  n'ya agad.

Buti na lang at nakumbinsi ko si dad na huwag padalos-dalos. Kung hindi baka tuluyan ng di magpakita si Aiko samin.

Kahit papaano ay hindi na gaanong nag aalala si dad. Nang malaman na okay lang si Aiko.
Hindi mahigpit si dad pero dahil akala niya nalilihis si Aiko ng landas at nakikitaan ng walang ka interes sa mga negosyo namin at inaatupag lang ang pagmumusika at pagbabanda. Dahil don naging mahigpit sa kanya si dad.

Aaminin ko na May kasalanan din si dad . Dahil sa palagi siya wala sa tabi namin. Kaya si Aiko ay na layo ng loob sa kanya. Naalala ko nuon na hindi kapatid ang turingan namin ni Aiko kung matalik na magkaibigan dahil kami ang laging magkasama at magkabarkada sa tuwing wala si dad sa tabi namin.

Naging pasaway din ako noon. Pero para sa kapatid kong si Aiko sinunod ko si dad sa lahat ng gusto n'ya dahil ito lang ang paraan para hindi kami magkalayo.

I need to talk to Aiko as soon as possible" pagkatapos doon na lang ako gagawa ng susunod na hakbang.

Cancel all my meeting for tomorrow" utos ko kay Holly.

"Paano po yung date n'yo kay Sir.Gino?

Si Gino ay anak ng isang businessman na isa rin sa mga kasosyo namin sa negosyo. Ilang Linggo na rin ang nakalipas mula nang magsimulang yayain n'ya kong mag-date.

🆂🆃🅰🆈 🆆🅸🆃🅷 🅼🅴 🅶🆇🅶Where stories live. Discover now