Kabanata tatlo

228 43 0
                                    

Hailey P.O.V

Hindi ako mapakali mula nang tawagan ako ng aking kapatid. Lumalala na raw ang sakit ni ina at pati si ama ay sumabay ding nagkasakit. kahit singko wala talaga akong maipadala. kakautang ko pa lang kay Charlotte para sa nirentahan kong damit at pamasahe nung interview ko sa chua company kahapon.  parang gusto ko tuloy magsisi ng hindi ko pa tinanggap ang magandang offer ni Allison. kung tinanggap ko lang sana iyon baka solve na lahat ng problema ko sa pera pati sa pangpagamot ni inay at itay.Pero Hindi ko naman kayang ipagkanulo si Aiko kahit sa sarili niyang kapatid. may isa pakong dahilan kung bakit diko tinanggap ang offer niya dahil sa kakaibang epekto niya sakin. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita s'ya.

Napabuntong hininga na lang ako. Naglakad ako papunta ng kwarto at kinuha lahat ng maruming damit.Kung naging  mayaman sana kami siguradong wala akong problema ngayon.Dahil sa kakaunti lang naman ang maruming damit ko wala pang dalawang oras ay tapos nakong maglaba. Lumabas nako ng apartment at naglakad papuntang rooftop para magsampay ng mga nilabhan na damit. inuna kong isampay ang mga T-shirt at short. at ngayon ay panloob na damit na lang ang isasampay ko ngayon nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Hailey, pwede ba tayong mag-usap?"

Humarap ako sa kanya. Si Ms.chinita! biglang bumilis ulit ang tibok ng puso ko ng mapatingin ako sa magandang mukha n'ya.

"Anong ginagawa mo rito? nauutal kong sabi. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko ngayon. pagkagulat ba o pagkatuwa dahil muli kong nasilayan ang maganda n'yang mukha. Pero isa lang ang sigurado ako na may balak siyang kumbinsihin ulit ako.

"kailangan nating Mag-usap Hailey? paguulit n'ya.

"Humindi nako sa offer mo" Hindi mona mapapabago pa ang isip ko ma'am hindi na.

Pakingan mo muna ko Hailey kailangan nating _ _ _

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng hinarang ko ang kamy ko sa mukha n'ya.

Ang kulit mo? Noon ko lang nakita na hawak ko pala ang bra ko.Tang ina! buti na lang bagong laba to! agad kong inalis ang kamay ko sa mukha n'ya.

Sorry ma'am nakalimutan kong hawak ko pala ang bra ko. sabay hagis ko sa may planggana nasa tabi n'ya.

Saglit s'ya tumingin sa planggana. Hailey sana makinig ka muna sakin. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat.seryoso nitong sabi.

"Sandali lang ma'am okay? Tatapusin ko lang tong sinasampay ko.

Tumango lang siya at humusad bahagya papalayo sa akin. kaya itinuloy kona ang pagsasampay ko sa bra at panty ko.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. at napansin kona mas lalong nanliit ang singkit niyang mata habang naka tingin sa underwear ko.

"Oh Ma'am ngayon ka lang ba nakita ng Panty?

Hindi niya ako pinansin at ngayon ay nakatingin naman siya sa mga bra ko. ngumisi siya bahagya.

"Magsasalita na sana ako ng unahan n'ya ko." Sa edad mong yan may design pa ng hello kitty at dora yung bra at panty mo?naka ngisi niyang tanong.

"Nag cross arm ako. Pumunta ka lang ba dito para laitin ang bra at panty ko? Pano kung sabihin ko na umalis ka na lang kaya!

Tumingin siya sa akin. "Seryoso ako Hailey." lalong kumunot ang noo ko. Seryoso ka talaga sa panlalait ng underwear ko?

"No I mean, seryoso ako na kailangan ko ng tulong mo."

Muli ko siyang Tinitigan. Ang totoo gustong gusto ko pagmasdan ang magandang mukha n'ya. Kung sino man sigurong lalaki ang kakausap sa kanya Hindi malabong di tumulo laway sa ganda n'ya. Nakaka pagtaka lang kung bakit wala parin siyang nobyo. pano ko nalaman Nag search kasi ako sa internet kahapon.

🆂🆃🅰🆈 🆆🅸🆃🅷 🅼🅴 🅶🆇🅶Where stories live. Discover now