CHAPTER TWO
Mina's point of view
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at ngumiti pagkatapos ay lumabas na sa apartment ko. Ini-lock ko ang pinto saka ako nagmadaling umalis papunta sa abangan ng sasakyan. Ang totoo ay ilang beses na akong tinawagan ng MUSE at sinasabing natanggap ako sa trabaho pero hindi ako nag-atubiling tanggapin ang trabaho sa kanila dahil hindi ko na gugustuhin pang makita ulit si Lucas Del Vasquez. Hindi na ako ginulo ulit ni Mr. Del Vasquez pagkatapos nang gabing pumunta siya sa apartment ko at maganda narin iyon dahil hindi ko na gugustuhin pang makita ulit ang lalaking iyon. Alam kong isang araw ay mayroong kompanya ang tatanggap sa akin at ito na nga ang araw na iyon.
Isang Linggo na ang nakalipas at alam kong mayroong mga bagay na masasakit ang nangyari sa akin nitong nakaraang araw pero hindi dahil doon kaya titigil na ang mundo ko. Ayaw kong sayangin ang oportunidad na ito dahil sa wakas dumating narin itong araw na pinapangarap ko, ang unang araw kong pumasok sa trabaho.
"Hayyy!" Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang umiling-iling dahil hindi ko na dapat pang isipin ang mga nangyari ng iyon e, lalong-lalo na si Mr. Del Vasquez.
Ito ang unang araw kong papasok sa trabaho at sobra ang saya ko. Hindi ko alam na mayroon akong matatanggap na email kagabi sa isang company na nag-interview sa akin noong isang araw. Grabe, hindi ako makapaniwala na tatanggapin ako ng company.
Ang sabi sa akin ni Ms. Olivia na siyang nag-assist sa akin doon sa company noong isang araw, nag-resign daw ang secretary dahil buntis ito at gustong patigilin ng asawa nito sa pagtatrabaho kaya talagang kailangan ng boss nya ng kapalit kaya mabuti nalang daw nag-apply ako sa kanila. Isang masayang ngiti ang gumuhit sa labi ko habang nakasakay sa taxi dahil excited narin akong magtrabaho e. Mabilis rin ako nakarinig sa kompanya kaya kaagad narin akong pumasok sa loob at hindi ko mapigilang mamangha dahil ang sabi nila, lalo na ni Mr. Olivia na siyang manager sa isang department doon. Ang company daw na ito ay napapabilang sa mga kilalang kompanya sa Asia, lalo na kapag pinag-uusapan ang marketing business organization.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko pagkatapos ay masayang lumapit sa front desk na sakto nang makita ko si Ms. Olivia.
"Good morning Mina Buenavides." Ang sabi ni Ms. Olivia na ikinangiti kong tumango sa kanya.
"Good morning din po Ms. Olivia." Sagot ko sa knya noong mayroon siyang iabot sa kin na lalo kong ikinangiti.
"I'm sure you're first day working here on AZE will be a good day, then take your ID because our boss is now waiting on you to his office, okay?" Ang sabi ulit sa akin ni Ms. Olivia na ikinangiti kong tumango pagkatapos ay kinuha na nga itong ID ko at isinuot narin agad.
"Salamat Ms. Olivia at huwag kayong mag-alala dahil pagbubutihin ko ang trabaho ko." Sagot ko rin kay Ms. Olivia na ikinatango nya noong mapansin ko ang babaeng nasa tabi nya na binati rin ako.
"Ms. Mina sinasabi ko na agad sa inyo na hindi kayo mahihirapan sa trabaho ninyo dahil mabait ang boss natin at sobrang gwapo pa, hehe!" Ang sabi nya sa akin na ikinangiti ko nalang bilang sagot sa mga sinabi niya.
Ang totoo niyan si Ms. Olivia lang ang nag-interview sa akin kaya hindi ko pa nakikita ang boss namin basta ang alam ko lang na nagkukwento sa akin ay mabait, gwapo at binata pa daw ang boss namin. Ang sabi sa akin ni Ms. Olivia na siguradong marami ang mai-inggit sa akin dahil lagi ko itong makakasama simula ngayon.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko at hindi narin nagtagal dito sa lobby para pumunta na sa opisina ni Mr. Dashin Monterro. Naglakad na ako papunta sa elevator at hindi rin ako nahirapan kaya pinindot ko na ito, kaagad namang bumukas ang elevator kaya pumasok narin ako sa loob. Mabilis kong pinindot ang floor kung nasaan ang opisina ng boss namin. Isang buntong-hininga ang pinawalan ko habang nakatayo dito sa loob ng elevator dahil sa sinabing iyon ni Ms. Olivia pero kaagad akong umiling-iling at isipin nalang na pagbubutihin ko ang trabaho ko bilang sekretarya niya. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti dahil kahit na kinakabahan ako ay sobrang saya ko para isipin na ito ang unang araw ko sa trabaho, noong maramdaman ko nalang na bumukas ang pinto ng elevator at pumasok ang isang lalaki dito sa loob. Hindi ko mapigilang tumingin sa kanya dahil ang tangkad nya pagkatapos ay maputi pa na mas kinadagdag nang kagwapuhan niya.
YOU ARE READING
The Ruthless CEO's Obsession
RandomMina has a simple life while searching for stable job but a simple life she has was changed after the interview with the CEO.