[1] Biyaheng Sagada

145 18 13
                                    

May tatlong uri daw ng mga tao ang pumupunta sa Sagada: mga pusong ligaw, mga pusong ginaw, at mga pusong gala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May tatlong uri daw ng mga tao ang pumupunta sa Sagada: mga pusong ligaw, mga pusong ginaw, at mga pusong gala. Alin ka sa mga ito?

Pagkababa ni Sabina sa Cubao bus terminal ay agad siyang bumili ng ticket papuntang Sagada. Hindi niya pinansin ang mga tawag at texts na natatanggap niya mula sa phone niya. Nang matanggap niya ang ticket niya ay agad siyang naghanap ng mauupuan habang hinihintay ang bus niya.

Nang makaupo siya ay pinatay niya agad ang cellphone niya para walang makaistorbo sa kanya. Kahit isang beses lang, gusto niya munang mapag-isa. Kahit ngayon lang, gusto niya munang magpaka-selfish. Ngayon lang.

Pagpatak ng alas otso y media ay dumating na yung isang bus na papuntang Sagada. Agad na pumasok si Danica sa bus habang kumakain pa ng chicharon na binili niya sa bus terminal. Masigla niyang sinagot ang tawag ng Mama niya. "Hello, Ma! Nakasakay na po ako. H'wag na kayong mag-alala sa akin, ha?"

"Ano ka ba namang bata ka! Syempre, hindi mo matatanggal sa akin ang pag-aalala. Nanay mo ako, eh." Napagalitan pa tuloy si Danica.

"Ano, Ma? May gusto ka bang pasalubong, ha?" tanong ni Danica bilang pambawi.

"Kahit ikaw lang, anak. Basta umuwi ka nang buo," sagot ng Mama niya.

"Opo, Mama. Pangako, uuwi ako nang buo sa inyo," paninigurado ni Danica sa Mama niya. Nagpaalam na si Danica sa Mama niya saka nagsimulang maging komportable sa upuan niya.

Nakita ni Danica na pumasok na sa bus yung drayber. Inihanda na rin ng konduktor ang movie na papanoorin sa TV. Pagka-play niya sa That Thing Called Tadhana ay nagsimula na siyang mag-ikot para mag-punch ng ticket nila. Agad-agad na inihanda ni Danica ang kanya kahit malayo pa si kuyang konduktor sa kanya.

Since first time ni Sabina na bumiyahe ng ganito, nagulat siya nang tanungin siya ng konduktor, "Ticket ho?"

Binigay niya naman ito saka pinanood ang konduktor na mag-punch ng ticket niya. Nang ibalik nito sa kanya ay saktong may umakyat sa bus na babae.

Maga pa ang mata ni Gayle mula sa pag-iyak niya nang umakyat siya sa bus. Sobrang impulsive ng desisyon niyang magpunta sa Sagada.

Sabi kasi ng mga kaibigan niya, Sagada is the place where broken hearts go. Nagbabaka-sakali lang siyang mas magiging maayos siya kapag nakarating siya doon. Hindi niya alam kung paano pero desperado na siyang makalimutan yung sakit na nararamdaman niya.

Pagkaupo niya sa upuan niya ay nakita niyang nagpe-play ang movie na That Thing Called Tadhana. Hindi niya napigilang maiyak nang marinig niya ang kantang Tadhana sa movie.

"Ate, cellphone niyo nagri-ring. Sagutin mo!" linya ni Angelica Panganiban. Mga ilang segundo pa ay tumugtog ulit ang kanta. "Ay, ate! Yung cellphone mo, kanina pa nagri-ring! Sagutin mo!"

"Oo nga!" Napasigaw din si Gayle na naging dahilan para mapatingin sa kanya yung mga tao sa bus. "Ayaw kasi sagutin, eh. Baka emergency," mahinang explanation ni Gayle.

Pagkatapos nun ay nanatiling tahimik si Gayle habang nanunuod ng movie na pinalabas sa TV.

Nagsimulang umandar ang bus pagpatak ng alas nuwebe. Ito na. Wala nang atrasan 'to.

Nang makalabas sa terminal ang bus ay naglabas ng buntong hininga sina Sabina, Gayle, at Danica. Nanatili silang tahimik buong biyahe, tila iniipon lahat ng kanilang lakas at mga salita.

_____

Pagkarating sa Sagada ay agad na may sumalubong sa kanilang tour guide mula sa hostel na pinarkingan ng bus. "Welcome ho sa Sagada!" Nag-abot siya ng mga travel guides sa mga bisita mula sa bus.

Pumila ang tatlo sa concierge para makuha ang susi sa kwarto nila. Pagkatanggap ni Sabina ng susi niya ay agad siyang naghintay para sa elevator.

Si Gayle naman, malungkot na tinanggap ang susi mula sa concierge. "Salamat," matamlay niyang sabi.

Maligalig na binati ni Danica ang concierge ng, "Magandang umaga, Kuya Lino!"

"Magandang umaga din sa 'yo, Danica," bati pabalik ng concierge. "Mabuti naman at naisipan mong bumalik dito!"

Lumawak ang ngiti ni Danica nang maalala siya ni Kuya Lino. "Syempre naman! Balik ako dito mamaya para ibigay yung pasalubong ko sa inyo mula sa Maynila."

Nang ibigay ni Kuya Lino ang susi niya ay agad siyang nagpasalamat dito. "Maraming salamat po!"

Masigla siyang dumiretso sa pila ng elevator. Sakto namang nagbukas na yung elevator kaya agad siyang nakasakay.

Tahimik lang ang tatlo habang nasa elevator sila. Kanina pa gustong daldalin ni Danica ang dalawa niyang kasabay sa elevator kaso baka magmukha siyang ewan.

Pero lahat ng pagdududa niya ay nawala nang na-realize niya na pare-parehas lang sila ng floor na pupuntahan. "Third floor din pala kayo! Danica pala. Kayo?"

Nagulat si Sabina nang kausapin siya nung kasabay nila sa elevator sa paglabas nila. "Ugh... Sabina," she awkwardly introduced.

"Gayle," matamlay na pagpapakilala ni Gayle sa sarili niya.

"First time niyo dito sa Sagada?" tanong ni Danica.

Tumango naman yung dalawa. Doon palang naalala na niya yung sinabi sa kanya ni Kuya Lino: "May tatlong uri ng mga tao ang pumupunta sa Sagada: mga pusong ligaw, mga pusong ginaw, at mga pusong gala."

Alin kaya sila sa mga ito?

_____________________________

References Mentioned:
🎬 Jadaone, A. (2014). That Thing Called Tadhana. Cinema One Originals.
🎵 Tadhana by Up Dharma Down

SagadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon