[4] Pusong Gala

54 16 14
                                    

trigger warning:mention of death

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

trigger warning:
mention of death

"Danica, tara!"

Umiling si Danica sa kaibigan. Tinitignan palang niya yung Vikings ride ay umaayaw na agad siya. Naiisip na niya agad ang mga pwedeng mangyari sa kanya. Paano kung hindi pala secure yung security bar na yun? Paano kung maluwag ang pagkakalagay nung konduktor? Paano kung mahulog siya dun sa ride? Hindi pwede!

"Ayoko nga!" Kinuha niya ang mga bag ng kaibigan niya. "Kayo na lang. Ako na lang maghahawak ng mga bag niyo."

Her friends scowled at her. "Ang killjoy mo naman!"

Hindi na nagsalita pa si Danica. Hindi naman kasi nila naiintindihan kung saan nangagaling ang takot ni Danica. Hindi nila alam na halos lahat ng mahal niya sa buhay ay namatay sa mga aksidente.

The thing about death by accidents is you never see it coming. Iyon ang pinakaayaw niya d'on. Hindi niya kasi nagagawang magpaalam sa mga taong mahal niya bago sila mamatay.

Pinagmasdan lang ni Danica ang Vikings ride habang inaalala ang namatay niyang childhood best friend dahil sa isang malfunction ng ride. Fiesta noon sa probinsiya nila at nagkayayaan silang pumunta sa carnival. Dapat sasakay din siya sa ride na yun pero nag-away sila noon kasi puro si Danica na lang daw ang nasusunod sa mga pinupuntahan nilang booths.

Iyong ride na yun lang ang nais puntahan ng best friend niya pero hindi niya ito pinaunlakan kaya napilitan itong pumunta mag-isa. Walang ginawa si Danica noon para pigilan siya o samahan siya. Pinanood lang nito ang kaibigang sumakay sa ride na yun na may hinanakit. Kung alam lang sana niyang ito na ang magiging huling beses na makakasama niya ang kaibigan edi sana ay may ginawa siya.

Sana nakipagbati muna siya. Sana pinigilan niya ang kaibigan niya. Sana sinamahan niya ito kahit na ang ibig sabihin nun ay makakasama siya sa maaaksidente. At least naging mabuti siyang kaibigan dito. Kaso hindi.

Hindi lang ang best friend niya ang namatay sa aksidente. Maski ang ama niya hindi nakaligtas sa kamatayan dulot ng mga aksidenteng 'yan. Nagtatrabaho bilang delivery guy ang tatay niya kaya madalas siyang sumasakay ng motorsiklo.

Mahal na mahal niya ang tatay niya kahit na madalas siyang nasa trabaho. Naiintindihan niya ito kasi kailangan naman talaga ng pamilya nila yun. Madalas na ginagabi ng uwi ang tatay niya kaya hindi niya ito naaabutan bago matulog.

Isang araw paggising niya ay umuwi ang nanay niya na mukhang talunan. Nagtaka siya noon kung bakit maagang umalis ang nanay niya. Hindi naman siya madalas umaalis ng bahay nang maaga.

"Ma, ayos lang po ba kayo? Saan po kayo nanggaling?" nagtatakang tanong ni Danica sa ina.

Nakatingin lang ang ina niya sa kawalan. Tila naubos na ang mga luha niya. "Wala na ang papa mo," pag-uulat nito ng malungkot na balita. Tila tumigil ang mundo niya nang marinig niya iyon.

Wala siyang nagawa kung hindi ang damayan ang ina sa lumbay. Hindi niya matanggap na ang huling pagkikita nila ay kahapong umaga pa. Noong papunta palang ito sa trabaho niya. Ang huling habilin sa kanya ng ama ay, "Mag-iingat ka, anak."

Sana sinabihan rin pala niya ang tatay niya na mag-iingat din siya. Sana sinabi niyang mahal niya ito. Ang katangi-tanging sinabi niya sa tatay niya noon ay, "Bye po."

Hindi lang doon nagtatapos ang kalbaryo niya. Ilang taon malipas ang pagkamatay ang tatay niya ay nalunod naman ang paborito niyang pinsan. Ito ang kasama niyang lumaki noong bata palang sila.

Hilig nilang pumunta sa beach tuwing bakasyon nila. Sa pagitan nilang dalawa, ang pinsan niya ang mas matapang. Sa sobrang tapang nito ay palagi nitong sinusubukang lumangoy sa malayo at malalim na parte ng dagat.

"Insan, tara dito! Kita mo ako, nakakatayo pa ako dito oh." Nagpakitang gilas pa ang pinsan niya para patunayang ligtas doon.

"Bahala ka sa buhay mo!" Inirapan niya ito. Porket matangkad ito! "Syempre nakakatayo ka pa d'yan kasi matangkad ka naman. Eh paano ako, ang liit-liit ko kaya!" Napatigil siya sa paglalakad pabalik sa mababaw na parte ng dagat dahil sa alon.

Nilingon niya ang pinsan niya. Narinig niya ang sigaw ng mga tita at tito nila. "Tulong! Nalulunod si Mon!"

Katulad nung dati, walang ibang nagawa si Danica. Nanatili siyang nakatayo doon habang hinahayaang lamunin siya ng mga buhangin.

Bumalik na lang siya sa realidad nang natapos ang ride ng mga kaibigan niya. Kinuha na kasi ng mga ito ang kani-kanilang mga gamit. "Sayang talaga! Hindi ka kasama. Ang saya-saya nga oh."

Ngumiti na lang si Danica sa kanila.

Nang matapos ang gala nilang magkakaibigan ay sabay-sabay silang umuwi gamit ang sasakyang dala ng kaibigan niya. Sa likod siya naupo kasi mas komportable siya doon. Sa kanilang tatlo sa back seat, siya lang ang nagsuot ng seatbelt. Pinagtawanan pa nga nila si Danica.

"Grabe. Sobrang paranoid mo naman!"

"Hindi naman kailangang magsuot ng seat belt kapag nasa likod."

"Mas mabuti na yung safe," sabi naman ni Danica.

Mabuti at hindi niya hinayaang maapektuhan ng mga kaibigan niya ang mga desisyon niya sa buhay. Mabuti at sinuot pa rin niya ang seat belt. Malay ba nilang maaaksidente pala sila sa daan?

Matapos ng aksidenteng iyon ay wala nang ibang maalala si Danica. Paggising niya ay napaliliguran na siya ng mga puting pader. Nasa tabi niya ang natutulog na ina. May nakita siyang naka-insert na IV sa kamay niya. At ang tanging tunog na naririnig niya ay iyong mga galing sa machine na nakakabit sa kanya pati na rin ang aircon sa kwarto niya.

Naramdaman ng nanay niya ang paggalaw ng kanyang kamay kaya nang maalimpungatan ito ay nagtawag ito agad ng mga doktor at nars.

"Maswerte ka, hija," panimula ng doktor. "Mabuti at nagsuot ka ng seat belt dahil hindi masyadong naapektuhan ang ulo mo noon. Hindi tulad ng mga kasama noong gabi ng aksidente mo."

Walang ibang naisip si Danica kung hindi ang mga kaibigan niya. "Yung mga kasama ko po? Ano po ang nangyari sa kanila?"

"Some of them were found dead on arrival. The driver died while he was in surgery. There's only two of you who survived the accident. Pero nasa coma yung isa mong kasama," pag-eexplain ng doktor.

Wala nang ibang nagawa si Danica kung hindi ay ang umiyak. Pati ang mga kaibigan niya, wala na.

"All of your vitals are already stable. Hija, you are a living miracle. I hope you make your second chance of living worth it," bilin sa kanya ng doktor.

She is a living miracle.

Muntik niya nang maranasan ang kamatayan. Kaya nang makaalis siya sa ospital ay ipinangako niya sa sarili niya na hindi niya na hahayaang diktahan siya ng takot niya kung paano siya mabubuhay. Ayaw niyang mabuhay sa takot. Not this time. Not anymore.

Kaya ang unang ginawa ni Danica pagkatapos niyang gumaling ay umakyat sa Sagada. Ang tanging masasabi ni Danica sa pag-akyat niya ay sulit ang lahat nang ito.

SagadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon