[5] Isigaw Ang Binubulong

66 17 6
                                    

Katatapos lang mag-ayos ng gamit ni Gayle nang may marinig siyang katok sa pintuan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Katatapos lang mag-ayos ng gamit ni Gayle nang may marinig siyang katok sa pintuan niya. Nagtaka siya kasi hindi naman siya tumawag ng room service. Gulat niya nang bumungad sa kanya ang dalawa niyang nakasama sa elevator kanina.

"Hello, Gayle! Tara, akyat tayo sa Mt. Kiltepan. Maganda doon!" masiglang hikayat ni Danica.

Nasa tabi niya si Sabina na mukhang nakaladkad lang din ni Danica. Nginitian siya ni Sabina upang makumbinsi siya kahit papaano. Mukha naman kasing kabisado na ni Danica ang Sagada. Mas maganda siguro kung may kasama siyang maglibot dito.

"Ngayon na?" litong tanong ni Gayle sa kanila.

Tumango naman si Danica. Naglabas ito ng hiking gear na maaari niyang ipahiram. "Tara!"

Mabilis na kinuha ni Gayle ang mga essentials niya saka sumunod kina Sabina at Danica. Bahala na!

Pagpasok nila sa elevator ay marami na silang nalaman tungkol kay Danica. Pangalawang balik na pala niya sa Sagada. Nakilala niya si Kuya Lino noong una niyang punta dito. Siya raw ang sumama sa kanila sa unang akyat niya sa Mt. Kiltepan.

"Pumupunta ako rito para mamasyal. Ang ganda kasi dito! Pakiramdam ko lagi akong payapa kapag pumupunta ako dito," kwento pa niya. "Kayo? Anong kwento niyo?"

Parehas na napatingin si Sabina at Gayle sa kanya.

"Sabi kasi ni Kuya Lino, may tatlong uri ng mga tao ang pumupunta sa Sagada. Una, mga pusong ligaw. Ito yung mga taong umaalis sa siyudad para tumakas at mag-soul searching. Sila yung mga gustong hanapin ang sarili.

"Pangalawa, mga pusong ginaw. Ito naman yung mga taong heartbroken. Hindi ba famous ang Sagada dahil dun sa kantang Where Do Broken Hearts Go? Marami akong nakilala mula dun sa huling punta ko rito na iniwan, sawi, at pinagpalit.

"Huli, mga pusong gala na tulad ko! Ito yung mga taong katulad ni Dora The Explorer, gustong makita ang mundo at ang kagandahan nito." Tumunog ang elevator kaya lumabas na sila pagkabukas nito.

Tumigil sila sa harap ng hotel para kumuha ng litrato. Request ni Danica. Pagkakuha ni Kuya Lino ng litrato nila ay inaaya ito ni Danica na samahan silang umakyat sa Mt. Kiltepan. "Dali na, Kuya Lino! First time nila Sabina at Gayle dito oh."

Mabilis na pinagbigyan ni Kuya Lino si Danica. Mas masigla ito kumpara nung huling punta niya. "H'wag kang mag-alala! Nakwento ko na yung tatlong uri ng mga taong pumupunta sa Sagada." Natawa na lang si Kuya Lino sa sigla ni Danica.

"Naaksidente kasi 'yang si Danica dati. Karamihan sa mga nakasama niya sa aksidente, namatay o nauwi sa coma. Siya lang daw ang nabuhay pang muli nang ganito," pagkukwento ni Kuya Lino sa dalawa. Mukha pa rin kasi silang naguguluhan sa inaasta ni Danica.

"Marami kasi akong kinatatakutan dati." Bahagyang ngumiti si Danica para alalahanin ang mga dati niyang kinatatakutan. "Nung nabigyan akong pangalawang pagkakataon upang mabuhay, sabi ko ayaw ko nang mabuhay sa takot. Kaya araw-araw kong sinubukang i-overcome ang mga fears ko. Isa na dun ang hiking!"

SagadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon