23 | RB: Failed Team Up

1.3K 67 4
                                    

ALEISHA JEAN

• • Φ • •

'Time to wake up, now, child,' ang mahinahon at malambing na boses ni Tyra ang naging sanhi ng pagmulat ng mga mata ko.

Naitakip ko ang braso sa mata nang salubungin ito ng maliwanag na sikat ng araw.

Nang makapag-adjust ang mata ko sa paligid ay tumayo na ako at pinagpagan ang likod. Sa sahig ng gubat ako nakahiga? Paano?

Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari kahapon. Pagkatapos ng ceremony, nahimatay kaming lahat dahil sa headmaster.

So...nasaan kami ngayon?

Inilibot ko ang tingin sa paligid at napag-alamang hindi ako pamilyar sa kinaroroonan ko.

Nakahiga rin sa sahig ang iba kong kasama. Naririto kaming walo sa isang clearing ng isang gubat. Napapaligiran namin ang isang tablet na nakapatong sa isang elevated platform.

An image was projected above it showing our group's points and name.

╔═════ °•  ♔  •° ═════╗

CLASS I – BEARERS

2050 points

All the members are active.

╚═══════════════╝

"Woah, what are all these? Nagsisimula na ba ang ranking battle?" tanong ng kagigising lang na si Ashlyn.

"I don't know. There should be an announcement here, right?" Itinuro ko ang projection mula sa tablet.

Maya-maya pa ay nagising na rin ang iba pa.

"Let's eat first, while waiting for the announcement," pahayag ni Skyler bago kinuha ng pagkain sa bag na nasa tabi niya.

Bawat isa sa amin ay nilaanan ng kanya-kanyang bag na mayroong lamang survival kit. Mukhang pinaghandaan nga talaga ng staffs ang ranking battle na 'to.

Katulad ng ginawa nila ay kumuha na rin ako ng sandwich sa bag at nagsimula nang kumain.

I still do not know where we are. Everything looks so real. We are probably inside an illusion,  whoever it is that's doing this is awesome.

"Hey, guys, look!" sigaw ni Ridge na tinitingnan ang projection sa tablet.

Lumapit kaming lahat sa tablet at pinalibutan ito.

╔═══════ °• ♔ •° ═══════╗

Please choose your keepers.

Touch three names for your keepers.

╚═══════════════════╝

Mula sa tablet ay lumabas ang pangalan naming walo.

"Sino-sinong magiging keepers natin?"

"It will be Aleisha, Elthon, and Obelus," deretsang sagot ni Skyler.

"Sure ka?" tanong ko. Alam ko namang mahina pa ako para makipag-agawan ng gems pero mas malaking responsibilidad ata 'tong base namin.

500 points ang nakalaan dito. Kapag nasira pa 'to ng kalaban, baka makaltukan ako.

Spellcast: Seeking the AdderstoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon