14 | Caught

1.6K 92 5
                                    

ALEISHA JEAN

• • Φ • •

I tied my hair into a clean ponytail and wore my black cloak. I looked upon the wall clock and saw that it already is 11 o'clock.

Lumabas ako ng silid at pumunta sa living room kung nasaan sina Carley at Ashlyn.

"Let's go," lumabas kami kasama ang mga anghel namin.

Madilim ang paligid at tanging ang buwan na lamang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Maraming bituin ang nakapinta sa kalangitan. Halos walang bahid ng ulap ang ibabaw kaya't kitang-kita ang mga makikintab na bituin na tila glitters na inihagis sa kalangitan.

Even though I'm wearing a cloak, I can still feel the coldness of the surrounding. Sa bawat hampas ng hangin sa aking mukha ay tila kinikilabutan ako.

Idagdag mo pa ang kaba na idinudulot sa akin ng ginagawa namin ngayon. We're sneaking out of the dorms and it's already past curfew hours.

Nagtago kami sa likod ng isang puno nang makita ang isang guard na malapit sa kinaroroonan namin.

Tinanglawan niya ang paligid at umalis matapos mapagmasdan ang lugar.

Marahan kaming umalis mula sa likod ng puno at maingat na naglakad papunta sa kinaroroonan ng storage room. It is located on the back part of Cyriis Castle kaya't wala masyadong pumupunta sa lugar na iyon.

May kalakihan din ang loob ng storage room kung titingnan mo kung gaano kalaking espasyo ang sakop nito.

Naka-lock ang pinto at halatang maraming enchantments dito. Wala rito ang doorknob o kahit anong paraan ng pagbubukas. Marahil ay nakatago ito.

I snapped my fingers and summoned my wand.

"Creiare cierculuos magicae incantatores," sabay-sabay na banggit namin.

A golden brown, yellow, and blue magic circle appeared beneath us.

"Valerto encanio," sabay-sabay naming banggit.

A cloth-like mist swiftly fell off from the door. It revealed an old brown wooden door which has five locks in it.

Itinapat ko ang wand sa isa. "Agre."

Tumunog ang lock at sinundan pa ng isa at ng isa pa hanggang sa magbukas na ang pintuan ng storage room.

"Let's go, let's go," pabulong kong sabi sa kanila.

Madilim ang loob ng storage room at amoy luma. Halatang matagal nang naririto ang mga gamit.

"Lumen," the surrounding became clear and now, I can already see everything in this dark room.

Nakakita ako ng mga lampara sa gilid kaya't sinindihan ko ang tatlo.

Nagsisimula nang maghalungkat ang dalawa sa magkaibang drawer kaya't lumapit din ako sa isang drawer at binuksan ito.

Marahas kong natakpan ang ilong at bibig ko at napapikit ako nang makapal na alikabok ang sumalubong sa akin.

Health records ang una kong nakita kaya lumipat ako sa ibang drawer.

'Profiles of students'

Tiningnan ko ito ngunit ibinalik din kaagad dahil imposibleng dito makakasama ang pangalan ng labindalawang taong iyon.

"Guys, look," sabi ni Carley at itinaas ang isang lumang folder.

Lumapit ako sa kanya ngunit natigilan ako nang makarinig ng mga yabag sa labas ng pinto.

Spellcast: Seeking the AdderstoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon