Kabanata 3

37 2 0
                                    

*~Alaala at Halik~*

Angela(Stacey's) P.O.V

      "Darling...?"narinig ko ang pagkatok ni mommy sa may pintuan ko sa kwarto.Kakatapos ko lang maligo at nakarobe pa ako.Nagsusuklay ako ng tumawag siya.

      "Yes po, Mommy?"medyo sigaw ko at tinapos ang pagsusuklay.

     "Darling, Ty is here.He wanted to see you."kinikilig na sabi ni mommy.I sighed."Bihis lang po ako, Mommy."sabi ko nang nasa malapit na ako ng pintuan.
  
      "Okay, Darling!"masaya niyang sabi at nawala na ang presensya niya.
"Ano ba ang tamang dapat gawin?"windang kong sabi.

      Nagbihis lang ako ng simpleng  navy blue dress at simpleng flat shoes.Hinayaan ko munang nakalugay ang buhok dahil basa pa.

     Pagkababa ko ay naabutan ko si Ty na nasa may sala at kausap ng maigi si mommy.Mukhang tuwang-tuwa ang dalawa dahil bakas sa mukha nila ang saya.

      "Oh, Darling!"nang makita ako ni mom malapit na pababa.Lumingon si ty at mas lumawak ang ngiti ng makita ako.Pilit akong ngumiti sa kanila at nilapitan sila.

      "Mornin' C."nagkagat labi pa ito ng mabati ako."M-Morning din, ty."
 
      "Tita, Can i borrow your daughter for a day?"baling niya kay mommy.I sighed ng tumango si mom at ngumiti.Pinakuha ni mom sa kasambahay ang pouch ko bago niya kami iniwan ni Ty sa may salas.

      "S-San ba tayo pupunta, ty?"he still smilling."Secret.. Basta sumama ka saakin, C.I'm sure you're gonna like it.."he then pinched my nose lightly.Wala akong nagawa ng umalis na kami.

       Hanggang sa makarating kami sa isang napakagandang parke malapit sa village nila.Hmm, Ang pagkakaalam ko ay dito...Ang Meeting place ng dalawa at dito rin sila nagbobonding nung mga bata.Alam ko dahil nakita ko ang litrato nila sa mga gamit ni Ate Stacey noon.

        Pumasok sa isipan ko nung kami ni vhan malapit sa may bahay-ampunan.Inasar niya ako ng inasar nung sumabit yung palda ko sa may bakod at napunit.Nakakatawa yun pero nakakahiya din.Hindi mahirap maging kaibigan si vhan dahil madali siyang mapalagayan ng loob.Kahit mahilig mang-asar, maalalahin rin siya kaya tinulungan niya ako noon.

      Napangiti ako sa alang-alang yun.
"You're smiling...I knew it.You're gonna like it! Parati tayo dito, C...Naalala mo ba na inihulog mo ako sa duyan at grabe ang tawa mo nun?!Pero kahit ganon hindi ako nagalit at natawa nalang din kasi nakikita kong masaya ka..."kung alam mo lang Tyron baka magalit ka saakin kapag nalaman mo ang tunay na ako.

      Natawa ako dahil naalala ko ring ginawa ko yun kay vhan kaya binalingan niya rin ako at hinabol ng hinabol at kiniliti.Sobra ang tawa ko rin nuon at nagtawanan nalang kami ng napagod sa pagtakbo.

      "Yeah..."nasabi ko na lang kay tyron.Bumaba siya sasakyan at pinagbuksan ako.Inilahad niya ang kanang kamay niya at tinanggap ko nalang, Dinala niya ako sa may duyan at pinaupo.Naupo din siya at nakangiting nagduyan.

       "Parang kailan lang nung mga bata pa tayo...Do you know that I waited too.Inintay ko na mangyari ulit ito.That, We are together again.And now it's really happening kaya ang saya ko at kasama na kita  muli..C."naawa ako sa kaniya.Kung narito lang si Ate Stacey sa kinatatayuan ko sigurong masaya siya sa mga sinasabi ng lalaking mahal niya...

      "Totoo mo nga siyang mahal..."mahina kong sabi.

      "Ano yun, C?"umiling ako at ngumiti saka nagduyan na.Parehas lang kami sa pagduyan at nagkukuwento siya ng mga pangyayari dito sa may parke.

       Gusto kitang maging kaibigan, tyron.Pero paano?Kung iba ang nais mo kay Ate Stacey na ako na ngayon?.

       "C, Let's go.We need to buy some snacks for us."tumayo na siya.

Sei Mio, Amore MioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon