Chapter 2

6 2 0
                                    


I rolled my eyes once again.


Nakakairita ang Prof namin today. Bad mood siya kaya pati kami nadadamay sa kawalan niya sa mood. Ang saya saya ko lang kanina eh. 


Tinignan ko si Mia at Friday na nagsusulat at nagaaral ng maigi. I can't help but frown more. I am so tamad today. I'm unproductive.


"Ms. Zaccariano!"


Ngumuso ako at nagpatuloy sa pagsagot habang pinapanood ako ng Prof. I can even hear his disappointed sighs as he stared at my paper. Hindi niya alam na mas disappointed ako dahil sa mga sagot ko.


It's a surprise quiz! I don't like surprises!


So ayun bumagsak ako ng slight. Slight lang naman. 10 kasi ang passing score eh 8 lang nakuha ko sa slight lang yung pagkabagsak ng grade ko.


"Ano score nyo?" tanong ni Mia.


"16. Sayang. Hirap kasi ng spelling." sabi ni Friday.


"Ayos lang yan 8 nga lang ako." sabi ko at naupo sa table ni Friday.


Tumawa naman si Mia. "Makinig ka din kasi! Pag nakikita kita, lagi kang lutang eh."


"Kaya nga. Buti nga at hindi ka napapagalitan." sabi naman ni Friday.


Ngumuso ako at tsaka ngumiti. "So ano? Busy ule kayo?" 


"Yeah." 


Pinagpapalo ko sila kaya natawa sila habang umiiwas sa palo ko. Niyakap nalang ako ni Mia para hindi ko na sila mapalo.


"Sorry na, Gale. Alam mo naman eh. After exams, ha?" sabi ni Friday.


"Oo nga. After exams nalang. Promise yan. Samgyup tayo." sabi ni Mia.


Tumango nalang ako. "Okay..."


I have no choice. I need to understand them. Besides, andyan naman si Brev para ayain ko. Maghangout nalang kami sa spa-


Oh wait.. bawal nga pala.


Napakamot nalang ako sa buhok ko dahil sa inis. I am too pissed and I can't even do a self-care because of Mama!


So umuwi nalang ako dahil ayokong mas magalit si Mama. I will just sleep para makapagdiet na din. I need it because I'm bloated since yesterday.


Nahiga ako sa kama ko tsaka pinikit ang mata ko. Pa-idlip na ako nang biglang bumakas ang pinto ko ng malakas. Napasimangot nalang ako at napabangon habang nakatingin ng masama saakin si Mama.


"What, Mama-"


"May tutor ka today! Nakakahiya kay Brandy, Gale! Kanina pa siya naghihintay!" sigaw ni Mama saken.

Coming Back To Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon