Chapter 10

28 0 0
                                    



I sneezed before groaning and hugging my pillow tighter.

Dahil sa pag-iyak ko at sa panahon, nagkasakit ako. I'll feel better tomorrow but I really need to rest whenever I'm sick. I also need a warm honey and lemon tea.

"Hm.. kung kelan nakabalik ako, tsaka ka nilagnat."

Napangiti ako. "Butler.. welcome back. Asan.. inaanak ko?"

"Next time. Magpahinga ka muna." 

Bumangon ako ng kaunti at uminom sa tsaa na binigay niya. Sumakit ng kaunti ang ulo ko kaya napapikit ako ng bahagya.  Nilagyan naman ako ni butler ng cold compress sa ulo tsaka tinali ang buhok ko.

"I heard you cried. What was that about?"

Ngumuso ako at nagiwas ng tingin. Napabuntong hininga naman siya at tumayo na.

"I get it. Ayaw mong sabihin. After drinking, get some rest. I'll check on you after a few-"

"Galeeeee!!!!"

Napatingin ako kay Kuya Rios na nakapajama. Agad siyang yumakap saken at humalik sa tuktok ng ulo ko.

"Sinong nagpaiyak sayo, bebe?"

Tinulak ko agad ang mukha niya dahil sa pagtawag niya saken. Tinatawag niya lang akong ganun kapag nalaman niyang umiyak ako. I'm pretty sure Jego is the culprit.

"Wala. Humihikab lang ako kaya akala-"

"Pinicturan ka ni jego kasi alam niyang magsisinungaling ka. Bakit nga?"

I clicked my tongue. "Ang kulit. Diba sabi ko, wala nga lang yun?"

Ngumuso naman siya at agad akong niyakp. "Okay, okay. Wag ka na magalit, bebe..."

Bumuntong hininga ako at uminom sa tsaa ko habang nakayakap si Kuya saken. Kalaunan ay humiwalay na siya nang matapos ko ang tsaa ko. Ngumuso siya saaken at tinignan ako gamit ang mga mata niyang naghihintay sa sasabihin ko.

"Hindi ako galit."

Ngumiti agad siya. "Okay.."

Tumayo na siya at inayos ang kumot ko bago kumaway at umalis. Tinignan ko ang butler na ngayon ay may ka-text. Probably his wife.

Kukunin ko palang ang phone ko ngunit kinuha saken yun ni butler.

"Rest."

Umalis din agad siya kasama ang phone ko. Napanguso nalang ako at nahiga na nang maayos sa kama ko. My head aches so much. 

Nang imulat ko ang mata ko dahil sa ingay ay nakita ko agad si Mia, Friday, Brev at Brandy. Nagaagawan sila sa isang phone. 

Napangiti nalang ako tsaka unti-unting bumangon. "Hey."

"O ano? Ayos ka lang?" tanong ni Mia at agad akong binigyan ng tubig.

Ngumuso ako at umiling. "Malamang hindi. Ansakit ng ulo ko, Mama!"

Niyakap ko nalang si Mia habang hinihila siya ni Friday. Hinigpitan ko pa lalo ngunit nanghina ako kaya nabitawan ko agad si Mia. Muntik pa akong mauntog sa headboard kung hindi dahil sa kamay ni Bran.

Nang lingunin ko siya ay seryosong-seryoso siya. "Hey.."

"Wala kang pasok?" malat ang boses na tanong ko.

Coming Back To Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon