Chapter 11

32 0 0
                                    


Humikab ako at nahiga sa lamesa ko.

Wala ang prof kaya free time namin. Magkaklase na niyan after maybe an hour and wala din naman akong ibang mapuntahan kaya nagstay nalang ako sa library. Mia and Friday went on a date so...

Humikab ule ako at nilabas ang phone ko. Itetext ko sana si Bran ngunit baka busy ito kaya inoff ko nalang ule ang phone ko. 

"Do you mind?"

Umiling agad ako. "Upo ka."

Ngumiti naman si Klyde saakin. Sa pagkakaalam ko ay pinsan siya ni Friday sa mother side. We talked a few times but it's always just greetings.

Nagbasa siya duon habang nakatitig ako sa kawalan. Humikab ako kaya humikab din siya. Naglabas siya ng tinapay at inabot saken ngunit umiling ako kaya kinain niya yun agad. 

"Lamig.." bulong ko at suminghot. 

Nilingon ko agad ang mga bodyguards ko para humingi ng jacket ngunit nasampal na sa mukha ko ang jacket ni Klyde.

"Oh."

"Pero lalamigin ka-"

"Nakalong sleeves na ako. Ikaw naka-shirt lang. Sige na."

Ngumuso ako at kinuha yun tsaka sinuot. Ngumisi siya at biglang hinila ang dalawang pang-higpit sa hoodie ng jacket kaya agad ko siyang pinalo at binuka ang hoodie.

"Gago."

Nagkibit balikat siya. "Labhan mo tas ibalik mo kay Friday."

"Geh."

Dahil medyo warm na ang pakiramdam ko ay nakatulog na ako sa library. Nagising nalang ako dahil sa bulong ng bodyguard kong late na ako sa klase. Turns out, I was 10 minutes early. 

After class ay dumiretso ako sa isang cafe. May date na naman ang dalawang babae kaya tambay na naman ako sa cafe.

I wish Bran is here but he's busy. Magshishift kasi siya to Business kaya medyo madami siyang ginagawa.

I don't know how that works but it sounds complicated so I just let him do whag he needs to do.

Uminom ako sa mainit na tsokolate bago kagatin ang donut ko. I'm bored but I don't want to do anything at the same time. Nilabas ko nalang ang phone ko at tinext si Bran.

To: Emperador

I didn't know what to text so I kept my phone again.

"You miss me?"

Napalingon agad ako kay Bran na agad sinakop ang labi ko pagkalingon ko. Humiwalay agad ako at ngumiti sakanya. Napatingin ako sa dala niyang bouquet ng rosas at mayroon pang mga tsokolate sa gilid.

Inabot niya agad saken yun tsaka humalik sa pisngi ko. Tinitigan ko yun ng matagal bago siya tignan. Napataas ang kilay ko nang makitang hawak niya ang phone niya at may binabasa.

"Hindi ka ba busy?" tanong ko.

"I was." Bumuntong hininga siya. "So many requirements..."

Napanguso agad ako. "Dapat inasikaso mo muna yun, kung ganun."

Let's just say I don't want distractions and unfinished work to destroy our time together. I missed him.

He groaned and held my hand to kiss it. "I miss you, though..."

Nagiwas ako ng tingin. "I miss you, too. Finish everything na."

Huminga siya ng malalim. "I just got here..."

Coming Back To Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon