"Hayop kang Vincent ka!" sigaw ko ng makita ang facebook post ng isang linggo ko nang ex na si Vincent Maliari.
"Akala mo naman kawalan ka sa'kin? Hoy ngayon ko lang din narealize kung gaano ka kapangit" sigaw kong muli habang nakatingin sa kapapalit lang na dp ng ex ko kasama ang bago niya. Ni wala pa ngang tatlong buwan may kapalit na kaagad ako? Hindi man lang ako binigyang respeto matapos kong tapusin yung thesis niya?
"Walang hiya ka, matapos mong makakuha ng dos heto lang ipapalit mo sakin? mukhang tilapia na hindi na nakahinga kaya namatay? Jusko naman Vincent, sana naman kung papalitan mo ako yung mala Anne Curtis naman, hiyang hiya si Palito sa payat niyang bago mo!' suhestyon ko sabay tawa ng pilit.
napahinto na lamang ako sa pagtawa ng maramdaman ko ang mainit na likidong tumulo sa screen ng cellphone ko. Nakatitig pa rin ako sa larawan nila habang parehong nakangiti at tila nangaasar pa.
hindi naman na bago sakin ang mga ganitong tagpo. Magmamahal, Maiinlove ng sobra, Magpapakatanga, tapos iiwan. sanay na sanay na ako sa ganitong eksena no.
pero kahit gaano ka pala talaga kasanay, kapag totoo yung feelings mo, masakit pala talaga haha.
agad ko namang pinunasan ang screen ng cellphone ko, mahirap na baka pumasok pa sa loob, wala pa naman akong pambili ng bago.
napahiga na lang akong muli sa kama at sabay hanap ng mapapanood na k-drama, malimutan man lang ang sakit at selos na nararamdaman ko ngayon.
"Nandia? gising ka pa" Napabalikwas ako sa kama ng marinig ang boses ng ate ko mula sa labas ng kwarto.
"yes maderpaker wat du yu want?" tanong ko pabalik sa kanya
isang malakas na kalampag naman ang binalik niya kaya agad akong napatalukbong ng kumot sa takot na baka alas tres ng madaling araw ay may mangyaring murder dito sa baranggay namin.
"Hoy Nandia Maldita, buksan mo 'tong pinto kung ayaw mong kumuha pa ako ng palakol pangwasak dito at sa mukha mong pinaglihi sa pwet ng manok"
napatayo naman ako sa kama at kaagad na binuksan ang pinto at siyang sinalubong ng ate Karie kong kamukha ni King Kong
"Hoy KariengKong, matuto kang gumalang sa nakagaganda sa'yo. Alas tres na ng madaling araw at nambubulabog ka sa buhay ng may buhay" bulyaw ko habang nakapamewang pa.
saaming magkapatid, ako ang pinakamaganda, hindi ko na itatanggi yun, kahit pa ako ang bunso, ako lang sakalam sa bahay na ito.
bumuntong hininga naman si ate at ngumiti ng pilit saakin sabay sandal ng kamay niya sa ding ding
"first of all Nandia Maldita, kumatok ako ng matiwasay dito sa kwarto mo, second of all, MAS matanda at MAS maganda ako sayo, and last but not the least bobitang walang boobs, hindi ka mukhang buhay, pakitandaan salamat" bitaw niya sabay ngiti ng nangaasar
napasimangot na lang ako at tumitig ng masama dahil ayoko ng pahabain pa ang diskusyon. Alas tres na ng madaling araw at wala akong planong gisingin pa si papa sa ingay naming dalawang palaka.
"Ano ba kasing kailangan mo KariengKong?" tanong ko sa kanya na hudyat naman para umayos siya ng tayo at seryosong tumingin saakin
"Kailangan ko kasi ng tulong mo Nandia Maldita, bukas kasi may aattendan akong online book fair and interview sa sikat na author na si Mdme. Scarlett. Nakapag register na ako doon at nakapagbayad pero may lakad ako at ng boss ko bukas"
"so anong gusto mo? Ako umattend sa book fair na 'yan?" tanong ko sa kanya na siya namang pag ngisi niya
"wow naks, iba talaga nagagawa ng pandemic sa'yo Nandia Maldita, bilis mong makapick up a?" sabi niya sabay tapik tapik pa sa balikat ko
"tanga ba you Karienkong? malamang, ano bang ginagawa sa online book fair at interview? Obvious naman sa pangalan pa lang. Naks naman Kariengkong, iba nagagawa ng pandemic sayo no? nagiging bobo ka lalo" sabi ko sabay ngisi pa sa kanya.
kung makikita at maririnig niyo lang kaming naguusap ngayon, hindi niyo lubos akalaing mas matanda pa si ate Karie kesa sakin. Pero kung makaasta ako, akala mo kung sinong may ari ng bahay e.
"okay, call me names or whateva, basta bukas ikaw ang aattend ha? wala ka namang silbe sa bahay kaya baka pwedeng ikaw na umattend. Isesend ko na lang sa'yo yung details ng meeting bukas. Goodnight Nandia Maldita" sabi ni ate sabay takbo pabalik ng kwarto niya
"Ayoko! kahit anong gawin mo hinding hinding hinding hindi ako aattend tanga ka" sigaw ko naman sabay malakas na sarado ng pinto
"Mga anak ng deputa! magpatulog naman kayo!" Narinig kong sigaw ni papa mula sa kabilang kwarto kaya naman pinindot ko ang lock ng aking kwarto at tsaka mabilis na nagtalukbong ng kumot.
'Tong si papa kung maka sabi ng "anak ng deputa" nakalimutan atang anak niya kami. hmm, I wonder kung sino yung deputa na tinutukoy niya sa kanilang dalawa ni mama?
Nagpatuloy na ako sa panonood ng K-drama ng hindi ko namamalayang ala sais na ng umaga.
heto ang problema sakin e, makailang sabi ako ng last episode na pero heto ako, patapos na sa isang season.
"Nandia! bumangon ka na diyan ihahatid ko na ang ate mo!" Sigaw ni papa mula sa kusina at saka naman kumatok ang isang paepal sa buhay ko
"Hoy Nandia Maldita, umattend ka sa online book fair a! Pag-uwi ko may dala akong isang box ng J.co kaya wag ka ng taratitat diyan, aalis na kami ni papa"
nagising naman ang buong dugo ko pati kaluluwa ng marinig ako J.co. Paano na lang ako makakatanggi niyan? A pisti, bahala na kunwari na lang makikinig ako sa zoom meeting na yan.
"Nandia, isarado mo tong gate. Pisti kang bata ka ilang tawag ba gagawin sa'yo para bumangon ka?" napakamot na lang ako ng matindi sa ulo ko dahil sa kabwisitan.
bumaba ako ng kwarto at nadatnan si ate na ini-spray na naman ang pabango ko sa buong katawan niya
"Ay wow, kapal muks ni Kariengkong o, akala mo siya may ari ng pabango ko. Kahit ilang spray pa gawin mo diyan, amoy putok ka pa rin no! Hinding hindi ka magugustuhan ni Boss Cj mo!" sita ko sa kanya sabay belat.
nakita kong nakatingin samin si papa sabay pinandilatan ako ng mata kaya naman tumakbo na ako sa kusina para hindi na mapagalitan pa
"Go on, asarin mo lang ako, basta umattend ka lang sa online book fair. Mag jot down ka ng notes ha dahil importante yan sa trabaho ko, mas importante pa sa buhay mo. At isa pa, Nandia maganda, maligo ka at magsuot ng maayos na damit ha, siguraduhin mo ring magpaparticipate ka dahil kapag may naipasa ka saking notes, bibigyan kita ng pang shopee. naiintindihan mo ba?" sabi ni ate habang nagsusuot ng sandals niya sa di kalayuan sa pwesto ko
"dami namang habilin ni King Kong, oo na umalis ka na. O baka di ka pa nagtotoothbrush ha? maamoy ni boss CJ yan tanggalin ka pa sa trabaho" sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko sa kanya
akma naman niya akong babatuhin ng sandals niya pero imbes na ibato, binaba niya ito at bumuntong hininga saka siya lumabas ng bahay para maihatid na ni papa sa trabaho niya.
simula kasi ng nagpandemic, hinahatid na siya ni papa sa takot na baka mahawa ang ate ko at magkasakit. Kung ako lang din naman tatanungin, mukhang hindi niya na kailangan yun, mukha na siyang virus e.
"hay sa wakas, nasolo rin ang bahay" sabi ko sabay open ng facebook ko para mag browse. nagnotify naman sa messenger ko ang mga sinend na details ni ate regarding sa meeting na yan. kaya mas lalo akong napakuskos sa ulo ko.
"saglit lang naman siguro tong meeting na to. makakain na nga at mahaba haba pa ang itatambay ko sa bahay na to bilang palamunin"
saka ako nagsandok ng sinangag at kumain ng almusal ng biglang
"Nandia! gising ka na ba? Baka gusto mong umorder ng panty sakin? madaming sale sa Avon ngayon!"
at heto na nga po, nagsisimula na naman ang panibagong kalbaryo ko sa bayaran.
END
BINABASA MO ANG
Nandia's Non-Fiction
RomanceNandia Guano. 22, single and tired. Ganyan ilarawan ng isang hopeless romantic ang kanyang sarili lalo na't makailang beses na siyang sinawing palad sa pag-ibig. Kahit mala "Kiray" ang kanyang beauty, marami na siyang experiences sa love dahil sa ka...