Illegal and Regal

2 0 0
                                    

Nandia's Point of View

Alas otso ng umaga na ako nagising, usually mga ganitong oras pa lang talaga ako matutulog pero sa sobrang sama ng loob ko, napaaga ang tulog ko. Well, hindi naman ako tampong tampo to the extent na magrerebelde na ako at di kakain pag tinawag ni papa, sadyang nasaktan at natatakot lang ako simula ng mabalita yung leaked zoom scandal patungkol kay Mdme. Scarlett.

Ni hindi ko nga rin mabuksan ang Facebook account ko dahil nakaktunog na akong flooded iyon ng messages galing sa mga taong nakakakilala saakin. Sa pagkakaalam lang po ng lahat, hindi para magyabang, ay talaga namang kilala ako sa school namin simula ng maging acting president ako ng Supreme Government nung nasa High School pa ako, and syempre dahil na rin engage ako sa school activities, lumawak ang friends and connection ko.

Nako, kahihiyan talaga ito pag nakita to ng mga beshy kong teacher at principal, balak ko pa namang maging isang mabuting guro, pero mukhang dahil sa scandal na yun, mababahiran pa ang pagka-tao ko. Kasalan talaga 'to ng mga yun e!

"Nandia, bumangon ka na nga diya, tumatawag mama mo at gusto kang makausap!" Sigaw ni papa mula sa sala kaya dali dali akong bumaba kahit wala pang suklay-suklay, hilamos, at mumog.

"Mamaaa!" Sigaw ko pababa ng hagdanan sabay agaw ng telepono kay papa para maka-usap si mama. Minsan lang kasi siya makatawag, mga tatlo hanggang apat na beses sa isang buwan dahil sa sobrang busy niya sa trabaho. Sa palasyo kasi siya ng Dubai nagtatrabaho bilang maid doon.

"Anak kong napakamaldita, kamusta ka na? Miss ka na ni mama" grabe din tong si mama e no, iba maglambing.

"Okay lang naman ako mama, I mean hindi pala. Sobrang sama ng pakiramdam ko, feeling ko kailangan ko ng bagong cellphone" Sabi ko naman habang umaaktong masakit ang ulo.

Isang mainit-init naman na kamay ang dumapo sa tenga ko para ako'y pingutin kaya  naman nag-peace sign na lang ako kay mama, tanda na nagbibiro lang ako.

"Ay talaga ba anak? Alam mo, balak ko rin naman talagang bilhan ka ng bagong cellphone kaya lang may nabalitaan ako sa papa mo e, ay hindi lang pala sa papa mo, pati pala sa internet kalat yung balita na yun. baka naman gusto mong magpaliwanag?" Napabuntong hininga na lang ako ng maalala na naman ang tungkol sa scandal na iyon. Malamang ay umabot na talaga iyon sa iba't ibang panig ng mundo, nakakahiya talaga.


"Gustuhin ko mang magpaliwanag sa lahat ng nakapanood nun, siguradong hindi sila maniniwala kahit sabihin kong hindi ako kasali sa mga nambastos at nambatikos kay Mdme. Scarlette. Kahit si papa at ate galit saakin. Sana naman wag pati ikaw ma" Sabi ko sabay abot ng telepono kay papa.

aakyat na sana ako ng marinig kong tinawag ni mama ang pangalan ko.

"Nandia, bumalik ka rito at may sasabihin pa ako." Pag si mama talaga ang nagsabi, wala akong magawa kundi sumunod. 

"Hindi ko naman sinabing galit ako, hindi rin ako naniniwalang sangkot ka ron. Maldita ka oo, pero kilala kita, hindi mo gagawin yun sa kung sino na hindi mo kilala. Gusto kita makausap kasi gusto ko sayo mismo manggaling kung ano ba talaga ang nangyari para maipagtanggol kita sa mga naninira sa'yo" 

Si mama naman e, ang aga aga pinapaiyak ako.

"Ano kasi ma.." At doon ko na nga sinimulang ikuwento ang nangyari mula simula hanggang katapusan para maliwanagan siya sa kung ano talaga ang nangyari.

"Mga bastos pala talaga iyon ano? Ke-babata pa lang pero ganoon na lang makasagot sa mga nakakatanda sa kanila! Anak, mag labas ka ng pahayag mo tungkol dito dahil hindi ako papayag na madawit ka rito ng wala ka namang ginagawang masama. At yang mga bata na yan, humanda lang sila saakin pag-nakita ko sila. sisilihan ko talaga mga bibig ng mga yan"

Tumango tango na lang ako dahil nag-iiba na rin ang pakiramdam ko, napapanghihinaan na naman ako ng loob dahil alam kong nag-aalala si mama. Ayoko man sanang pag-alalahanin siya dahil malayo siya saamin, pero hindi ko naman pwedeng itago sa kanya lahat. 

"Di bale ma, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na linisin ko ang pangalan ko, gagawa po ako ng paraan. Wag ka na pong mag-alala mama, kaya ko na po ito. Tsaka ma, yung sa cellphone, hehe hindi po pala ako nagbibiro tungkol don hehe" isang mainit-init na pingot na naman ang natanggap ko kay papa, sabay agaw niya ng telepono para kausapain si mama.

"O siya sige na magpahinga ka na riyan Narie, ganitong day-off mo dapat nag-eenjoy ka hindi yung nagpapauto ka dito sa anak mong puro kain at tulog ang alam" tumawa na lamang si mama at saka nag-paalam saamin ni papa. Day-off niya kasi ngayon at maglilibot libot daw siya sa mall. 

pagka-patay na pagka-patay ni mama ng call ay siya namang pag-babago ng expression ni papa at humarap saakin.

"Mag-usap nga tayo anak" sabi niya in serious tone. Heto na nga ba ang sinasabi ko e.

"Pagagalitan mo na naman ba ako?" Sabi ko sabay hilata sa sofa.

"kilala mo ba yung mga batang nambastos kay Mdme. Scarlette? Kailangan ko silang makausap para sila mismo ang magsabi na hindi ka dawit doon" Sabi ni papa habang hindi binabago ang expression niyang seryoso.

"Hindi ko sila kilala sa totoo lang, pero natatandaan ko yung mga pangalang nakaregister sa zoom meeting. Isang Kimpoy Andrade, Martina at Mr. Lacoste. yun lang talaga natatandaan ko dahil kahit ako pa, sa totoo lang nabigla din ako sa mga narinig ko nung araw na yun" Sabi ko sa kanya gamit ang pinaka convincing tone at expression ko para maniwala saakin si papa.

"Sino yung Mr. Lacoste na iyon? may ganon bang pangalan?"

"Ay nako papa, ganyang ganyan din ang sinabi ko nung narinig ko siyang mag-pakilala, kahit si Mdme.Scarlette di rin naniwala sa sinabi niya, doon nga po nag-simula yung sagutan nila e" Napasingkit naman ng mata si papa, inaaccess niya kung maniniwala ba siya sa sinasabi ko o hindi. Kahit naman anong gawin ko, malala talaga ang trust issue saakin ni papa, pasaway kasi talaga ako dati at tumatakas pa pagkatapos ng school kaya ganito siya saakin.

bumuntong hininga na lang siya at saka inabot ang remote para buksan ang TV.

"May tira pang sinangag diyan sa lamesa at hotdog. mag-almusal ka na" Paanyaya ni papa.

walang ano-ano ay nasa kusina na ako at nagsasandok ng mag-news flash sa TV na ikinatigil ng mundo ko.

"Kasalukuyang pinaghahanap ang apat na kabataang 'di umano ay nambastos at nag-akusa kay Mdme. Scarlette Makatao sa isang Online Book Fair nitong nakaraang araw. Matatandaang kumalat ang Zoom conference na nag-papakita ng apat na kabataang walang paggalang na nambastos sa batikang manunulat na si Mdme. Scarlette...Kung may nakakakilala man kina Kimpoy Andrade, Mr. Lacoste, Martina Luiz, and Nandia Guano, ipag-alam lamang po sa mga kapulisan upang umusad ang imbestigasyon..."

Sa labis na pagkabigla, nabitawan ko ang platong pinupunuan ko ng sinanggag at saka naman sumigaw si papa. 

tila ba huminto ang oras para saakin at wala akong maramdaman. Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kawalan. 

Paano na? paano na lang kung hulihin ako at ikulong? Katapusan ko na ba?

Nandia's Non-FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon