Online Rambulan

3 0 0
                                    

"O basta, sa katapusan yung bayad neto a?" tanong ni Mercy na ngayon ay naglilista na sa bagong kuha niyang brochure ng Avon. 

Sabi ko naman sa inyo e, panibagong bayarin na naman ito.

napakamot na lang ako sa ulo habang tinatanaw ang paalis kong kababata na si Mercidita o Mercy na lang daw para cute. Maaga kasi siyang nagkababy kaya kung ano anong raket na ang pinasok may maipang gatas at diaper lang kay baby Dalton. Biktima kasi siya ng KSK ng ex boyfriend niyang pakboyet.

"Di bale, suportahan ko na lang tong si Mercy. Para naman kay baby Dalton yun e" 

pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa banyo para sana maligo na ng tumunog ang cellphone ko. Si Kariengkong lang pala.

"O anong kailangan mo bukod sa deodorant?" pangangasar ko sa kanya

"Sige lang Nandia, asarin mo lang ako ng asarin today. pagtapos lang talaga niyang conference malilintikan ka sakin" pag babanta niya na dahilan naman para mapatirik ang mga mata ko.

kahit naman matapos tong conference na yan, wala siyang palag sa bibig kong pinaglihi sa pwet ng manok

"ano ba kasi kailangan mo at may pagtawag ka pa? maganda ka ba ha?" tanong ko sa kanya.

narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya at saka sinabi ang pakay ng pagtawag niya

"Di pa raw makakauwi si papa ng maaga diyan kaya sa kusina ka na lang daw umattend ng interview para mabantayan mo yung bahay. Dadaanan niya daw muna si tito sa may kanto kasi papaayos niya yung gulong ng sasakyan"

sabi niya kaya naman agad akong napakuskos ng ulo ko

"ano ba naman yan si papa, halos araw araw na lang sira kotse niya ah? nung isang araw sira yung aircon tapos ngayon naman gulong? Hays, palitan mo na kasi kotse ni papa ang tagal tagal na sa pamilya natin yun e" hirit ko pa

"tarantada ka ba? kung meron mang dapat palitan dito, ikaw yun hindi yung kotse! buti pa nga yung kotse halos 15 yrs na kila papa pero mas may silbe pa sayo. Kaya kung pwede lang, tumigil ka kaka reklamo at request mo. makinig ka na lang. Magluto ka na rin ng ulam mo diyan"

sabi niya sabay baba ng tawag.

akma ko namang ibabato ang cellphone ko ng marelaize na wala pa nga pala akong pamalit dito. Hindi pa kasi nakakapagpadala si mama kaya mahihirpan akong humirit ng bagong phone neto kay papa.

ang papa pa naman namin daig pa ang isang menopause na babae kung magsungit akala mo naman kagwapuhan. 

char.

tinuloy ko na ang plano kong pagligo at saka nagbihis ng puting polo at maong shorts para sa conference ni ate. nagshorts na lang ako kasi hindi naman kita sa camera yun at isa pa, pagkainit init dito sa Pilipinas. 

binuksan ko ang laptop na pinahiram sakin ni ate para ayun na ang gamitin sa meeting at tsaka ako naglog in gamit ang account ko sa Zoom. Inenter ko na rin ang password at naghintay para sa pagapprove ng admin.

"ang tagal naman akong iaccept, ayaw ata sa mga early bird" sabi ko dahil sa totoo lang ay pumasok ako sa meeting 5 minutes earlier kesa sa binigay na oras sa schedule.

sa tingin ko naman ay mas maigi yun kesa late diba? at tsaka ginagawa ko ito for the sake of J.co, halos ilang buwan din namiss ng bunganga ko ang donuts plus may allowance pang pang-shopee sana kaso ibabayaad ko na lang kay Mercidita.

dahil hindi pa naman nagsisimula at hindi pa ako pinapapasok sa room, tumayo muna ako para kumuha ng makakain. Binuksan ko ang ref at kumuha ng mga stocks ni ate ng choco drink at saka kumuha ng biscuit ni papa sa pantry.

Nandia's Non-FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon