Nandia's Point of View
Tahimik lang sila ate at papa habang nakain ng dinner kasama ako. Baka ito na ang huling dinner ko na kasama sila.
Simula kasi ng lumabas ang pesteng flash news na yun kanina, agad na umuwi si ate para icheck kung kamusta kami ni papa sa bahay, o baka iniisip niya na napapaligiran na ang bahay ng mga pulis at dinadakip na ako. Swerte pa ako sa ngayon dahil wala pa ring nadating sa bahay, kahit nga mga baranggay tanod o kung ano mang alagad ng batas ay wala pa e.
Sobrang akward netong scenario na ito para sa madaldal na kagaya ko. Usually at this time, nagkukwentuhan na kami about random stuff, nagtatawanan o di kaya ay nag-aasaran lang kami nila ate at papa. Pero ngayon? Jusko, pati lamok inaantok dahil sa sobrang tahimik, miski mga kutsara at tinidor hindi nagsasalita!
"pa, ate, hindi ba talaga kayo magsasalita?" tanong ko habang hindi pa rin sila natitinag sa pagkain. Ni hindi man nga lang ako tinapunan ng tingin.
"Guys, kalma ako lang to, hindi ako makukulong ano ba kayo, tingnan niyo, hanggang ngayon andito pa rin ako at kumakain pa. Wag na kayong masyadong mag-alala, alam naman natin na wala akong kasalanan diba?"
Nagulat ako ng biglang ibinaba ni papa ang kutsara at tinidor na hawak niya at saka ako tiningnan ng seryoso. Napa-upo ako ng tuwid at tahimik na tumungin sa kanya. Sa isip-isip ko, pagagalitan ako ni papa, o kaya nagbabalak siyang itago ako sa malyong lugar para hindi madakip.
"Alam ko yun nak, inosente ka at walang sinuman ang dadakip sayo kung susuko ka."
"Susuko? E diba nga wala akong kasalanan? Bakit ako susuko?" Pag mamatigas ko. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa suhestyon ng papa mo e kung siya na mismo ang nagsabing wala kong kinalaman doon.
"Nandia makinig ka, kailangan nating malinis ang pangalan mo at magagawa lang natin yun kung makikipagtulungan ka sa mga kinauukulan" Sabi naman ni ate.
Grabe, iba yung aura ni ate ngayon. Sobrang seryoso nila pareho at mas nakakatakot yun kesa sa idea na makulong ako anytime now.
"Walang dumadating dito na kapulisan dahil humingi ako ng police protection. Pero ang kapalit nun Nandia ay ang pakikipagtulungan mo sa kanila. Kailangan mo lang gawin ang ipag-uutos nila at makipagtulungan kang mahanap ang mga tunay na may sala at tiyak na malilinis ang pangalan mo"
Natahimik ako sa mga narinig ko mula kay ate at papa. Kaya pala hanggang ngayon ay nasa bahay pa ako, isa pala akong witness at hindi suspect. Kahit pa ganon ang sitwasyona t mukhang pabor sa panig ko, natatakot pa rin akong maging sangkot dito. Hindi ko kilala ang mga tanong yun at magsasalita ako laban sa kanila para malinis ang pangalan ko, pakiramdam ko may tatraydurin ako kahit wala naman talaga.
"Okay sige. Magsasalita ako tungkol sa issue na to, pero kung ano lang ang alam ko at tunay na nangyari ang sasabihin ko, walang halong script o kahit ano basta ba malinis ang pangalan ko."
"May isa pa tayong problema Nandia." Saad naman ni ate para mapadako ang parehong tingin namin ni papa sa kanya.
"Nasabi ko sayo noon bago ang insidenteng yon na kailangan ko ang interview na iyon para sa trabaho ko. Isa si Mdme. Scarlette sa ifefeature namin sa next magazine issue at yung interview niya sana ang ilalagay namin for article. She happened to know my boss and somehow, pati ako, she learned that we are realated. She then consulted to my boss about something." Huminto si ate at bumuntong hininga.
"She wants you to follow a script kapag nagbigay ka na ng statement about the incident. Kailanagan mo lang isa-publiko kung ano man yung nakalagay sa ibibgay nilang script sayo. Forget about the truth Nandia, we need your cooperation here, or else.."
BINABASA MO ANG
Nandia's Non-Fiction
RomanceNandia Guano. 22, single and tired. Ganyan ilarawan ng isang hopeless romantic ang kanyang sarili lalo na't makailang beses na siyang sinawing palad sa pag-ibig. Kahit mala "Kiray" ang kanyang beauty, marami na siyang experiences sa love dahil sa ka...