Nandia: Guilty nga ba?

2 0 0
                                    

"Now explain to me what happened at bakit nasa balita ka?" Bulalas ni papa habang turo turo ang tv na naka-on.

"Wala nga akong ginawa pa, maniwala ka man sa hindi nakatulala lang talaga ako the whole time!" Pagdidipensa ko naman.

Paano ba naman kasi, pagkatapos na pagkatapos ng zoom meeting na yun natulog na ako dala ng sobrang antok. Ikaw kaya di matulog ng buong magdamag diba?

Tapos ang masaklap pa niyan, gigisingin ka dahil nasa balita ka na.

Akala ko pa naman nasa balita ako kasi natagpuan na nila ang pinakamagandang babae sa mundo, yun pala sasabit pa ako sa zoom meeting na yan!

Kung nagtataka kayo kung anong klaseng balita yun, well na leak lang naman yung conference with mdme. Scarlette at pag tinamaan ka nga naman ng lintek, kitang kita yung mukha ko doon!

Tho hindi na pinalabas yung video with sound, makikita namang hindi ako nagsasalita doon ang kaso nga lang, yung headline ng balita pambulabog!

"Nandia, I told you clearly na umattend ka ng interview na yun kasi kailangan ko yun sa work ko. Ano tong balita na pinaparatangan niyo ng pagnanakaw si mdme. Scarlette?"

Napabuntong hininga na lang ako.

Halos ilang minuto na nilang paulit ulit na tanong yan at ako naman si tanga na explain ng explain.

"I told you clearly din ate na wala akong kinalaman diyan. Naiwan ako sa meeting na yun sa sobrang takot kong magleave. Hindi ako kasama sa mga nang harass kay mdme. Scarlette, si Mr. Lacoste, Martina at Andrade Kimpoy yun!"

Napakunot naman ng noo si papa

"Mr. Lacoste? Punyemas ka Nandia wag mo nga akong pinagloloko! Yang ugali mo lumalala na, kahit sa ibang tao bastos ka sumagot? Siguro sinagot sagot mo si mdme. Scarlette no?"

Napapikit naman ako ng mariin dahil sa sinabi ni papa.

Pinipigilan kong maiyak dahil sa totoo lang kinakabahan din ako. Paanong nasama ako doon sa balita. Dapat plinay na lang nila yung video para makitang wala akong sinabi doon!

"How are you going to settle this Nandia, yung pagmumukha mo sigurong nasa internet na yan, ano na ang sasabihin ng ibang tao ha? Hindi mo ba kilala si mdme. Scarlette?"

"Hindi ko siya kilala okay, at lalong wala akong alam sa nakaw nakaw na yan kung totoo man yan basta wala akong kinalaman diyan kahit iplay niyo pa yung video!"

Sigaw ko sabay takbo pataas sa kwarto.

Wala na, hindi ko na kaya pan pigilan pa ang pagiyak sa sobrang takot at hiya.

Wala naman kasi talaga akong kinalaman doon pero nadamay ako ng dahil lang kitang kita yung mukha ko. And imbes na tanungin ako ng ayos ni ate at papa, mukhang naniniwala pa sila sa fake news na yan.

Ni lock ko ang pinto at saka nagtalukbong ng kumot. Narinig ko pang tinatawag ni papa ang pangalan ko pero hindi ako kumibot dahil siguradong pagagalitan lang ako lalo nun.

Nakakahiya. Pano kapag nakita yun ng mga kaklase ko at ng mga kamag-anak namin. Siguradong sasangayon sila na kasali ako sa mga nangharass gawa ng ugali ko.

Nakakainis! Dapat talaga makausap ko yung tatlong mokong na yun e! Sila pa yung hindi nakita sa balita e sila nga tong pasimuno!

Kahit naman paganito ganito ako, alam ko kung kelan makikipagbiruan at kelan magseseryoso!

Nandia's Non-FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon