Napakamot ako sa ulo bago i-end muli ang tawag mula kay ate D. Panglimang beses na siya tumatawag at wala naman akong balak sagutin ito. Napagadesisyunan kong i-off ang cellphone ko upang hindi nila ako macontact.
Napabuntong hininga ako bago ilipat ang tingin sa napakalaking mansyon sa harapan ko. The gates were so huge and tall at may mga CCTV sa magkabilang dulo ng mga ito. Muli akong sumilip sa gate, nagbabakasakaling may makita akong tao mula sa loob.
"Excuse me, sino po kayo?" napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Kinalma ko muna ang aking sarili bago harapin ang taong nasa likod.
My expectation sank when I saw a girl wearing a maid uniform. She was small compared to me. Tiningnan ko ang bitbit niya sa likuran at nakitang isang malaking roller garbage bin lamang ito na mukhang walang laman.
Saglit kong inayos ang aking sarili bago sya hinarap muli, "Mag-aapply sana ako ng trabaho" nahihiya Kong saad.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nakita ko ang saglit na pagkunot ng noo niya.
"Sigurado kang mag aapply ka? Mukha ka namang hindi mahirap tingnan" sagot niya.
Tiningnan ko ang suot Kong highwaist jeans at fit na croptop na halata namang ma mahalin, idagdag mo pa rito ang Louis Vuitton kong shoulder bag.
I let out a fake laugh, "Talaga? Mukha akong mayaman tingnan? Goal ko kasi talaga yun. Alam mo sa ukay ukay ko lang to lahat binili, gusto mo isama kita minsan? " pang eenganyo ko sa kanya.
I saw how here eyes sparkled with what I've said at agad naman itong tumango. "Naku! Bet ko iyan! Tara, pasok sa loob. Tamang tama ang dating mo dahil tuwing Martes lang ako lumalabas para magtapon ng basura" Mukhang natutuwa naman siya kaya hinayaan ko siya hilahin ako papasok.
"Siya nga pala, ako si Via, ikaw?" pagpapakilala niya sa sarili niya.
Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko ang totoong pangalan ko, "Uhm, Aira. Ako si Aira" sagot ko bago ngumiti.
Nalula ako ng makita ang kabuoan ng mansyon. Hindi naman kasi gaanong kita sa labas dahil sa matataas na gate nito. Makikita mo mula rito ang malawak na garden. Sigurado akong inaalagaan ng maayos ang hardin nila dahil sa dami ng hardinero na nakita ko, ang iba ay kinamusta si Via ng makita kami. Ang iba naman ay halatang nagtataka ng makita ako.
"Ang ganda mo naman Aira, akala ko talaga kanina bisita ka ni Sir eh. Taga saan ka ba? Paano ka napadpad dito?" tanong niya habang naglalakad kami. Napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya.
Hindi naman to kasali sa plano eh!
"Ahh, taga probinsya kasi ang pamilya ko. Lumipat kami dito ng magkaroon si papa ng trabaho. Hindi naman kami mayaman at hindi din sapat kinikita ni papa para sa pag aaral naming magkakapatid kaya nag decide ako mag apply bilang katulong." Gusto kong kurutin ang sarili dahil sa pinagsasabi kong kasinungalingan. Nakita ko naman ang pagtango tango niya.
"Ako kasi matagal na akong tumigil sa pag aaral dahil hindi na kaya ng mga magulang ko. Kaya eto, katulong ako. Pero plano ko naman mag aral next year kasi naka ipon na ako kahit papaano. Ang laki din kasi ng pa sweldo nila dito." natutuwa niyang saad.
Hindi ko namalayan na nakaratin na pala kami sa malaking pintuan ng mansyon. The main door opened widely when we entered. Hila hila pa din ako ni Via.
Napanganga na lamang ako sa laki ng loob ng mansyon. A red carpet was placed on the big floor. A million dollar painting was settled on every corner of the house. The house was painted plain white though it gave more life to the mansion.
The vases at the living room were in their right places. Dumako ang tingin ko sa isang medyo katandaang babae na naglilinis ng mga frames. She was also wearing a maid uniform.
"Nay Alicia!" tawag ni Via sa kanya kaya agad naman itong tumingin sa gawi namin. Confused look was plastered on her face. Tila napansin din ito ni Via at hinila ako para magkatabi kami.
"Nay, si Aira po pala. Mag aapply daw po siyang katulong. May bakante pa pa ba?" gaya ng ginawa ni Via ay ay pinsadahan niya din ako ng tingin.
Ilang mura ang binitawan ko sa isipan dahil sa totoo lang ay kinakabahan ako at na baka ay mabisto ako.
Nanliit pa ang mata niya tila inoobserbahan talaga ako bago unti unti itong naupo sa sofa.
"Iha, upo ka rito." she tapped the sofa beside her.
Dahan dahan akong tumango at umupo di kalayuan sa kanya upang maharap ka siya ng maayos.
She fixed her eyeglasses, before looking at me again. My hands were placed on my lap so I will not make unnecessary moves.
"Nag-aaral ka pa ba?" tanong niya.
I was hesitant to say yes, baka ay pag sabihin kong oo ay hindi nila ako tatanggapin. Is this a trick question or what? Ugh!
Sapat na siguro ang pagsisinungaling ko tungkol sa estado ko sa buhay at pangalan ko.
Tumango ako, "opo ma'am"
Narinig ko naman ang kanyang mahinang pagtawa, "Nanay Alicia nalang. Ako ang mayordoma rito."
"Sigo po, Nanay Alicia" nakita ko naman ang galak niya sa sinabi ko.
"Kung gayon," pagbabalik niya sa usapan, "Weekends ka lang pwedeng mag trabaho. Bilin kasi samin ni Ma'am Aliyah na weekends lang kayo magtatrabaho kung ganoon." ngiti niya.
Teka, sinong Ma'am Aliyah? Wala namang nagsabi sa akin na kasal na pala siya!
"Uhm, si Ma'am Aliyah po ba nag mamay-ari nito?" tanong ko. Kinakabahan na baka nagkamali ako ng bahay na napuntahan.
Umiling siya, "Naku, hindi. Si Sir Alex, si Ma'am Aliyah ang ina niya. Paminsan lang kasi rito si Sir Alex dahil medyo kalayuan ito sa kumpanya nila kaya sa condo ito madalas tumutuloy. Si Ma'am Aliyah ang madalas pumupunta rito at ang nakakausap namin." Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig muli ang pangalan niya.
So that means my private investigator was right, he was really living in here.
I smirk at that.