Nanatili pa din akong nakatayo sa kinaroroonan ko. I was hesitant to move just because of the guy who's infront of everyone.
He was so intimidating to the point na halos umiwas na akong ng tingin. Why is he staring at me in the first place? Maybe because I was late or maybe he remembered me? No. The second one doesn't make sense!
It makes sense, Ary. Deny ka pa.
Hindi man halata ay halos tawagin ko na lahat ng anghel at Santo sa langit upang dinggin ang panalangin kong sana hindi niya ako maalala.
"Ano pang ginagawa mo?" napatigil ako sa pag iisip ng mag salita si Nanay Alicia.
Sumenyas ito sa akin. Nakuha ko naman ito at tumango upang kumpirmahin na naintindihan ko ang gusto niyang ipahayag. She's telling mo to go near them. She was standing next to the guy whom they called "Sir".
Nanatili pa din akong nakayuko hanggang sa tumigil ako sa harapan niya. His presence is dominating the place and it gives me chills!
"Pasensya na po nahuli ako, S-sir." I tried my best not to stutter, but I failed to do so.
Nakakahiya lalo pa't bago pa lamang ako rito pero palya na ako sa first meeting namin.
Nagtataka man kung bakit hindi ex ko ang nandito ay hindi ko na muna ito inisip at tila mahirap lusutan itong kahihiyang ginawa ko.
Naramdaman ko ang mahinang pag tawa ng mga tao sa likod ko sabay ng pag lapit sa akin ni Nanay Alicia. She placed her hands behind me and carefully whispered something to me.
"Iha, bagong hardinero natin ito. Hindi to si Sir."
It was just an easy statement for her to tell, yet it was so hard for me to swallow the information!
Pumikit ako ng mariin, nanggigil sa sariling katangahan. I should have known better!
Putcha.
I composed myself before meeting his eyes. Nakita ko pa ang pang ngisi nito ngunit agad din nawala ng muling mag tama ang aming mga mata. Seryoso na itong naka tingin sa akin na parang binabasa niya ang iniisip ko.
I even had the guts to memorize his face. Noong umulan ng pagiging perpekto ay tiyak na sinalo na nito lahat. He was heavenly perfect!
But, him? A gardener?
Uhm..
"Are you done?" natauhan ako ng magsalita ang lalaki sa aking harapan.
Napalunok ako, tila nangangapa sa kung anong isasagot. Baka magkamali na naman ako.
"Pasensya ka na iho, napagkamalan ka pa ni Aira na may-ari nitong bahay." si Nanay Alicia na ang sumagot at muling natawa.
Nakita ko naman ang mahinahong pag tango tango ng lalaki habang hindi maalis ang titig sa akin.
"Aira, si Kent nga pala. Bagong hardinero dito. Hindi kasi natuloy si sir Alex sa pagpunta. Sayang naman at nakapag handa na ang lahat. Pina dala siya ni sir at dito raw magtatrabaho." pag eexplain ni Nanay Alicia.
Hilaw akong ngumiti, bago bumaling muli sa lalaki, "Pasensya ka na. Bago pa kasi ako dito, akala ko ikaw ang may-ari"
I was really doubting that he's applying for a job. But yeah right! Looks can be deceiving.
Hindi ko na siyang inantay sumagot at pumunta sa pinaka likod upang pumila kasama ang mga kasambahay.
Mabilis lumipas ang araw at sabado na naman ulit. I was praying hard na hindi ako maassign sa garden dahil ilang beses na akong napahiya sa harapan ni Kent. Noong huling linggo ay kasama ko lamang si Via nag linis sa loob ng bahay at ng swimming pool kaya hindi ko naman nakita ang presensya ni Kent.