Chapter 1

11 2 0
                                    

Hindi agad ako nakailag at sumakto sa noo ko ang walang lamang plastic cup na itanapon sakin ni Febi.

“Gaga ka! Anong pumasok sa kokote mo at nag apply ka bilang katulong?! And worst? Sa bahay ng ex mo!” nangagalaiti niyag sabi. Dinuro duro niya pa ang ballpen na hawak niya sa akin.

Hinihimas himas ko naman ang parte ng noo ko kung saan tumama ang plastic cup.

“Wala naman kasi iyun sa plano ko eh. Nasakto lang na may kasambahay na nasa labas kaya wala akong choice.” She rolled her eyes out of dismay.

“Oh, anong plano mo? Eh hindi ka naman sanay sa gawaing bahay.” Saad  habang nilalantakan ang fries na order ko.

“Marunong naman akong magluto at mag laba” pagdedepensa ko.

"Eh paano pag aaral mo? Gaga ka talaga!" naiinis niyag saad.

"Weekends lang naman kasi ako makakapag trabaho" ngisi ko.

Nakita ko naman ang pagkatigil niya sa sinabi ko, "May kasambahay bang nagtatrabaho ng weekends?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Ako ba pinagloloko mo?" she folded her arms.

"Hindi noh! Nakakatuwa nga eh kasi may mga kasambahay silang pang weekends lang. Iyun iyung may mga klase tuwing weekdays. Kuwento sa akin nung mayordoma nila, dating katulong daw iyung mama niya kaya she knows the feeling. Ganern! Kaya nag decide sila na tumanggap ng mga may balak mag sideline, para maka help" paninigurado ko.

"Kung hindi mo naman pala palaging makikita iyun nandoon, eh anong gagawin mo doon?"

"Maglilinis?" patanong kong sagot.

Bago pa ako muling maka ilag ay pinitik niya na ang noo ko. Napadaing naman ako sa sakit dahil medyo malakas iyun.

“Ewan ko sa buhay mo! Masama ang pakiramdam ko diyan sa pinag gagawa mo ha, kung ikaw ma buking nung ex mo. Ewan ko na lang talaga! Hindi na talaga kita tutulungan niyan.” Pagbabanta niya sa akin. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

Sakto naman ang pag dating ni ate D dahil tapos na kaming mag usap ni Febi. Agad bumaling ang tingin niya sa akin at mataman akong tiningan.

“Saan ka kahapon? Bigla ka nalang nawala. Pinatayan mo pa talaga ako ng cellphone ng tumatawag ako.”

Bumaling ang tingin ko kay Febi at nanghihingi ng saklolo.

“Ah, magkasama kami kahapon ni Ary, ate D. Na dead batt siguro siya kaya hindi na nasagot ang tawag mo. Hindi naman ako na sabihan tumatawag ka pala” sagot ni Febi sa kanya. I smiled at her and mouthed ‘thank you’ before settling my eyes at ate D again.

“Siguraduhin mo lang Ary ha. Sa susunod ay mag dala ka ng powerbank ng hindi ka malowbatt” Paalala sa akin ni ate D.

Ate D, short for December, is our eldest girl cousin. Kaya mahigpit siya sa amin dahil bukod na siya ang pinaka matanda sa aming magpipinsan ay anak din siya ng may-ari ng University na pinapasukan namin. Hindi ko nga alam kung anong trip niya at palagi siya tumatambay dito sa school eh matagal  na siya grumaduate. Siguro ay madami din siyang inaasikaso rito lalo pa at siya lang ang nag iisang anak nila tito kaya kailangan niya maging handa kung sakaling ipapasa na sa kanya ang pamamahala sa University na ito.

Magsasalita pa sana si Ate D ng maalala Kong may klase pa pala ako ngayong hapon. Dali dali Kong niligpit ang mga gamit ko bago mag paalam sa kanila.






"Ary, di ka ba sasabay?" tanong sa akin ni Ysa ng matapos na ang huling subject namin sa araw na ito.

Gustuhin ko mang sumabay ay umiling ako, kailangan ko umuwi ng maaga. I need to study how to do the household chores. Magpapaturo pa ako kay Yaya Inday nito.

January (Birth Month Series #1) Where stories live. Discover now