"Uy Aira, kakarating mo lang?" si Via agad ang sumalubong sa akin dahil siya na mismo ang nag bukas ng gate.
Saturday ngayon at ito ang unang araw na magtatrabaho ako dito. Kinakabahan pa din ako dahil baka hindi sapat ang tinuro sa akin ni Yaya Inday.
"Oo eh late na ba ako?" tanong ko sa kanya habang binuksan niya ng mas malaki ang gate upang makapasok ako.
"Naku, hindi naman. Tamang tama lang ang dating mo."
Nginitian ko si Via kahit hindi ako sanay sa pangalang itinawag niya sa akin.
I am still in awe even though it was my second time in here. Hindi ko maiwasan puriin ang mga magagandang disenyong nakasabit sa mga pader. Yes, my family is also rich but my parents are not into this kind of decorations in our house. Mas gusto nila ng simple dahil ayaw nila akong lumaki na sanay sa luho.
Halatang binata pa ang may-ari nitong bahay dahil sa disenyo na makikita mo sa loob ng bahay.
When we finally reached the maid's quarter, Via showed me the place on where to put my things. Isa isa kong inayos ang mga gamit ko para naman hindi makalat tingnan lalo pa at may kahati ako sa kwarto.
Via handed me a cellophane with clothes on it, "Ito ang uniform mo. Sa unahan mula rito may CR, doon ka na magbihis" sabi nito at binigay niya sa akin. Siguro ay bagong bili pa dahil naka tupi ito ng maayo.
Agad akong nakapagbihis at bumalik kung nasaan si Via. Nakita ko agad ang pagka mangha sa kaniyang mga mata ng makita ako.
"Ang ganda mo talaga Aira! Ang kinis kinis ng balat mo tsaka wala kang pimples!" lumapit pa siya para tingnan ng mabuti ang mukha ko. Medyo nailang ako sa ginawa niyang pag lapit.
Inikot niya ako, "Atsaka fit na fit sa iyo tong uniform natin. Para kang model. Hindi pa din ako makapaniwala na maid ka lang dito." tumawa na lamang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. Baka pag may masabi ako eh madulas ako at may masabing makakapahamak sa akin.
Hindi ko din alam kung binobola niya lang ako dahil hindi naman pang model ang tangkad ko. I only stood 5'3 in height. Hindi pasado, bilang isang model. Siguro ay dahil mas maliit siya kaya natatangkaran siya sa akin.
"Huwag kang mahiya magtanong kung may kailangan ka ha. Pasensya ka na at ako muna ang kasama mo ngayon. Sumasakit kasi ang likod ni Nanay Alicia eh, alam mo na, matanda na kasi." bulong niya sakin sa huling salita.
"Okay lang, wala naman kaso sa akin." sagot ko.
"Hali ka na," anyaya niya "Mauna tayo sa may swimming pool. Kukunin lang natin iyung mga falling leaves gamit ang net kaya paniguradong madali lang." sabi niya.
Saktong pag labas namin sa maid's quarter ay nakasalubong namin si Nanay Alicia. Tila nahihirapan pa itong maglakad dahil hawak hawak pa niya ang beywang niya.
"Naku Aira andyan ka na pala. Kanina ka pa ba? Pasensya ka na at ngayon lamang ako dahil sumasakit na ang likod ko." she smiled apologetically and fixed her eyeglass.
"Wala naman pong problema Nay. Okay lang po talaga, kung masakit pa po ang likod niyo ay pwede naman po kayong magpa hinga." I said.
Umiling iling ito, "Naku, hindi din pwede. Medyo kaya ko naman at madami ding gagawin ngayong araw."
"Siya nga pala" panimula niya muli, "Aira, pwede bang sa hardin ka muna mag linis?" paki usap ni Nanay Alicia na agad hindi sinang ayunan ni Via.
"Nay huwag na po si Aira, marumi roon eh, ako na lang po!" she volunteered and was even raising her right hand.