1

11 1 0
                                    


at biglang sinampal ako ng babae, at tumalikod ito sa akin na para bang nahihiya siya. wow ate ahh ikaw pa may ganang mahiya ikaw na tong nang halik.

"sorry binibini kung naging mapangahas ako sa una nating pag tatagpo"  wika ko dito at tumingin siya sa akin biglang may lumabas na espada sa kanyang braso. agad na umatras ako dahil baka seryoso siya sa pag patay sakin, ipinatong nalamang niya ang espada niya sa aking balikat at yumuko ng bahagya. "binibini? ano ang ginagawa mo bakitt--" naputol ang aking sasabihin ng bigla niyang itinaas at nag wika nang "binabati kita, maari ka nang pumasok" biglang may lumitaw na gintong gate, patay na ba ako? bat nandito ako. gusto ko pang matupad ang mga pangarap ko! patawarin mo na ako mama! "papasok ako dito?" at itinuro ko ang gate na kaharap namin "oo, alangan namang dyan ka matulog" sabi ng babaeng ng halik sa akin. pilosopo din pala siya, kala ko naman matino. Baka isa ito sa aking makaka-away ah.

"my name is Olivia Aria Moore" nilahad niya ang kanyang kamay. at tinanggap ko ito kaagad mamaya kasi ano pa gawin sakin nito "Zyndrus Doff Fahrent" pag papakilala ko sa kanya. at tinitigan niya ako, hindi ko alam kong para saan ang pag titig niyang yon. "Let's go" pumasok na kami sa gate na lumabas kanina at ang daming mga puno, halaman, ibon at syempre mga kawal na naka bantay sa aming papasukan. Anong pakiramdam? syempre nakakatakot, kasi baka may mga rules and law sila na hindi ko alam na bawal pala sa kanila ay agad akong sugurin at mamatay ang bida niyo. Habang nag lalakad kami, may nakita akong palasyo at may pangalan sa taas nun na Hemist na mangha ako sa kagandahan nito at wala akong masabi, palapit kami ng palapit sa palasyo.

Nang nasa harap na namin ang pinto ng palasyo ay agad ito bumukas, para bang inaasahan na ng mga tao na nasa loob na nandun na kami sa labas at papasok na. Nang nasa loob na kami ay bahagyang yumuko si Olivia sa hari at ako rin yumuko para sa pag bibigay ng respeto rito.

"Zyndrus, dala mo ba ang bato na ibinigay ko?" agad nag salita ang hari at tumayo sa trono niya, ako naman ay napa-ayos ako ng aking tayo dahil palapit ang hari sakin, at kinuha ko ang bato na ibinigay niya raw sa akin. "ito po ba yun?, at kung ikaw ang nag bigay sa akin nito ikaw si lolo?" pag bibigay ko sa kanya ng tanong at natawa na lamang siya sa akin, dahil siguro ay hindi niya inaasahan ang tanong ko. "manahimik ka dyan Zyndrus, kikitilin ko buhay mo" bulong naman ni Olivia sakin, kakatakot naman pala, pektusan ko utak mo eh habang sinasabi ko iyon sa aking isip ay tumingin ako sa kanya ay sinamaan ko siya ng tingin.

"OO, ako si lolo na tinulungan mo" basag ni lolo sa tensyon na namamagamitan samin ni Olivia, "isa ka sa napili ko upang mangalaga sa aming palasyo at kapag natapos mo ang misyon mo dito maari ka nang lumaya at hindi na bumalik, pero kapag may nangyari na masama sa'yo, hindi namin sasagutin ang buhay mo" sabi ni lolo sa akin. "ano ba ang mga gagawin ko dito?" tanong ko dito, at tumingin siya sa akin. "Magiging isa kang Kabalyero ng aming kaharian, at ikakasal ka sa isa sa mga anak ko"  nagulantang ako sa sinabi ng hari at napasigaw ako HOLYY COWWW! 
 "PO?! bata papo ako lolo, at may pangarap pa po ako sa aming pamilya, wag po muna ikasal" sabi ko rito at bahagyang kumunot ang kanyang noo. "Kung ano ang aking sinabi ayun lang ang gagawin mo, at kapag tumutol ka" kinuha niya ang espada ng kawal niya at itinutok ito sa akin "ako mismo ang kikitil sa'yo" pag kasabi niya nun ay napa atras ako, at si Olivia naman ay tumatawa sa gilid para bang nakikipag biruan lamang ang hari sa kanya. at tumawa din ang hari na kaharap ko, at nag wika ng "binibiro lamang kita, isa akong tagapayo ng mahal na hari"  akmang susugurin ko siya upang sakalin ko, pero biglang may lumabas na matandang lalaki na may suot ng pang haring kasuotan at may espada siya sa gilid, at korona. 

"Mahal na hari" sigaw ng mga tao na nasa loob ng palasyo at ako din ay nakigaya sa kanila.

"Maligayang pag pasok sa aking kaharian ijo" sabi ng hari na kaharap ko, at bahagya akong ngumiti dahil sa nangyari kanina ay nawala ako sa wisyo, lalakas pala ng tama ng tao dito.

"Ako si King Edric Azar Dimitriev" pag papakilala nito sa akin, at nag pakilala rin ako sa kanya syempre. "masaya ka ba sa aking munting kaharian?" tanong ng hari sa akin. ano ba sasabihin ko ba yung totoo, mag kukunwari akong walang alam o sasabihin ko yung kalokohan ng tagapayo niya? sasabihin ko nalang tutal malakas naman loob ko eh hehe. "hindi po ako masaya ng pumasok ako sa kaharian niya mahal na hari" sagot ko sa mahinahon na boses, at tinignan naman ako ng lahat ng kawal na nandito maging si Olivia. "bakit naman, ikaw pa lamang ang hindi na sisiyahan sa pag pasok  sa aking kaharian" sabi ng hari sa akin. "niloko po ako ng inyong tagapayo at nag kunwari siya ang hari ng inyong kaharian, hindi ba pag mamalabis iyon? hindi ba yun labag sa inyong batas?" at natawa naman ng bahagya ang hari sa aking sinabi "isa kang matapang na bata ijo, ikaw lang ang nag sabi sa akin ng ganyan sa mga pumasok sa kaharian ko, lubos akong nagagalak sa pagiging tapat mo sa akin kahit na ngayon mo pa lamang ako  nakikilala. At tungkol naman sa ginagawa ng aking tagapayo? ay alam ko na yun dahil ako ang nag utos sa kanya na sa lahat ng papasok ay gawin niya iyon. Bilang pasasalamat sa iyong katapatan, ibinibigay ko ang 5 ginto na ito upang gamitin sa aking kaharian. Bumili ka ng mga gamit na kailangan mo." sabi naman ng hari, at agad akong natuwa dahil oo, ngayon lang ako nag bukas ng damdamin sa isang tao dahil nga takot ako makasakit ng iba, mas gusto ko na lamang manahimik kahit alam ko naman talaga ang totoo. "maraming salamat po!, ano po ba ang magiging trabaho ko dito mahal na hari?" 

"magiging isa kang tiga luto ni Olivia, siya ang makakasama mo sa iisang kkwarto" sabi ng hari at nagulat kami sa sinabi ng hari "mahal na hari!" sabay naming pag sabi upang tumutol sa kanyang gusto. "Olivia, si Zyndrus ang makakasama mo sa iisang bahay hanggat hindi siya nakaka alis" at umalis na ang mahal na hari, tumingin ako kay Olivia na parang ayaw niya na mag kasama kami pero hinalikan ako tss. "hmmm olivi--" "ano?! masaya kana na mag kasama tayo?! masaya kana matatabihan moko sa kama?! manahimik ka dyan nang gigigil ako sayo ayaw kitang makasama sa iisang kwarto!" pag kasabi niya nun ay nag lakad na siya paalis, "walkout ka ghourl?" sinundan ko siya upang malaman ko kung saan nga ba ang bahay niya at masimulan ko na magluto ng aming hapunan. Tumigil siya sa isang magandang bahay na kasya ang 4 na tao. at pumasok siya at sinarado ang pinto at nilock ito "Olivia! papasukin muna akoo! hindi naman ako gagawa ng masama sa'yo eh mahal ko pa virginity ko!" kahit sinabi ko iyo ay hindi padin niya ako pinapapasok hanggang sa nag dilim na. May nakita akong isang bata na binubully ng mga binata at nilapitan ko sila "ano ang ginagawa niyo gabi na mag si uwi na kayo." at lumapit ako sa batang kanilang binubully at biglang may sumigaw sa likod na.

"Sino kaba ah?! bago ka lang dito kala mo kung sino kana! gusto mo patayin ka na namin dito?! mahina kalang na nilalang umalis ka dyan!" pag kasabi ng kasing edad ko lng siguro ito ay sinugod ko ito at kinulwelyuhan. "anong sabi mong mahina ako?" pag kakasabi ko nito ay agad akong sinapak ng lalaking harap at nag suntukan kami. tatlong suntok pa lang ay tumumba na ang binata na aking kinulwelyuhan at sabi ng mga kasama nito "babalikan ka namin!"  nag bad finger nalang ako bilang tugon sa kayabangan taglay, huh! hindi ata nila alam kung saan ako lumaki! matibay to boy! .

lumapit ako sa bata at nilahad ko ang aking mga kamay at ngumiti ako, tumingin sa akin ang bata at tinanggap ang kamay ko, "bakit kaba binubully ng mga yun? at gabi na nasa labas kapa baka may nag hahanap sayo. ano pangalan mo?" sunod na sunod na tanong ko sa bata.

"Ang pangalan ko ay Andrew Moore, nag t-traning po kasi ako kuya kasi gusto ko po maging kabalyero kagaya ng aking ama, isa siya sa pinaka magaling na kabalyero sa kasaysayan ng Hemist--" pinutol ko ang kanyang sinasabi dahil narinig ko na ang Moore na apelyido. "Teka! Moore ba apelyido mo?" tanong ko kay Andrew, tumango naman ito at sinabing "Ate ko po si Olivia Aria Moore" agad akong kinabahan kasi baka isipin ni Olivia binugbog ko ang kapatid niya. 

"ANDREWW!!!" sigaw ng isang babae,

"si ate yun!" tumakbo naman si Andrew papalapit sa ate niya at niyakap niya ito. sanaol.

"ANONG NANGYARI SA MUKHA MO AHH?! SINO GUMAWA NIYAN?!" tumingin sa akin ng masa si Olivia at sinugod ako nito at.....


TO BE CONTINUED...

The White Knight in HemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon