Ngumiti naman si Olivia at tumakbo sa babae kasama ni Peter at niyakap niya ito.
"Ashianna!" sigaw ni Olivia dito, "ang tagal natin hindi nag kita, kamusta na kayo? dito na ulit kayo titira?" wika ni Olivia.
"oh isa isa lang tanong, mag papakilala muna kami sa kasama mo, gwapo naman niyan, dalaga na si Olivia" sabi ni Peter, sabay naman kami napa yuckk! .
"Ako nga pala si Jiego Hernandez" sabi ng kasama nilang lalaki, seryoso ang tingin niya sa akin.
"Ako kilala mo na, Peter Hernandez" ngumiti ito sa akin.
"Ako si Krytus Shivco" yung lalaking nanugod sa akin.
"Ako naman si Ashianna Hernandez" sabi ng babaeng niyakap ni Olivia, Mag ka edad lang siguro sila. Kaya nag pakilala narin ako sa kanila, sinabi ko lahat ng mga nangyari kung bakit ako nandito, nung nabanggit ko yung tungkol kay Alex nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat.
Tumawa naman si Krytus, hindi siya naniniwala "sigurado ka? HAHAHA patawa ka rin pala ayun ang isa sa malalakas na mandirigma tapos tatalunin mo lang? HAHAHAHA" tumingin naman ako dito at sinamaan ko siya ng tingin.
"ano gusto mong parating sinungaling ako? wala kang alam kaya wala kang dahilan para kumuda ka d'yan" sabi ko rito at akmang tatayo na siya, hinila siya ni Peter at sinamaan siya nito ng tingin, inayos niya ang kanyang buhok dahil sa inis.
"kumalma nga kayo" sabi ni Olivia, kaya hindi na kami umimik, dahil seryoso na ang mukha ni Olivia. "ano ang pinunta niyo dito Ashianna?"
"Tinawagan kami ni King Edric para turuan namin itong si Zyndrus, dahil nakita niya ang aura ni Heiros at para bantayan narin siya dahil baka kunin siya o patayin siya ng ibang kaharian kapag nalaman nila ang tungkol dito"
"halika nga dito" hinila ni Olivia si Ashianna palabas ng kwarto.
Olivia PoV
"anong papatayin? Ashianna?" tanong ko rito. "Alam mo naman siguro na si Heiros ang isa sa mga mandirigma mula sa atin ang tumalo sa buong kaharian, alam mo naman na hindi basta tao si Heiros. Isa siyang demigod. Isa siyang banta sa lahat ng kaharian Olivia, kaya nakita rin namin ang aura niya na hindi natin ka level. Hindi ko alam ang mararamdaman ko" pagkasabi ni Ashianna napaupo nalamang ako at nag iisip ng mga pwedeng gawin upang mailayo si Zyndrus dito sa mundo namin, mapapahamak lamang siya kung tatagal pa siya sa lugar na ito, lalo na siya pala ang tagapagmana ni Heiros.
Kahit ako hindi ko alam ang itchura ni Heiros, sabi ni Haring Edric ay isa itong napakalas na nilalang, isa siya sa mga namuno sa aming hukbong pandigma, at hindi ko alam na isa rin siyang demigod. Nakakagulat dahil madami pa pala akong hindi alam sa lugar na ito, at ngayon ang lalaking kasama ko sa kanya nananalaytay ang kapangyarihan ni Heiros.
"ano ba ang pwede nating gawin Ashianna? kung pabalikin ko nalang kaya si Zyndrus at kunin ko lahat ang alaala niya sa lugar na ito?" pagkasabi ko nito, ay agad hinawakan ni Ashianna ang aking mukha "hindi maganda ang nasa isip mo Olivia, gusto mo bang magalit si King Edric kapag nalaman niya ang gusto mong gawin kay Zyndrus?"
"ano ang pwede nating gawin? ayaw kong mamatay ng maaga ang mokong na yun" pagkasabi ko nito ay tumawa si Ashianna, "mukhang umiibig kana, nahulog kana ba sa kanya? wag mong sabihin mag kakaroon kana ng kasintahan?" sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay napalo ko siya, ang kulit kasi kung ano-ano ang sinasabi, "manahimik ka d'yan mamaya marinig ng mga lalaki sa labas, alam mo naman ang mga iyon ay sobra kung mang-asar, nag-aalala lang ako sa kalagayan ni Zyndrus, dahil kahit papaano siya lamang ang nag trato sa akin ng kaibigan, syempre maliban sa inyo inalagaan niya kami at pinagtanggol ang kapatid ko." tumingin ako sa kanya, at nakangiti lang siya. "oh siya, labas na tayo baka nag tataka na ang mga lalaki na iyon bat ang tagal natin, bayaan mo hanggat nandito kami pprotektahan namin kayong dalawa" niyakap ako ni Ashianna at lumabas na kami.
Nakita namin sila na nasa labas ay may ginagawang malaking bilog kung saan pinapasok nila ang bola dito, malamang ang pasimuno nito ay walang iba kundi si Zyndrus. Nakakatuwa dahil madami akong natututuhan kahit papaano sa lalaki na ito, kahit na sobrang pilyo, maasahan mo naman sa mga oras na kailangan mo ng katulong at papasiyahin kapa. Siguro sa mundo nila may karelasyon na ito. "ARAY! MAG DAHAN-DAHAN NAMAN KAYO! NAKAKATAMA KAYO NG BOLA EH!" pagkasabi ko nito ay nag peace sign si Zyndrus, kaya sa inis ko pumasok nalang ulit ako at nag handa ng mga kakainin namin mamaya.
Zyndrus PoV
"Kakaasar laro natin! laging si Zyndrus nananalo wala man lang akong naipasok kahit isa!" reklamo ni Krytus. "paano kasi inuuna mo kayabangan mo, puro tira mo kundi lagpas sa ring kapos naman" wika ni Peter. Kaya tinignan naman ng masama ito ni Krytus.
"wag na kayo mag-away, tuturuan ko nalang kayo ng iba pang mga moves para masabayan ninyo ako, baguhan palang kasi kayo naglalaro kaya ganun, ganyan din ako noon wag kayong mag-alala. Papakilala natin sa Hemist ang larong ito kaya tulungan ninyo ako, para hindi puro digmaan ang iniisip ng mga tao rito, magkaroon man lang sila ng pampalipas na gawain katulad ng paglalaro ng Basketball. Libangan kung tawagin." agad namang sumang-ayon ang mga ito sa plano ko, kaya hindi magiging mahihirap sa akin ipakilala ang larong ito, sa lugar kasi namin ay bawat malalakaran mo may mga basketball court, kung wala naman may mga ring sa labas ng kanilang mga bahay, tradisyon narin ng mga tao sa mundo ko ang paglalaro ng basketball.
Kumakain na kami ng saging at kape, ito ang meryenda namin na inihanda ni Olivia at Ashianna habang kami ay naglalaro, nakita kong namamaga ang noo ni Olivia dahil natamaan ko ito ng bola, dahil hindi nasalo ni Peter ang bola pagkapasa ko. Kumuha ako ng yelo, at iniabot ito kay Olivia, hindi pa ako nakakalapit ay tinarayan na ako nito, at naglakad padabog palayo sa akin.
"ahh Olivia--"
"PWEDE BA ZYNDRUS! NANG GIGIGIL NAKO SAYO EH! GUSTO KO NANG BALIIN YANG MGA BUTO MO SA KATAWAN! KUNG HINDI MO AKO AASARIN SASAKTAN MO NAMAN AKO PISIKAL, ANO BA! HINDI KANA NAKAKATUWA AHH!" tinakpan ko ang aking tenga dahil sa pasigaw na salita ni Olivia, hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko, nandito na nga ako para gamutin yung namumula niyang bukol sa noo. WAIT BUKOL? NAMUMULA? HAHAHAHAHAH SA GITNA PA NAMAN PARANG THIRD EYE. Hindi ko napigilang tumawa, kaya nabatukan niya ako. at patuloy parin ako sa aking pagtawa dahil sa aking naisip na kalokohan. Umalis na ulit si Olivia sa harap ko at lumabas ito.
"Olivia, pasensya na kung natamaan ka ng bola sa noo, tapos namumula at may bukol kapa. Pasensya kana kung hindi ko napigilang hindi tumawa ah" dahan-dahan akong lumapit sa mukha niya, para idampi dahan -dahan sa bukol niya. "aray!" nag peace sign naman ako, at mas lalo akong nagingat sa pagdampi ng yelo sa noo niya.
"sorry ulit" pag katapos ko itong sabihin sa kanya ay akmang aalis na ako kaso bigla niya hinila ang kamay ko. "dito muna tayo saglit, may sasabihin lang ako sa'yo" wala akong nagawa kaya bumalik ako sa tabi niya, at niyakap ako.
"hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito saiyo, nasa panganib ang buhay mo sa lugar na ito, dahil ikaw pala ang nag mana ng kapangyarihan ng dating nagligtas sa kaharian na ito, at isa siyang demigod. Sobra akong nag-aalala sayo, paano kung isang araw bigla nalang may pumatay? paano kung isang araw, hindi kana makauwi sa bahay natin?---"
"shh, Hindi ako mamamatay ng walang rason, wag kang masyadong mag-alala sa akin, hanggat nandito ako pprotektahan ko kayo. Sa tingin mo madali akong mamatay? tandaan mo wala sa bokabularyo ko ang salitang--"
"PAGSUKO" sabay namin ito binigkas, at nginitian ko siya.
"wag mong sabihin gusto muna ako?" pagkasabi ko noon kinurot niya ako sa tagiliran kaya napatayo ako at nag tatatalon dahil sa sakit. AMAZONA TALAGA! NAKAKAINIS!
"Mas gugustuhin kong mamatay ng lumalaban, kesa ibahag ko ang buntot ko at takasan itong mundo na ito. Magtiwala ka sakin. Kung totoo man na ako ang magiging bayani dito? I will save you from this nightmare, Olivia."
Nagumpisa na ang pag patak ng luha ni Olivia, at banayad ko itong pinupunasan...
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The White Knight in Hemist
FantasyOnce upon a time, in the City of Manila, there lived a man named Zyndrus Doff Fahrent, 17 years of age. SUDDENLY he went to a kingdom that was very rich, a kingdom that no other kingdom despised. Who are the people in this kingdom? What will be...