4

2 1 0
                                    

Olivia PoV


May lumabas na Yellow-Red na Aura kay Zyndrus. pagka sipa niya kay Alex.

ISANG AURA NA NAPAKALAKAS! 

hindi kaya siya na ang hinahanap namin? sana nga...


"ate! nakita mo ba yung ginawa ni kuya Zyndrus, ang galing niya!" ngumiti na lamang ako kay Andrew dahil oo namangha din ako kay Zyndrus para siyang si papa hindi nag papadaig, hindi niya kami hinahayaan na saktan ng iba. 

"nako Andrew hindi naman masyado mokong pinupuri" sabi naman ni Zyndrus, lalaki nanaman ulo nito, kaya ayaw kong pinupuri mga lalaki.

Zyndrus PoV

Hindi ko alam kong paano ko yun nagawa, oo alam kong magaling ako makipag basag ulo samin pero iba yung kanina kala ko kamatayan kona kanina dahil naging bakal yung kamay nung lalaki, bat ganun? may kapangyarihan din kaya si Olivia, may kapangyarihan din ba mga ibang tao na nandito. 

Habang nag lalakad kami ay may sumalubong saming mga kabalyero at kawal, tuwang-tuwa naman si Andrew kasi gusto niyang maging katulad ng kanyang ama.

"gusto mo talaga maging katulad nila?" turo ko sa mga nag lalakad ng kawal "ayaw mo bang maging doctor, abugado, o kahit arkitekto?" tanong ko naman kay Andrew."ayaw ko kuya, hindi ko naman gusto yun" tumango na lamang ako, baka talaga ayaw niya talaga.

Pag karating namin sa bahay ay kumain na kami ng almusal nag kwento naman si Andrew ng mga plano niya kapag lumaki na siya. 

"alam mo ba kuya na ang ginto na 5 piraso ay pwede ka nang makabili ng lupa at bahay dito?" nagulat naman ako sa sinabi niya. "ayaw kong umalis dito, iipunin ko nalang ito tapos papagandahin natin itong bahay nyo" nakita ko naman si Olivia na ngumiti. 

"oy ikaw Olivia ah ngiti-ngiti ka dyan" tinignan ako ng masama nito kakatakot naman nito, mamaya lumabas nanaman espada nito tapos isaksak nalang niya ito sakin. "nagbibiro lamang ako wag mokong saktan bata pa ako" sabi ko dito at nag peace sign na lamang ako.

"promise ni kuya sayo na ipapagawa natin tong bahay niyo, bibili lang ako ng mga gamit na gagamitin ko sama kaba Andrew? ikaw Olivia? tanong ko naman sa kanila. 

"sige po kuya sasama po ako! Sama kana din ate para naman hindi kami minamaliit ng mga tao dun sa bayan, mamaya isumbong kami nung Alex sa mga kaibigan niya na tiga bayan" sabi naman nitong ni Andrew. "ano kaba Andrew kaya natin yun! tayo paba? pero kung pwede naman natin iwasan na makipag away iiwasan natin" sabi ko naman kay Andrew baka kasi maging basag ulo ito kapag lumaki na siya at isipin na tama ang manakit ng mga taong hindi naman kaya siya.

"kaya naman pala ni kuya Zyndrus mo eh, hindi nalang ako sasama" sabi naman ni Olivia.

 "teka tinawag mo ba akong Kuya Zyndrus? sana ganyan ka nalang kabait lagi" sabi ko naman dito at tinitigan nanaman ako ng masama at tumayo siya hinila niya pataas ang tenga ko.

"ARAY ARAY! ansakit! para kang laging may dalaw" sabi ko dito. at nilayasan na niya kami kaya tumawa na lamang kami ni Andrew. 

"Andrew maligo kana, aalis na tayo" sabi ko naman kay Andrew at tumakbo naman ito papasok ng CR. Ang sarap pala maging kuya bat yung kuya ko hindi.

Pag katapos nitong maligo ay pumunta na siya siya sa kwarto ng tatay niya kinuhaan ako ng pwede kong suotin. Pagkatapos nitong kuhaan ako ng damit ay naligo na din ako, nagbihis na ako at pumunta ako sa kwarto ni Olivia.

"Olivia sama kaba sa amin?" sabi ko habang nasa labas ako ng kwarto nito. Bumukas ang pinto at lumabas si Olivia. "tara sasama na ako, baka may makita ako na dapat bilhin" napangiti naman ako dahil ngayon lang ito hindi nagalit. Laging galit lola niyo eh.

Palabas na kami upang makapunta sa bilihan ng mga gamit, may suot na akong underwear.

"Ano ba gusto mong bilhin Andrew para mabayaran ko na yung pilak na binayad natin dun sa tinapay" sabi ko kay Andrew. "bili nalang tayo kuya mga pagkain para sa bahay, para kapag wala nang pagkain may imbak tayo" sabi naman ni Andrew, napangiti ako sa sagot niya kasi akala ko sasabihin nito gusto ko po ng laruan. Ganito din mindset ko kaya natutuwa ako sa kanya nakikita ko kung ano ako dati nung bata ako. 

Bumili na ako ng mga damit, mga gagamitin ko sa pang araw-araw at dinagdagan ko na din ito para sa bahay. Bumili kami ng mga pagkain kaya ang dami na naming dala, buti nalang nakakita si Andrew ng kakilala na may kalesa kaya inilagay muna namin ang mga pinabili namin dito.

"Hala ang ganda" kinuha ni Olivia ang kwintas at singsing, "gusto mo ba yan?" sabi ko dito kasi ngumiti siya dito,  at alam ko na kapag gusto nila ang isang bagay nagiging maamo mukha nila. Tinignan lang ako nito at umirap "hindi no! hindi naman kita jowa!" sabi nito sa akin. 

Umalis na siya at binili ko ang gusto niyang alahas, at umuwi na din kami. Dahil gutom na din kami at mag gagabi na wala pang mga pagkain dun sa bahay.

Kinabahan naman ako kasi si Olivia na yung nag luluto, sabi pa naman ni Andrew na minsan maalat minsan walang lasa. nagulat nalang ako sumigaw siya "aray". hinawakan ko yung braso niya na napaso, kumuha ako ng toothpaste at pinahiran ko ito. "ako na magluluto, umupo ka nalang dyan wag ka nang pumalag kasi pipitikin ko pa noo pag kumulit ka" sunod na sunod kong sabi dito kaya napanguso nalamang siya umupo sa may upuan.

Nagluto ako ng gulay kasi gulay niluluto nito kung ano-ano nalang pinag lalagay ko dahil hindi ko naman alam kong ano bang lulutuin dapat nito ni Olivia. Nagsaing nadin ako para may kanin, konti lamang kasi hindi sila gaano nakain ng kanin ako lang nakain.

"kakain na tayo" tawag ko sa kanila at nag handa na din sila ng mga plato at kutsara.

"sa susunod Olivia, ako na mag luluto wag ka nang makulit ah. Ayoko may nangyayaring masama sayo kasi ako lang matanda na kasama mo, kapag may nangyari sayo hay nakoo" napanguso nalang si Olivia at tumango ito. 

Pagkatapos kumain ay si Olivia na ang nag hugas, habang nag huhugas siya ay pumunta ako dito at tinabihan siya.

"ohh, regalo ko sayo" napangiti naman siya at niyakap ako. 

"salamat Zyndrus, matagal ko na itong gustong bilhin pero hindi pwede kasi wala kaming makakain sobrang salamat" niyakap naman ako nito ulit. 

Nilagay ko naman sa kanya ang Kwintas at ako nadin nag suot ng singsing pag katapos niyang mag hugas.

TO BE CONTINUED...

The White Knight in HemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon