Prologue

31 4 6
                                    


Zyndrus PoV

"hoy ampon, gising na papasok na" sigaw ng aking kapatid na walang kwenta.

siya si Kuya Xyrus Fahrent at ako ?

 Ang pangalan ko ay Zyndrus Doff Fahrent. My age? 17 years old and my kuya is 19 yeah year lng ang tanda niya sa akin. Isa lang kaming simpleng mamamayan, nakakapag aral sa paaralan,nagkakaroon ng mga kaaway, at nag kakaroon ng crush. 

Habang nag lalakad kami papuntang iskwela nakita ko ang aking iniirog na si Crishna Xyre West. Siya ang pinaka maganda sa buong campus namin, 

 "Diba ayun yung crush mo?" Bulong ni kuya Xyrus

 "Yeah ang ganda niya shit" 

"BABAENG NAKA PINK NA BAG AT SUOT ANG UNIPORME NAMIN! CRUSH KA NITONG KAPATID KO, TULI NA TO KAYA NA BUMUHAY NG SAMPUNG BIIK" sigaw ni kuya.lumingon naman si Crishna at napangiti ito at tumayo ito tila hinihintay kami. 

"T***i*a mo kuya, pag tayo hinintay niyan susumpa ko di ka mag ka jowa" 

"Wag kang ganyan bawiin mo sinabi mo!" Agad naman akong tumakbo, at tumakbo din siya dahil sa sobrang inis sakin nabato niya ang wallet niya na walang laman.tanging Condom lang. Nang malapit nako kay Bebe ko ay di ko namalayan na nag lalakad nadin pala siya papunta samin, sa sobrang bilis ng takbo ko pag lingon ko ay BOOOMMM!!!"SHALALAALA LALALAA~" (kanta yan ah. hehe )

Napahiga kami sa kalsada at nakapatong ako sa kanya dali dali akong tumayo dahil baka nabagok siya, at di na niya ako maalala.

 "Miss okay ka lang?" Cold kong tanong dito.

 "Yeah, okay naman ako medyo masakit lang likod ko, hmmm schoolmates pala tayo? Sabay na tayo pumasok" sabay ngiti niya Wag kang ganyan baka pakasalan kita bigla 

 "Hmm nope mauna kana, sasabayan ko si kuya baka mag bulakbol pa eh" saad ko. 

"Ahhh... Ganun? Okay sige" ngumiti siya sakin, at tumalikod.

 "Wait! Hmmm Zyndrus Fahrent" nilahad ko ang kamay ko. Pero di niya ito hinawakan."Chrishna West" sabay talikod sakin.

 ~~~~~~SCHOOL~~~~~~ 

"Oy pre may assignment kana sa Gen Math?" Tanong ni Diux Ryan Alonzo sakin isa sa kaibigan ko. 

"Shut up wag mokong kausapin" sabi ko sabay yuko sa upuan. 

"Zyndrus niyo broken" sigaw ni Felix Primo na isa ko din na kaibigan. 

"Nyare sayo brad? sadboi kaba?" sabi ni Felix sabay tawa. 

"Pwede bang manahimik kayong dalawa" lumabas ako ng classroom at pumunta ako sa CR. 

 "Ijo, pwede mo bakong dalhan ng bangko at tubig?" Sabi ni lolo sakin 

 "Lolo, badmood poko pwede po sa iba nalang?" 

"Ijo, hindi nako makahinga at ikaw lang ang nasa labas kahit painumin mo lng ako" lumapit sakin ang matanda at hinawakan ang uniform ko. 

"Lolo, hintayin moko dyan ahh" agad akong kumuha ng upuan sa kabilang room, at nang hingi nadin ako ng tubig na di pa naiinom ng mga babae dito. hayss basta pag pogi okay goods sila.

 "Lolo ito napo oh,wait lang po ah punta lang ako sa cr" agad naman akong nag lakad pagkabigay ko sa kanya ng mga hinihingi niya.

 "Ijo! Dahil mabuti kang bata, bibigyan kita ng isang gantimpala na sayo ko lamang ibibigay" sigaw nito at lumapit ako sa kanya, may ibinigay siyang bato na jade ang kulay at sa loob ay may diamond. 

"Ano naman po gagawin ko dito lolo? Pwede po ba itong isangla?" Wika ko habang natawa."Ijo,kapag nais mong makapunta sa aking kaharian, ayan ang susi tumingin ka lamang sa salamin, kahit anong salamin ay makakapasok ka na sa kaharian ko. Pero, bago ka lumabas may dapat ka munang tapusin na misyon" pag katapos niyang Sabihin to agad naman siyang nawala.

"ano naman kaya ang gagawin ko sa bato na ito?"  agad akong bumalik sa classroom. saan ko naman ito gagamitin? paano ko ito mapapagana? tanong ko sa sarili ko habang nag lalakad pabalik sa classroom.

"ijo! upang ganap mong magamit ang bato na iyan, ang iyo lamang gagawin pumunta ka sa isang tahimik na silid, at pumikit ka habang hawak mo iyang bato na ibinigay ko, wag kang didilat! dahil kapag dumilat ka ng wala pang kumakalabit sa iyo, sa ibang kaharian ka mapupunta!" wika nito sa akin, bigla bigla na lang siyang nasulpot hayss nakaka gulat yun,

"lo, paano po kapag ayaw ko pong pumunta sa inyong kaharian?" sabi ko dito, "dapat mong ibigay yan sa karapat dapat, at kapag naibigay mo ito sa maling tao. ikaw ang mapaparusahan" agad naman akong napa atras sa sinabi niya, sino bang nais maparusahan? gusto ko pang mabuhay madami pakong pangarap, gusto ko pa ng 10 anak syempre biro lang,.

"sige Lo gagawin ko ang inyong sinabi ko sinabi mo" pag kasabi ko nito agad siyang nag laho. Haysss! paano na pamilya ko, yung crush ko, mga pangarap ko. bahala na. gagawin ko nalang ang dapat na gawin.

bumalik nako sa aming classroom, ito na siguro ang huling beses ko na makikita ang aking pinakamamahal na paaralan, ang mga  kaklse ko, mga teachers, mga kaibigan. mag papaalam ba ako o wag nalang? wag nalang siguro hindi naman ako gaano napapansin ng iba eh.  

Uwian na at nag mamadali akong sumakay sa jeep dahil dami nanamang mga istudyante ang nag aabang, nakipag balyahan ako, may nasiko akong mukha.... pag ka lingon ko .... yung kaklse ko na nerd na babae! agad akong bumaba upang alalayan ito at kunin ang mga librong nahulog at syempre ang kanyang salamin

"okay ka lang ba?" tanong ko dito, tumango lamang siya at umakyat na din sa jeep. 

Hala! nadugo yung ilong niya. nilahad ko ang aking kamay na may bimbo upang punasan niya yung dugo syempre. "oh punasan mo yung dugo sa nose mo" tinignan lng ako nito dahil mag katapat lamang kami ng upuan sa loob ng jeep. tinigna ko siya ng masama dahil na ngangalay na ako. tinanggap niya ito ay ipinunas niya sa kanyang ilong. "thanks" sabi nito at ngumiti. ako naman ay walang reaction.

Nakababa na ako ng jeep, binilisan ko ang aking lakad upang magawa ko ang sinasabi ni lolo. 

"nandito na po ako" nag mano ako kay mama at umakyat agad ako sa kwarto,naligo at syempre nag ayos na din ako ng suot ko baka kasi sando at boxer lng masuot ko. ginawa kona ang pinapagawa ni lolo, pumikit nako ako. at BOOOMM! sumigaw si mama. inuutusan ako bumili ng toyo para sa adobo na ulam. badtrip.

Agad naman akong bumaba upang bumili ng pinapabili ng aking ina na napaka ganda.

Nasa bahay na ako at agad ko naman inabot kay mama ang toyo na pinapabili niya. Umakyat na ako sa aking kwarto upang gawin ang pinapagawa ni lolo, dahil OO curious din ako sa kaharian na sinasabi niya. 

Halos 2 oras na akong nakapikit at hawak ang Jade na ibinigay ni lolo, ay agad may humawak saking balikat, hindi muna ako dumilat baka kasi ay si kuya lang ito, nang humarap siya at hinawakan ang aking mukha ay dun ako dumilat upang tignan kung sino nga ba ito.

Agad akong namangha sa ganda ng babae na kaharap ko, para siyang diwata. 

"Welcome In Hemist" bangit ng binibini na aking kaharap 

At agad niya akong hinalikan. napahawak ako sa likod niya at ginantihan ko ito ng halik din, ano siya lang? nang matapos ang mainit na halikan na iyon.

Bigla siyang dumilat, at ngumiti sakin. Tumayo ako at nilahad ko ang aking kamay upang alalayan siyang maka tayo. 

Nang biglang.....


The White Knight in HemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon