"Glimpse of the Star"
"You failed this sem again, Ms. Rodriguez."
My teacher sighed and sat on her chair again. Napayuko lang ako sa sobrang kahihiyan. Pangawalang beses ko na 'tong bumagsak, buti na lang mabait itong si Ma'am Ria sa 'kin at pinagbibigyan ako laging makahabol. hayss.
"May problema ka ba, Ms. Rodriguez?" she look so worried. I sighed and fake a laugh.
"Nako wala po Ma'am, wala po.." tanggi ko.
"You are one of our best students before," she sigh again "Sana mabalik mo 'yon, anak" she smiled.
"I'll try Ma'am." I nodded and gave her a small smile.
Sa totoo lang, wala naman talagang problema. Siguro, napagod lang akong maging magaling. Napagod akong gawin yung best ko, kasi wala namang may pake sa mga achievements na natatanggap ko.
"You may leave this area.." Isinenyas pa ni Ma'am ang pintuan. I gave Ma'am Ria a small smile before leaving her room.
Napasandal ako sa pader ng makalabas ako. I tap my forehead and released a heavy sigh. Isang semester na lang, pag bumagsak pa 'ko.. Wala na. Maka-graduate na nga lang yung goal na gusto kong ma-achieve, mukhang hindi ko pa makukuha.
"Laine!!!!!"
Kunot noo kong pinanood si Nessa na tumatakbo papalapit sa 'kin ngayon! Halos madapa dapa s'ya sa pagtakbo, makalapit lang sa 'kin. May ilang studyante pa s'yang nababangga na pinupukulan s'ya ng masamang tingin. Nang makalapit s'ya ay muntikan pa s'yang madulas sa floor kaya natatawa ko'ng hinawakan agad ang kamay n'ya.
"Anong meron?" Takang tanong ko. Parang sobrang saya n'ya kasi.
"May--" she exhaled "May ano--" she exhaled again "May.. may.. may tubig ka ba dyan?" I sighed in disbelief.
Iiling iling pa akong natawa at saka inabot sa kanya ang bottled water na binili ko kanina sa canteen bago ako pumasok sa department office ni Ma'am Ria.
"Tuloy mo na, ano ba 'yon?" Huminga pa muna s'ya nang malalim bago sumagot.
"May mall show 'yong crush ko'ng artista dyan sa sm manila mamaya, tih!" Kilig na kilig n'yang anas habang wini-wiggle wiggle pa ang balakang.
"Sino do'n?" takang tanong ko, ang dami n'ya kasing crush na artista, amp.
"Si Yeshua Marquez ayieeeeeee" Para s'yang nangingisay na naman sa kilig!
"Ha?? sino naman 'yon?" Wala akong kilalang artista na gano'n e.
Sila John Lloyd at Piolo lang yata ang kilala ko.
"Actually, baguhang artista pa lang s'ya. Ni-launched lang nung last sunday sa asap yung group nila. Ang B-F's!! achhk--" I cover her mouth to stop her from screaming! High pitch pa naman 'tong babaeng 'to! Ang sakit sa tenga!
I pulled her away from Ma'am Ria's Department office, at ngayon ay nakaupo na kami sa tambayan namin dito sa campus, malapit sa canteen.
"Ano 'yon ulit? B-F's?" I asked, confused.
"Yes, tih!! B-F's!! As in.." she gasped "BOYFRIENDS!!! oh my! oh my!! oh my!!" she acts as if she is going to die. Napasinghal ako ng tawa.
YOU ARE READING
Glimpse of the Star (EUPHORIA series #1)
Teen FictionEUPHORIA series #1 Two people who are both looking for their purpose in life, but when they find it they lose the purpose of staying for each other. A simple life of Laine Adira M. Rodriguez, will change when she met the rising actor.. Yeshua Mizar...