•15

10 2 0
                                    

"Ayoko na."

"What do you mean?" He confusedly asked.

"Nakikipaghiwalay na 'ko." I clearly said.

"W-why?" Ako mismo yung nadurog ng marinig ko ang pangangatal sa boses niya.

"H-hindi na ako masaya.." Pinigil kong tumulo ang mga luha ko. Oo, pipigilan ko.. ayaw kong umiyak sa harap niya "I no longer know what is true and what is not. why can't i feel the sincerity of your 'i love you'?"

"But i love you, Laine. I really do" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat pero nanatili akong nakayuko.

"Hindi ko nga maramdaman!" Marahas kong tinanggal ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa balikat ko "Sometimes, words are not enough to express what you feel, Yeshua!! Kahit paulit ulit mong sabihing mahal mo 'ko ngayon, kung hindi ko nararamdaman sa bawat salitang yun na mahal mo ako. Wala rin!" Alam ko, hindi siya marunong mag-express ng nararamdaman niya pero tang ina naman! Mag-effort man lang siya.

"I'm sorry.." Napayuko na lang siya dahilan para lalo akong makaramdam ng inis!

"I said words are not enough to express what you feel. If you were sorry, so what?? i can't feel!" I put my hands on my chest. He continue sobbing and the next thing he did, he walked towards me and gave me a tight hug.

"I'm sorry." He wispered and gave me a peck kiss on my cheeks.

"Tama na Yeshua, nahihirapan na akong makisama sa mundo mo. Ang hirap.. ang lawak lawak n'ya para sa isang katulad ko. Thank you for your love, and if you really love me.. let me go." I tapped his shoulder, sign na gusto ko ng bumitaw sa pagkakayakap niya.

"Please.. 'wag break up, baby. Hingin mo na lahat sa 'kin 'wag lang yun... i need you now." Dumausdos pa siya paluhod sa harapan ko at hinaplos sa basa n'yang pisngi ang kamay ko.

"I also need myself now.." nasasaktan ring anas ko habang diretsong nakatingin sa kanya. "Palayain mo na 'ko.. sa una lang tayo masasaktan--"

"No!" Yumakap naman siya sa baywang ko at doon humagukhol ng iyak. "I need you, Laine"

"Don't love a girl because you need her. Love a girl because you love her. Tama na please, ayoko na.." Bumitaw na ako sa pagkakayakap niya kahit nagmamatigas pa siya.

Ngayon ko mas nakita ang itsura niya, pulang pula ang mukha niya sa sobrang iyak at naglalabasan ang nga litid niya leeg sa sobrang pag-hikbi. Basang basa ang pisnge niya ng mga luha niya.. nakakaawa. Pero mas naaawa ako sa sarili ko kung ipagpapatuloy ko 'to.

"Give me a damn reason kung bakit kailangan nating maghiwalay! Kahit isa lang--"

"Pa-ulit ulit ka naman e! Hindi na nga ako masaya! Hindi ko na maramdaman yung sincerity sa mga salitang binibitawan mo at sa mga kilos na ginagawa mo!" Hindi naman siya naka-imik agad at patuloy lang sa paghikbi "N-nung mga oras na kailangan kita para samahan akong lumaban sa r-relasyon natin.. nasan ka ha? Nandun sa condo mo, nagmumokmok!! Alam mo ba yung pakiramdam ko nun ha!? Pakiramdam k-ko.. iniwan mo akong mag-isa sa laban. P-pakiramdam ko.. pinabayan mo 'ko! Tapos ngayon, sasabihin mong kailangan mo 'ko!?" Hindi siya nakasagot.

Glimpse of the Star (EUPHORIA series #1)Where stories live. Discover now