I don't know why every time I look at the sky to see the stars I only see a moonlight.
Even a star.. a one star, i could find nothing. I only see the moon. I don't know kung may tampo ba yung mga kamag-anak ko na namatay na, sabi kasi nila, 'di ba? Kapag namatay ka raw.. kabilang ka na sa milyon milyong bituin sa langit.
Now, i look up at the sky again. Waiting for a star to show up, but there is none. Wala na ba talagang pag-asa na may magpakita sa 'kin na star? I sighed and continue to walk.
Kanina, hindi ko nasagot ang tanong ni Yeshua. Hindi na rin naman siya umimik noon at hinatid na lang ako dito sa may kanto namin. Until now, napapaisip pa rin ako kung ito na ba yung last o ending namin. Baka nga ito na.
Wala talaga kasi sa isip ko ang pag-aasawa at pagpapamilya sa ngayon. Sabi nga nila, once na maging teacher ka, matutuon na lang sa pagtuturo ang atensyon mo. Majority nga ng teachers dito sa pilipinas, matandang dalaga. Baka, ganon na lang din ako?
Nangmaka-uwi ako sa 'min ay hindi ko inaasahang may bisita pala kami ngayon. Sabay sabay napatingin sa 'kin sila Mama at Papa na magkatabing naka-upo sa sofa, at si Kuya naman ay naka-cross arms habang nakatayo sa likuran nila Mama. May isang babae ang naka-upo sa harapan nila na dahan dahang tumayo at tumingin sa 'kin.
"Laine..." She smiled at me.
Nagpapalit palit ang tingin ko kila Mama, Papa at Kuya at kay Tita Nena, Yeshua's Mom.
"Pwede ba kitang maka-kwentuhan?" Nakangiting tanong pa ni Tita sa 'kin.
Tumingin ako kila Mama bago tumango, naglakad kami papunta sa gilid ng tindahan nila Mama kung nasaan ang garden area na tinataniman nila Mama ng halaman. May tatlong upuan duon at mesa.
"Upo po kayo," Nahihiyang sabi ko sa kaniya. Nakatingin lang kasi siya sa 'kin habang nakangiti.
"Salamat.." Naupo na siya at gano'n din ako "Kumusta ka?" Nakangiting tanong niya sa 'kin. I don't know why pero bigla akong nahiya sa kaniya.
"Okay lang po, kayo po Tita?"
"Mabuti naman ako, nagpapagaling pa rin. Pero.. aaminin ko sa 'yo, iha. Malungkot ako," Nagpigil siyang umiyak at nanatili ang ngiti sa mga labi niya "Malungkot ako, hindi para sa sarili ko kundi sa anak ko.." Doon na tumulo ang luha sa mga mata niya.
"I'm sorry po.." Napayuko na lang ako. Alam ko na agad yung tinutukoy niya.. yung pag-iwan ko kay Yeshua noon, oo, kaya dapat lang na mag-sorry ako.
"Hindi.. hindi ako naparito para sisihin ka o sumbatan ka, o magmakaawa sa 'yo para sa anak ko.." Hinawakan niya ang mga kamay kong nakapatong lamesa at nakangiti pa rin niya akong tiningnan habang tumutulo ang luha niya "..iha, noong dumating ka sa buhay ng anak ko, sobra sobra ang pasasalamat ko sa 'yo nun" She genuinely said, "Ayoko ko kasing matuon na lang ang atensyon n'ya sa pag-aartista, sa paghahanap ng pera sa amin. Gusto kong mabuhay pa rin s'ya ng normal"
Nagpunas siya ng luha niya at ganoon din ako. Hindi ko alam kung saan pupunta itong usapan namin ni Tita, matagal ng buo ang desisyon ko na ayoko ng pumasok sa mundo ni Yeshua.
YOU ARE READING
Glimpse of the Star (EUPHORIA series #1)
Roman pour AdolescentsEUPHORIA series #1 Two people who are both looking for their purpose in life, but when they find it they lose the purpose of staying for each other. A simple life of Laine Adira M. Rodriguez, will change when she met the rising actor.. Yeshua Mizar...