•8

23 4 3
                                    

"Where do you want to go first?"

We're walking now beside Lion's head. Kinuhanan n'ya rin ako ng litrato sa tabi no'n kanina, suot ko rin yung extra jacket na dala n'ya kasi expected na raw n'ya na wala akong idea sa pupuntahan namin kaya nagdala s'ya for me. Buti na lang talaga, kasi sobrang lamig ng klima ngayon! Kanina pa nanginginig labi ko sa sobrang lamig e.

"W-wala naman akong alam dito, i-ikaw na bahala.." I smiled after saying that, sobrang nanginginig na kasi ang labi ko.

"Hey, are you okay?" He asked, worriedly.

"O-oo, okay lang ako" I laughed pero nagtunog pilit dahil sa panginginig ng labi ko.

Hindi naman kasi talaga 'ko sanay sa lamig e, kila Nessa ko nga lang naranasan yung aircon.

"Here," Inabot n'ya sa 'kin ang suot n'yang jacket. Nang titigan ko lang 'yon ay s'ya na ang nagsuot sa 'kin.

"P-pano ka?" Tanong ko habang sinusuot n'ya sa 'kin yung jacket n'ya.

Naka-sweat pants na grey at white plain shirt na lang s'ya ngayon! Lalamigin talaga sya nyan.

"I'm fine" He gave me an assuring smile "You look like a penguin now" he laughed. Masama ko naman s'yang tiningnan. At mas lalo lang nung pinalakas ang pagtawa n'ya.

Binaling ko na lang yung tingin ko sa Lion's head at medyo natagalan ang pagkakatitig ko kaya napansin yun ni Yeshua.

"What are you thinking?" he asked, his brows furrowed.

"Wala! In-imagine ko lang yung Lion's head na nabuhay, tapos kakainin ka n'ya buhay!" I rolled my eyes and walked closer to the Lion's Head.

Dati, naalala 'ko. May field trip sila kuya dito sa baguio. Pero dahil kailangan ng guardian, pinasama n"ya si Mama. May program din noon sa school namin at kailangan dalhin ang mga nanay sa school. Pero mas pinili ni Mama na samahan si Kuya sa field trip n'ya dito kasi hindi pwede si Papa dahil walang magbabantay ng karinderya. Hindi na lang ako pumasok noong araw na yun, aasarin lang ako ng mga kaklase ko na kesyo wala akong Mama o hindi ako mahal ng Mama ko.

Pagka-uwi nila Kuya at Mama, ipinakita n'ya sa 'min ang pictures nila Mama sa tabi ng Lion's Head. Pansin kong ibang iba na ang itsura ng Lion's Head ngayon. Ibang iba sa litrato nila Mama, hindi na s'ya mukhang Lion ngayon.

"What are you thinking now?" Yeshua asked, seryoso na. Nasa tabi ko s'ya at nakapamulsa habang nakatingin din sa Lion's Head.

"Wala.." I looked up so that my tears wont fall. Nakakahiya kay Yeshua 'pag nakita n'ya yun.

"I always did that before," He said, nagtataka ko naman s'yang tiningnan "But i realized, i should not stop my tears to fall, just to show to everyone that i'm strong." He sighed, but he's smiling.

"Hindi naman ako naiiyak ah" Sinubukan kong tumawa. He looked at me and he laughed. Ano naman nakakatawa?

"Really, huh?" Nagulat ako ng hawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luhang bumagsak doon.

Lah! Ba't 'di ko napansin na umiiyak na 'ko??

"Shhh it's okay," He gave me a sweet smile before giving me a tight hug "It's so cold here." Ramdam ko ang panginginig ng katawan n'ya sa sobrang lamig kaya hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

Glimpse of the Star (EUPHORIA series #1)Where stories live. Discover now