Third Person POV
[Do your best, anak!]
"I will, Mom. Bye" The call ended and Yeshua came back in the dressing room to finish his make-up.
Ito ang first mall show ng grupo nilang BOYFRIENDS. Kaka-launched lang sa kanila sa asap nung nakaraang linggo at dahil mga baguhan pa lang ay kabang kaba ang lima.
Yeshua's Mom called him earlier para pagaanin ang loob nito at kulitin na rin para sa love life ng kaniyang anak. Dati siyang sikat na sexy star noong 90's at nalaos ng mabuntis siya, pero hindi niya pinagsisihan na biniyayaan siya ng anak ngunit kinuha naman ito sa kaniya ng nakabuntis sa kaniya. Kaya hindi na siya nakabalik pa sa pag-aartista at inantay na lang ang pagbabalik ng kaniyang anak.
Habang nag-aantay na mapadami ang tao sa labas ay biglang pumasok sa dressing room ang baklang host ng mall show na ito.
"Nakakaloka! I can't believe na ganitong show lang pala ang attend-an ko! Mga hindi naman pala kayo sikat!" Inis pang bulalas nito sa lima.
Hindi sila umimik at napayuko lang. Walang nagsalita hanggang sa bumalik na ulit yung baklang host sa stage at pinakilala na ang grupo nila Yeshua.
Hindi malaman ni Yeshua kung bakit napupunta ang tingin niya sa babaeng nakayuko lang habang hawak ang strap ng bag nito. Nang i-angat nung babae ang tingin niya ay nagtama ang tingin nila ni Yeshua at hindi na nga napagilan pa ni Yeshua ang mapangiti.
After their performance ay nagpahinga lang sila saglit para naman sa meet and greet. Hindi inaasahan ni Yeshua na makita ulit yung babae na nag-sisintas ng sapatos niya sa gilid.
Bigla niya ng naalala yung sinabi niya sa Mommy niya kanina.
"Okay mom! if i saw a girl that fixing her shoe lace.. she's gonna be my girlfriend"
Sumilay ang matamis na ngiti sa mukha niya ng magtama ulit ang tingin nilang dalawa.. napatanong pa siya sa sarili niya kung normal bang kiligin ang isang tao sa isang stranger?
"You're cute"
Sabay na namula ang pisngi ng dalawa at nagkahiyaan pang tumingin sa isa't isa. Kinunan pa sila ng litrato ng kaibigan nung babae at nung gabing 'yun ay nakita ni Yeshua yung post dahil naka-tag ang page ng kanilang grupo doon. Napangiti siya ng makita ang picture at pa-ulit ulit pang zi-noom in sa mukha nung girl na halatang hindi prepared
Simula ng araw na 'yun ay hindi na mawala sa isip niya yung babae.. hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita sila ulit.
Galing sa taping ay naghanap ng makakainan si Yeshua para sana ma-shake it off ang galit na pinaramdam sa kaniya ng director kanina bilang motivation sa kaniyang eksena.
Pero hindi niya inaasahang imbis na ma-shake it off ang galit niya ay nadagdagan pa ito dahil sa nakaka-iritang babae sa karinderya.
"Stop staring at me"
Malamig na pagkakasabi ni Yeshua doon sa babae.
"Ehem- ehem-ehem" The girl fake her cough "What is your order sir?" She also fake her smile.
After ma-served ng order niya ay nagtaka pa siya dahil hindi umalis yung babae sa tabi niya.
"What?" Iritadong tanong nito.
"Your cap sir, respeto po sa pagkain."
"I don't care" Bored na sagot ni Yeshua. Hindi niya pwedeng tanggalin ang mga bagay na pumoprotekta sa kaniya para maka-iwas sa mga taong makakilala sa kaniya.
YOU ARE READING
Glimpse of the Star (EUPHORIA series #1)
JugendliteraturEUPHORIA series #1 Two people who are both looking for their purpose in life, but when they find it they lose the purpose of staying for each other. A simple life of Laine Adira M. Rodriguez, will change when she met the rising actor.. Yeshua Mizar...