Chapter Fourteen
"What's Her Problem"
Magmula noong araw na yun ay naging seryoso na talaga si Eleven sa kanyang mga sinasabi. Akala ko trip lang niya iyon kasi bored lang siya, pero hindi.
Sinabi niyang papatunayan niya raw sakin na nasa akin lang nakatuon ang kanyang atensyon kaya ayun, literal na po talaga siyang dumidikit sakin!
One time lamang ang pagsisit-in niya sa akin dahil maliban sa magkaiba kami ng kurso, ay halos wala rin kaming magkaparehong subjects at professors. Pero hindi lang doon nagtapos ang pagdikit niya sa akin.
"So how are the eggs I have given you last week? Are they still fine?" Tanong ni Sir Dao sa amin habang naliligpit na ang kanyang mga kagamitan sa lamesa. Malapit nang matapos ang period. Napalunok ako.
Tumingin ako kay Mishael na nasa tabi ko. Tahimik lamang siyang nakatingin sa unahan, pero nagiguilty na ako habang nakatingin sa kanya.
Noong binigay ni Mr. Dao sa lahat ng magkasosyo ang tig-isang itlog para sa activity namin, ay nagpasya si Mishael na siya raw ang mag-uuwi ng itlog namin sa kanilang bahay at siya na ang bahala dahil natapos na raw niya ang incubator. Lagi ko siyang sinasabi na dapat tutulong ako pero ayaw niya dahil hindi na daw kailangan.
"Um, Mishael?"
Kalmado niya akong tiningnan. Nagtama ang aming mga mata at naghintay siya ng aking sasabihin.
"Yung.. Yung ano.. Kamusta na ba yung itlog na binigay ni Sir?"
"Nasa bahay. Itlog parin." tipid niyang sagot at tumingin na siya ulit sa unahan.
Napapikit ako ng mga mata. Hay. "Pero diba magpartners tayo?" Tanong ko. "Gusto ko talagang tumulong. Nakakahiya naman na ikaw ang gumagawa ng halos lahat, Mishael."
Biglang naputol ang sinasabi ko nang nagring na ang bell.
"See you next meeting, class!" Ani Sir Dao at una siyang lumabas ng room, sumunod narin yung iba. Pero napaiwan ako kay Mishael.
Tumayo siya habang kinukuha ang kanyang bag, kinuha ko na lang din yung mga kagamitan ko at nagbuntong hininga habang tumatayo na rin.
Akala ko wala ng sasabihin si Mishael sa akin dahil tumalikod na siyang humakbang patungo sa pinto pero bigla lamang siyang huminto.
"You can help..." Panimula niya. Kahit nakahinto siya sa kanyang kinatatayuan at nakatalikod pa rin sa akin ay medyo nakatagilid na ang kanyang ulo kaya nakikita ko ang side-view ng kanyang mukha. Natigilan ako.
"Pumunta ka sa bahay tuwing Sabado. We can do the activity there." Napaatras ako nang bahagya dahil sa kaba nang tumingin na talaga siya sa akin, again with his expressionless face.
Madali lang siyang tumingin sa akin at naglakad na rin siya muli palabas. Sumunod na lang rin ako. Pero nang malapit na sana siyang makalabas ay kumunot ang noo ko nang bigla na naman siyang huminto.
Lumingon siya sakin at nagulat na naman ako nang umatras siya ng bahagya. Narealize ko na kaya pala niya iyon ginawa para mas una akong makakaraan sa pinto. Napaawang ang aking bibig.
"You first." aniya, napansin kong nag-iwas siya ng tingin.
"Oh." yumuko ako. Hindi ko inasahan na gawin niya ito. "Thank you." at lumabas na nga ako.
Pero nang lumabas ako at feel na feel ko na sana ang pagiging gentleman ni Mishael sa akin ay nagulat ako nang biglang may nakita akong isang pamilyar na asungot na nakasandal sa pader sa tapat ko. Kumulo muli ang dugo ko nang nagtama ang aming mga mata. Siya na naman?
BINABASA MO ANG
The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)
RomanceLagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si Eleven, ang lalakeng BEST FRIEND ng kanyang kuya, at ang lalakeng laging pinagkakaguluhan ng babae. Kasi nga... He's a playboy. He's the casa...