Chapter Forty Seven
"Wait"
Four months later...
"Africa?" Tanong ni Rui. Sabay kaming naglunch break at nasa isang local restaurant kami malapit lang sa trabaho namin.
"Yup." Tumango ako.
"Wow. Ilang taon kang mag volunteer doon?"
"I signed up for one year."
Hindi siya nakapagsalita kaagad na para bang hindi talaga siya makakapaniwala. "Wow, Ath. Nung sabi mong gusto mo munang mag soul searching, hindi ko inakalang kinakareer mo na talaga. Pinag-isipan mo na ba ito ng mabuti?"
"Oo naman. I mean... I feel like I need to do more din para sa profession ko. I got too comfortable here in Manila. Gusto ko din ma experience na mag volunteer at makatulong."
"Sure ka ba na hindi ka nanaman nagiging impulsive dyan dahil parehong wala na sina Mishael at Eleven dito?"
"I've thought about it since Mish left. Kasi may nakita akong post tungkol doon and I asked myself why not? It's about time naman din na gumawa ako ng something na hindi lang tungkol sa akin. Maybe this is how I'll find myself. You know?"
"Ikaw bahala." Sumandal si Rui sa kanyang upuan at ininom ang kanyang iced tea.
It's been four months since Eleven left.
I tried everything to contact him, pero hindi ko siya ma reach.
Jahziel asked if gusto ko bang siya ang kumausap kay Eleven pero di ako pumayag kasi ako ang dapat kumausap kay Eleven.
I don't know if he'll even be coming back for Jahz's wedding. It's in less than one month na lang.
In the past few months parang mabilis lang din ang panahon na lumipas dahil naging abala ako sa pagtulong kay Rickzyn para sa kanilang kasal.
Umuwi na rin si Jahziel at Rickzyn last week. Their wedding date is getting closer and closer at excited na rin ang lahat.
"Pupunta ka ba sa rehearsal bukas para sa reception?" Tanong ni Rui.
"Uh-hmm." Tumango ako.
Bumuntong hininga siya. "Si Mishael sana ang partner ko, akala ko di na ako kasali sa dance number pero may papalit na daw sa kanya. Sana wala na munang pumalit. I'm good with dancing randomly in a party pero yung slow dance? God save me." Aniya. "Pero pano na ikaw? Partner mo sana si Eleven, diba?"
"Kuya said I should just come. Kailangan din naman ako nandoon para malaman ko ang program and all."
Nang gabing yun ay pagkauwi ko'y humiga ako ng aking kama.
Napatingin ako sa isang painting na nilagay ko sa aking wall. The painting Eleven gave me.
And I still keep the necklace he gave me on my bedside table.
Kailan ka ba uuwi, Eleven?
Kailan ba kita makausap ulit?
Tumunog ang aking cellphone at binuksan ko ito.
From: Mishael
Are you free? Can I call you?
Bumangon ako at nagreply ako kaagad.
To: Mishael
Sure.
Tumunog kaagad ang phone ko at sinagot ko ang kanyang tawag.
I was caught off guard because it's been a while since we last talked.
Pagkatapos niyang magpa check up at treatment sa US ay umuwi siya ng Pilipinas. He didn't tell me what the doctors said. Hindi ko din alam kung kinumpleto njya ang treatment. Kaya nag-aalala pa rin ako sa kanya. Pero hindi siya umuwi ng Manila, he moved to the Visayas... To Dumaguete City.
BINABASA MO ANG
The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)
RomanceLagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si Eleven, ang lalakeng BEST FRIEND ng kanyang kuya, at ang lalakeng laging pinagkakaguluhan ng babae. Kasi nga... He's a playboy. He's the casa...