Chapter 46

259K 3.3K 228
                                    

Chapter Forty Six

"I'm Sorry"

"So... wala na talaga kayo ni Mishael?" Tanong ni Rickzyn.

Nasa bahay ni Rui kaming tatlo ni Zara. Rickzyn was on the phone with us at nakikita namin siya mula sa iPad ni Rui.

Tumango lang ako.

"My god. Athalia. So ibig mong sabihin babalikan mo ulit si Eleven?"

"Hindi rin, besh." Sagot ni Zara para sa akin. "So guess what? Isang malaking santa na mahaba ang hair itong kaibigan natin! Gusto niya raw maging single muna! Oh diba... Dalawang mala-modelong lalake ang naghahabol sa kanya ngunit wala raw siyang pipiliin. Wala naman ring problema yon." Kumibit-balikat siya at humalakhak.

"She's making a good decision, guys." Mariing sinabi ni Rui. "She said it herself. Mahal ni Athalia pareho silang dalawa. It will be chaos if she chooses one of them only half-heartedly."

"I just want to focus on myself right now siguro. Ayoko na ng gulo. At gusto kong matutunan ko muna ang magmahal ng tama. I just... Ayoko na talaga na makakasakit pa ako."

Bumuntong hininga si Rickzyn.

"Tama naman na 'yan ang naging desisyon mo. Naiintindihan ko. You can really be stubborn and reckless sometimes." Ani Rickzyn. "Kaya bilib ako kay Mishael. Nagtagal talaga kayo ng three years."

Sumikip ang aking dibdib habang inaalala ko si Mishael. He's leaving in a few days.

"Pero si Fafa Eleven nanliligaw ba siya sa iyo ngayon?" Tanong ni Zara.

"Hindi din. Ang sabi niya sa akin hihintayin niya raw ako. He's giving me time to think things through."

"Masokista din pala yan si Eleven." Ani Rui. "Pero teka, sinabi mo na ba sa kanya na gusto mo munang maging single? Atsaka kung sinabi niyang maghihintay siya, does that mean na may darating talaga para sa kanya mula sa iyo? Na pipiliin mo nga siya sa huli? Cuz that's what it means, right? Otherwise, he'd be waiting for nothing."

"Oo nga. So, tapos na ba talaga kayo ni Mishael? Like, end of the end of the end of the chapter na? Meaning, si Eleven na talaga ang pinipili mo?"

"Si Eleven ang pinipili mo, pero postponed muna? Kaya siya maghihintay, diba?"

Lahat sila nakatingin sa akin at naghihintay sa aking sasabihin.

"Ahh.. Ehh... Parang hindi ko iyon nilinaw sa kanya...."

"ATH!" Tumaas ang kanilang mga boses sa akin at pakiramdam ko ay lumiit ako.

"Sure ka ba nilinaw mo nga kay Mishael na gusto mo si Eleven? Na tapos na talaga kayo?"

"Oo. Nagkausap na kami. Sabi niya... gusto niya raw akong maging masaya."

"Uhhhh!" Nilagay ni Zara ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at ang kabilang kamay sa kanyang noo. "My heart is aching for Fafa Misha! Huhuhu! Ang bait bait niya naman!"

"Edi Athalia, kung nilinaw mo na yan kay Mishael, bakit di mo pa nilinaw kay Eleven na gusto mo siya? Na ang catch lang ay gusto mo munang maghintay pa siya." Ani Rui.

"Go and talk to him, Ath. Iparamdam mo naman sa kanya na may hihintayin talaga siya sa iyo. You know? Some sort of security from you. That's a mature way to do it." Ani Rickzyn.

"I third the motion." Ani Zara, tumatango.

Huminga ako ng malalim. "Pinag-isipan ko na din yan kasi... Pero di ko pa alam paano ko sasabihin sa kanya."

"Ath. Sinabi na niya sa'yo na handa siyang maghintay. That's just the cherry on top that you need to give him para naman hindi unfair sa kanya. Boost mo naman confidence niya. That's a relationship diba? Magnurture tapos mag compromise at mag communicate. Ganun lang yun!"

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon