Chapter 3

45 6 0
                                    

Spencer Pov,

"Okay class, that's all for today. You may go now"  sabi ni Ms. Ablaza pagkatapos ang klase habang palihim kong tinignan si Gwyneth.

"Wanna join us?"  tanong ni fatima kay gwyneth at nilapitan niya ito. Pero ako nakaupo parin habang nakikinig sa kanila.

"Where?" tanong ni Gwyneth

"PTB Bar" sagot ni Fatima

"With whom?"

"With them" tinuro ni fatima si Carl at Sevi.

"Okay" pagsasang ayon ni gwyneth at tinignan niya ako pero hindi ko pa rin inalis ang paningin ko sa kanya hanggang sa makaalis sila.

Noong makaalis sila, iniisip ko kung susundan ko ba sila o uuwi nalang ako? Pero huli na noong naramdaman kong nagmamaneho na ako pauwi sa bahay ko. Oo, bago pa ako nagpakita kay Gwyneth, may sarili na akong bahay. Binili ko ito mula noong nakabalik ako galing States. Yes, bago ako nagpakita sa kanya, nagstay muna ako dito ng ilang linggo at nakausap ko si tita para tanungin ang kalagayan ni Gwyneth kaya sinabi niya kung nasan nakatira ang anak niya.  Matagal kaming hindi nagkita ni Gwyneth dahil pumunta akong States 3years ago pero bago pa ako pumuntang states noon, alam ko na ang about sa family niya. Kami ni Gwyneth ay magkababata dahil magkakilala ang aming mga magulang. Magkaklase kami mula grade 1 to grade 6. Pero noong nag grade 7 na kami, dito na sila tumira sa Manila dahil sa business nila at samantalang naiwan ako sa laguna noon at doon ako nag nag-aral hanggang sa pumunta kaming america kasama pamilya ko dahil may business din kami doon kaya nag-aral din ako doon kaya noong makauwi kami dito sa pilipinas, pinili ko magtransfer dito sa school niya dahil gusto ko siyang makita. Sobrang kumportable namin sa isa't-isa.

Pagkarating ko dito sa bahay, dumiretso agad ako naligo at kumuha ng konting gamit ko na dadalhin ko sa boarding. Habang naggagayak ako, hindi ko maiwasang isipin kung nakauwi na ba 'yon? Kaya binilisan ko ang paggayak at lumabas na ako tsaka sumakay sa kotse at nagmaneho papunta sa boarding niya. Medyo may kalayuan 'yon dito kaya binilisan ko ang pagmamaneho.

Nang makarating ako, bumaba na ako at kinuha mga gamit ko para ipasok sa loob. Pero pagbukas ko ng pintuan, nakapatay lahat ng ilaw. Alas onse na ng gabi kaya pag on ko ng ilaw, sa pintuan ng kwarto agad ni gwyneth ang tingin ko pero nakabukas ito. Kaya agad akong nagtungo doon pero wala pa ito. Ano na kayang nangyari don? Pauwi na kaya 'yon?

Pinasok ko na agad sa kwarto ko ang mga gamit ko tsaka ako nagtungo sa kusina para magluto dahil baka parating na 'yon. Sobrang laki ng nabawas na timbang niya mula noong last naming pagkikita kaya alam ko g bihira lang kumain ang taong 'yon. Nagluto ako ng Adobong chicken, kanin, hotdog, syempre hindi mawawala yung camatis na may asin kasi alam kong favorite niya 'yon kahit rich kid 'yon. Pagkatapos ko magluto halos mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa sala pero wala pa rin siya.

Nang hindi ako nakatiis kakahintay ay agad na akong lumabas at sumakay sa kotse at pinaandar iyon patungo sa pinuntahan nilang PTB Bar. Inabot naman ako ng 15mins bago nakarating dahil binilisan ko talaga ang pagmamaneho dahil nag-aalala ako.

Pagkarating ko, agad akong pumasok at hinanap ko sila pero nagulat ako dahil nakita kong naghahalikan sila ni Carl. Bakit anong meron sa dalawang ito? Matagal ko pa silang pinanood pero mukhang hindi mo sila mapapaghiwalay kaya imbes na pupuntahan ko sila, tumalikod nalang ako at bumalik sa kotse ko. Matagal pa akong naghintay doon baka sakaling lalabas na sila pero nabigo ako. Dahil mukhang wala na silang balak umuwi. No choice, balik ako sa boarding.

Pagkauwi ko ay nanood nalang ako ng tv dito sa sala habang hinihintay siya. Pero wala pang 30 mins ay bumukas na ang pinto at iniluwal ito si Gwyneth at lasing na lasing.

You're the light on my darkest nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon