"Wow.. ang ganda talaga niya.""Hindi na ako nagtaka kung bakit siya ang ultimate queen ng campus natin."
"Sexy niya at ang galing niya magdala."
Habang naglalakad ako papasok sa room ko rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga tao. Well, wala naman ng bago. Pero lagi kong iniisip, deserve ko ba? Na tawaging queen at maging famous? At hindi ko rin maiwasang itanong sa sarili ko, what if they'll find out about my real personality? No way! It can't be! Anyways, I'm Gwyneth Alonzo. 20. Grade 11 student in Smith International Academy.
"What takes you so long?" tanong ni Fatii.
She's my friend Fatima Castillo. She came from a rich family. They are the owner of Golden's Mall. Isa sa pinaka kilalang mall dito sa Pilipinas.
"May dinaanan lang ako" sagot ko.
"Okay. Bukas na ang Acquaintance Party. Ano isusuot mo?" tanong niya sakin. Ano nga ba at saan ako kukuha ng susuotin ko?
"Surprise" sagot ko ng nakangiti ng sarkastiko.
Bukas na nga pala ang aming Acquaintance Party. Mula noong naghiwalay ang mga magulang ko, dun na nagsimulang maghirap ang pamilya ko. Si Daddy, nasa ibang bansa kasama ang bago niyang pamilya. Habang si Mommy naman ay nasa probinsya. Kasama ang aking Lolo't Lola. Dahil binenta ni mommy yung bahay namin dito sa manila ay naghanap nalang ako ng pwede kong pagboardingan na may kalayuan sa school. Gamit ko pa rin naman ang aking sasakyan. Piniling hindi ibenta ni mommy kasi para daw may masasakyan ako pumasok sa school. Bukod sa pamilya ko ay wala ng ibang nakakaalam tungkol sa paghihiwalay ng magulang ko. Lalo na sa kundisyon ko ngayon. Maski si Fatima ay hindi niya alam at wala akong balak ipaalam. Pag aari namin dati ang isang sikat na mall dito sa manila. Pero ibinenta ni dad yun sa kamag anak niya which is Alonzo pa rin naman ang may ari. Kaya hindi halata na hindi na sa amin ang mall na yun.
"I need to go home early para maghanap ng gown" sabi ko kay Fatii sabay tayo na parang aalis na. Dahil kailangan kong makahanap ng murang gown pero mamahalin yung itsura niya.
"Samahan kitang maghanap" sabi niya sakin.
"No need. Edi hindi na surprise 'yung isusuot ko pag sumama ka diba?" I sarcastically answered na ikinasingkit ng mata niya.
"Okay, bye then." ngiti niyang sagot. Madali ka lang naman palang kausap e. Umalis na ako at kumaway sa kanya ng marating ko yung sasakyan ko.
Habang pauwi, nag-iisip ako kung san ako kukuha ng isusuot ko bukas. Siguradong pabonggahan na naman ang isusuot don. Lalo na't puro mayayaman ang nag-aaral doon. Kung hindi lang kami naghirap, hindi ako namomroblema na susuotin ko bukas.
Malapit na ako sa subdivision ng boarding ko. Minsan lagi akong nagdodoble ingat kasi ayaw kong may makakilala sakin na taga SIA. Hindi ganon kahirap ang magtago pero hindi din naman ganon kadali. Kaya mas pinili kong magboarding sa lugar kung saan walang nakakakilala sakin.
Pagpasok ko sa boarding tinawagan ko na si mommy. Matagal bago sumagot ang aking ina. "Hello?" bungad ni mommy.
"Mom. I need money. Tomorrow is our Acquaintance Party. I don't have gown yet so I need to buy one." sagot ko agad. Kahit alam kong wala siyang maibigay kasi nga, naghihirap na kami mula noong naghiwalay sila ni dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/256290864-288-k765926.jpg)
BINABASA MO ANG
You're the light on my darkest night
Storie d'amoreIn life, there are one's who can sees your worth most especially at your worst. The one who can motivate you, and the one who can be your light on your darkest night.